Adrien's POV"How do you feel? May masakit sa sayo? Gutom kaba sabihin molang sakin iho."
Kasalukuyang nasa hospital ako ngayon sa probinsya kung saan nakatira ang aking lolo at lola.
"Wala po." sabi ko dahil alalang ala sakin ang lola ko.
"Mabuti nman, Ito pa ang umpisa mo sa bagong buhay mo rito. Kawawang bata" mangiyak ngiyak na tugin nang aking lola.
"Sorry po lola."
"Hindi hindi. Wag kang mag alala tungkol diyan apo."
Hindi ko naman gusto na mag dala pa nang anong gulo ayaw ko namang maging pabigat kina lolo at lola.
"Uh alam po ba ni dad?"
Nasa ibang bansa kasi siya dahil sa bussiness niya at si mama naman ay matagal nang namatay nang isinilang niya ako.
"Hindi, hindi ko sinabi sakanya. Diba nasa Japan si Arthur ngayon, totoo ba?"
"Gusto mong sabihin ko sakanya? Meron akong number niya," sabi ng Aunt Rinn ko kapatid niya si mama kaya walang kaduda duda na magkamukha sila.
"Huwag na sasabihin ko nalang sa kanya mamaya." Ayaw ko namang madagdagan pa ang stress niya sa trabaho.
"Iyang si Arthur, napaka responsable. Simula nang namatay si Adrienne."
"Tingnan ninyo oh makikita niyo talaga dito sa itaas ang Altheah river na umaagos hanggang sa dulo ng bayan. Kitang kita dito ang papasukang school mo" Masayang sabi ni aunt Rinn.
Muntik ko nang makalimutan oo nga pala dito na ako titira at papasok sa Accademy nayon.
"Ito ba ang parehong pinapasukan mo, aunt Rinn?"
"Ah, oo pero 14 years ago oa naman yon. Si ate, Adrienne pareho kmi pumasok sa Alheah High School."
Noong nasa syudad palang ako hindi ako sinanay ni papa na pumasok sa public school lagi niya kasi akon ini enroll sa private. Hindi ko nga alam kung kaya ko ba dito o hindi."Wag kanang mag isip nang malalim dahil ako ang bahala na mag hahanda sayo sa Altheah High."
* * *
Nagising ako nang may naramdaman akong may nag uusap usap. Pagkamulat ng aking mata nakita ko na may tatlong naka suot ng uniporme sa harapan ko, dalawang babae at isang lalaki. Yung babaeng isa maiksi ang buhok na may eye glasses may hawak na bulaklak pareho sila nang lalaking may glasses din at ng babaeng mahaba ang buhok na nakalugay.
"Ah, pwede ko bang malaman sino po ba kayo?"
"Kami ay estudyante sa Altheah High School 10th grade, class 3."
"Ako si Tyler. Tyler Perez. Eto si Sakura." Turo niya sa maiksi ang buhok "at si-"
"Zea Villarel." Singit nang mahabng buhok na medyo masungit.
"Uh, may kailangan po ba kayo?" Hindi ko kasi maintindihan bakit sila pumunta sakin.
"Ah oo. Si Sakura at ako ay class officer at si Zea naman ang laging incharge ng countermeasures ng klase. Pumunta kami dito as representative ng class 3." Singit ng lalaking medyo singkit at may glasses.
"Contermeasures?"
"Bagong transfer molang dito diba?" Sabi ni Zea.
"Nalaman kasi namin na mag uumpisa ka ng klase ng Monday ngunit nagkasakit ka. Kaya naisipan namin na bisitahin ka on behalf ng buong klase. Uhm para pala sayo." Sabay abot sakin ni Sakura ng bulaklak na kanina pa niya hawak hawak.
"Lumipat ka dito from Manila diba? Sa private school ka ba pumapasok? Baket ka nag transfer dito?" Tanong sakin ni Sakura.
"For family reasons teka kilala niyo na ba ako? Kanina pa kayo nag sasalita eh."
