Chapter 2

10 3 2
                                        


"Goodmorning, Rin" hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala na wala na ako sa syudad at ang nangyari sa hospital. Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay ng aking lolo at lola. Kakalabas ko lang kahapon sa hospital at ngayon ay papasok narin ako sa bago kong eskwelahan.

"Goodmorning, Rin" ika ng parrot ni aunt Rinn sa sala.

"Kamusta?" Hindi ko nga maintindihan bakit ganyan yung sinasabi ng parrot.

Bumangon na ako dahil ang ingay ng alarm at ng parrot sa labas.

Ringgggg..

"Oy ikaw, goodmorning kamusta kajan?" Bati sakin ng aking tatay.

"Morning."

"2:32 A.M dito. Ang init talaga sa Japan."

"Napatawag kayo dad?"

"Papunta kana ba sa school mo ngayon? O hindi? Pasalamat ka swerte mong tawag ito."

"Uh, sge."

"Okay kalang? Kamusta ka nang nakalabas ka sa hospital? Naririnig mo ba ako Adrien? Gusto kong sabihin na-" bigla nalang namatay ang tawag mahina kasi ang signal sa kwarto kaya lumabas nalang ko at pumunta sa sala.

Pagakalabas ko binati ako ng parrot.

"Goodmorning, Rin! Goodmorning!"

"Rin kaya ang pangalan mo, alam moba yon?" Para akong timang na kinakausap ang parrot.

Umupo nalang ako sa balkonahe at tintingnan ang bulaklak ni lola tinatamad pa akong pumunta sa bago kong eskwelahan hindi ko alam kung anong mangyayari sakin. Naala ko nalnag yung sinabi sakin ni Aunt Rinna.

Flashback

"Ang pangatlong bagay na dapat mong malaman para ihanda ang iyong sarili sa Altheah High ay, kailangan mong bigyan ng importansya ang class rules."

"Okay."

"Maraming mga bagay ang ang pinagkaiba ng syudad dito sa probinsya pero dito ang group ay mas pumapangibabaw kesa sa invidual."

"I think, kaya ko po yan."

"Okay, ngayon ang ikaapat na kailangan mong malaman ay-"

End of Flashback

Napabalik ako sa realidad ng tawagin ako ng aking lola upang kumain.

"Kakain nadaw sabi ng lola mo, Adrien." Sabi ni lolo na nasa kwarto niya at umuupo kaya pinuntahan ko siya at nag beso.

"Baket, Rin? Baket?" Sabi ng parrot.

Kasalukuyang nasa eskwelahan na ako meron maliit na gate hindi ganon kalaki okay lang. Kaya pumasok na ako at meron itong tatlong malalapad na building at abot hanggang 3rd flor.

Pumunta ako sa loob at nakita ako ng dlaawang teacher at sinabing sumunod ako sakanya kaya nagsimula kaming lumakad papuntang 2nd flor.

"Ako nga pala si Simoun Canto iyong homeroom teacher at si Ms. Sabrina ang ating assistant teacher." Kaya bumati din ako sa kanila at sinamahan sa aking kwarto.

"Sana ay makikitunguhan mo ang lahat ng iyong kaklase. Kung meron kang problema sabihan molang ako o di kaya ang ating Assistant teacher na si Ms. Sabrina" Sabi ng teacher. Nangunguna silang lumalakad habang nakasunod lang ako sa likod nila.

Who is The Extra?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon