Chapter Five

5 1 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng alarm ko, nagmadali akong mag ayos dahil nakakahiya naman kung magpapa antay ako. I'm just wearing leggings white shirt na luwag kaya tinali ko ito sa likod, I bun my hair saka nag spray ng pabango sa pulsuhan at sa leeg ko.

'malapit na kami sa place mo'

Message galing kay Grish kaya agad ko naman itong nireplyan. Pagkatapos nun ay agad akong bumaba para antayin sila, saktong pagkababa ko ay dumating ang montero at huminto ito sa harap ko.

"Khari sakay na" sigaw ni Luke kaya agad akong sumakay sa back seat.

"Asan yung mga kaibigan nyo?" Tanong ko dahil tatlo lang kami sa sasakyan ni Luke.

"May kanya kanya kaming sasakyan kaya nauna na sila" sagot ni Luke

Habang nasa byahe kami di ko maiwasang magtanong.

"Alam ba nilang kasama ako?"

"Actually, nope pero I know naman na they will like you" sabi naman ni Grish.

Ilang minuto pa at nakarating na kami, natanaw kong may lima pang kotse. Agad na pinark ni Luke ang sasakyan saka kami bumabang tatlo.

Malayo palang sa grupo ng kalalakihan ay tila may namumukaan na ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad na tanong nito sakin.

"Wala ka na dun" masungit na sagot ko.

"Magkakilala kayo?" Sabay-sabay nilang tanong.

"Hindi, pero siya yung dahilan kung bat nabasa yung libro ko. Kalalaking tao kasi napaka clumsy." Inis na sabi ko.

"Sya pala yung kwenento mo samin, ganda pala" sabi ng chinitong katabi ng hangal na toh.

"Bago kayo magbangayan jan, this is Kharinel you call her Khari na lang ang she's my friend from Manila" mahabang sabi ni Grish.

" And this is my friends, Fredrich Kingsley Patricio" turo niya sa maputing naka brush up ang buhok.

"This is Brinn Art Aguas" turo niya sa morenong malaki ang pangangatawan.

"This is Jelo Jergen Hernandez" turo niya sa maputing matangkad.

"This is Roi Cevint Gapuz" turo nya sa naka faded.

" This is Limiel Miranda" turo niya sa kahawig ng lalaking hangal.

"And this is Rylie Keith Miranda, cousin of Limiel" turo nito sa nakakainis na muka sa mundong earth, pagkatingin niya sa akin ay agad ko siyang inirapan.

Bago kami umakyat ay nakipagkamay muna sila, gwapo na sana kaso gago.

Stalwart Affection (Digoseños Love Series 1) (On-Going)Where stories live. Discover now