Muntik ko ng makalimutan napasarap ata sa kakakwento hindi ko namalayang hindi pa pala ako nagpapakilala nahiya naman ako kasi binigyan pa nila ako ng bulaklak.
"Kilala kana namin wag kang mag alala. First time moba tumira dito sa Altheah?"
"Ah oo" medyo naiilang ako kasi hindi ko alam bakit napaka interesado nila tungkol dito.
"Oh.. akala ko kasi nakapunta kana dito."
"Nakapunta ako dito noon pero hindi naman ako tumira dito."
"Tumira kaba dito ng matagal?" Singit ni Zea sa pinag uusapan namin ni Sakura.
"Hindi ko masabi. Hindi ko kasi maalala. Noong ako'y bata pa, baka?"
Baket ba hindi ko maalala. Tapos kong masagot tiningnan lang nila akong tatlo buti nalang at nag salita si Tyler.
"Heto, ginawan kita ng copy sa lahat ng lessons sa unang start ng klase."
"Salamat. Baka next week papasok na ako magkikita kita nman tayo." Ambait naman ni Tyler.
"Uhm Adrien? Ano eh ahm.." nauutal utal na tanong ni Tyler at nag iwas ng tingin.
"Adrien? Pwede ba kitang tawaging Rien?" Nabigla naman ako sa sinabi ni Zea.
"Sure."
Tapos nilahad niya sakin yung kamay niya tinangap ko naman. Tapos nakita ko namang nag bago ang expression nilang tatlo.
"Adrien, sigurado kabang hindi ka pa nakatira sa Altheah dati?" Tanong ni Zea.
"I don't think so."
Pagkatapos nun ay nag paalam na sila at nagpasalamat. Hindi ko namalayan gabi na pala hindi ko makita si lola at si Aunt Rinn kaya bumaba nalang ako at kumuha ng makakain.
Habang nasa elevator ako ay hindi ko namalayang may babae pala sa bandang likod ko. Namalayan kong naka suot ito ng parehong uniporme ng dumalaw sakin kanina. Medyo magkapareho sila ng uniporme.
"Ano, uhm nag aaral kaba sa Altheah High?"
Hindi ako nakatanggap ng sagot. Pero tumango lang siya kaya hindi ko nalang siya inistorbo. Meron siyang patch sa left eye nya at medyo maiksi yung buhok niya at cold ang kanyang expresyon.
Nagtaka ako kasi bumaba siya sa second basement ng hospital kaya tinanong ko siya.
"Meron kabang gagawin sa second basement?" Tanong ko sakanya tiningnan niya lang ako gamit ng malamig niyang tingin tsaka 'humu o'. Pero yung second basement ay morgue.
"Meron akong kailangan ibibigay. My poor other half, hinihintay niya ako." Pero yung mata niya ay hindi sakin nakatutok sa ilalim lng.
Bigla namang bumukas ang elevator kaya lumabas na siya sa isang madilim na lapag na isng kawawang kumukutitap na ilaw lang ang sumusuporta para makita ang daanan.
Tila hindi ko napansin na kanina pa pala siyang may hawak na manika. Patuloy lang siya sa paglakad sa madilim na palapag.
"Hey, teka lang." Patuloy lang siya sa paglakat sa medyo madilim na bahagi ng hall kasi di na abot ng ilaw.
"Anong pangalan mo?" Huminto siya at nakatalikod ng ilang segundo.
"Harley. Harley Quiin Misaki"
At nagpatuloy sa paglalakad ng hindi ko na makita ang kanyang likod at anino.

BINABASA MO ANG
Who is The Extra?
Mystery / ThrillerBased on the story Another: Simula nang nag transfer si Adrien 'Rien' Lauro sa Altheah High sa class 3 ay sunod sunod na ang namamatay sa kanila. Dahil sa curse o tinatawag nilang calamity ng kanilang klase noong 26 years ago. "Send them back to t...