Pagkaupong pagaka upo ko sa seat ko at dahil mahaba habang byahe agad kong sinalpak ang earphone ko at saka sumandal at natulog.
Nagising ako nang naramdaman kong sumakit ang leeg ko, nangalay ata dahil sa maling pwesto ng pagkakahiga ko.
Pagmulat ko ng mata ko mero na akong katabi, mahimbing ang tulog kaya natitigan ko ang makinis niyang muka, matangos na ilong, mahahabang pilik mata, makapal ang kilay at mapupulang labi. In short pwede na.
Bago pa siya tuluyang magising ay iniiwas ko na agad ang paningin ko sa kanya at kumuha na lang ng makakain.
Habang nagbabasa ako ng libro nasagi ng katabi ko ang lagayan ko ng tubig na nakabukas dahilan para mabasa ang libro ko at ang sapatos niya
"What the" gulat na sabi ko.
"Ano ba naman yan" sabi nito na siyang kina inis ko.
"Di ka man lang ba mag so-sorry?" inis na tanong ko rito.
"No, tignan mo nabasa tuloy tong sapatos ko dahil sa tubig mo." madiin na sabi niya
"Tss, ikaw na nga tong naka perwisyo ikaw pa tong galit ano pa victim" sabi ko
"Kasalanan mo din naman kasi, bakit kasi nagbabasa ka ng libro dito sa eroplano e hindi naman toh library"
"At hindi rin naman sayo tong eroplano"
"Bakit sinabi ko bang akin"
"Oo, kakasabi mo lang"
"Bahala ka nga" sabi nito bago tumalikod sakin.
"Aba! Bayaran mo tong librong nabasa mo" sabi ko
"Bayaran ko din tong sapatos ko na nabasa mo" sagot nito.
"I hate you" inis na sabi ko
"Bakit love ba kita" sagot nito saka tumingin sakin.
Sasagot pa sana ako nang palapag na ang eroplano kaya inayos ko na lang ang mga gamit ko.
Nasa hotel na ako kung saan ako nagpa book. Nag half bath muna ako bago ayusin ang mga gamit ko.
Naatingin na lang ako sa librong nabasa ng hangal na lalaking yun. Binuklat ko ito ay nilapag sa mesa para matuyo.
Pahiga na ako at naisipan kong tawagan si Shen.
'Yes Khari my love' sagot nito sa kabilang linya
"I'm here na"
'Buti buhay kang nakarating jan'
"Haha kakatawa"
'Wala ka ata sa mood makipagbarahan sakin' tumatawa niyang sabi.
"Nakakainis kasi yung lalaking katabi ko kanina sa plane" nanggigigil na sabi ko.
'Lalaki? Baka yan na meant to be mo'
"Sira ayoko nga baka sirain lang lahat ng libro ko"
'What happened ba?'
Kwenento ko sa kanya ang nangyari.
'Napaka attitude naman di man lang nag sorry'
"Oo nga eh, pasalamat siya di na kami magkikita dahil kung hindi di ko alam magagawa ko sa kanya"
'Posible ding magkita kayo kasi diba nandiyan lang siya somewhere in Davao'
"Bahala na, BTW i need to sleep na Shen" sabi ko at nagpaalam na kami sa isat-isa at natulog na ako.
YOU ARE READING
Stalwart Affection (Digoseños Love Series 1) (On-Going)
Teen FictionTravel is her thing and he is always chasing.