Part 3

5 1 0
                                    

Zane's P.O.V

Halos tatlong linggo na akong nakalagi sa aking silid, walang komunikasyon at hindi pwede lumabas sa kwartong ito. Ang tanging pinagkakaabalahan ko lang ay angpagbabasa ng libro. Nag lagay rin ang aking mga magulang ng dalawang taga bantay sa labas ng pintuan upang masigurong hindi ako makakatakas. Halo halong emosyon ang siyang umuukupa sa aking pagkatao.

Inis dahil sa pagiging exaggerated ng aking magulang, takot sa maaring maging bunga ng pagkakamaling aking nagawa, lungkot dahil maapektuhan ang pagkakaibigan namin ni trinity ng dahil rito, muhi dahil masyado akong nag padala sa sariling pagnanasa, sobrang baba na ng tingin ko sa aking sarili.

At sa tatlong linggo na iyon ay mag iisang linggo narin akong nagsusuka, nahihilo, nanlalata, Laging inaantok at ang malala sumasakit ang bandang tiyan ko.

Hindi ko ipinapaalam at ipinapakita sa aking magulang ang aking biglaang pagsusuka dahil baka mag taka ang mga ito dahil sigurado akong aftermath lang ito ng Hindi ko pagkain sa nakalipas na mga araw.

Hindi ko rin masyadong iniisip ang patungkol sa pagkakabawal kong lumabas dahil mas gusto ko ngayong maglagi sa akig kwarto at humilata, siguro ganon talaga pag gantong edad, may pagkakataong wiling-wili sa pag lakwatsa at may pagkakataong gusto laging nasa bahay.

Bumalik ako sa katinuan ng makarinig ako ng tatlong sunod na katok, iniayos ko ang aking sarili.

" Tuloy! " pag-sigaw ko.

Ang inaasahan kong bubungad sakin ay ang maid na laging naka toka sa pag kain ko ngunit ang aking ina ang siyang bumungad sa akin.

"ayos lang ba ang pakiramdam mo?"pag bungad nito at inilapag ang tray sa ibabaw ng mini table.

"napag alaman ko sa mga katulong na halos alas 10 kana gumigising" pagtataka nitong saad at isa isang iniayos ang mga lagayang may pag kain.

hindi pa man tuluyang naka baba ang pangalawang paa ko ay nakaramdam ako ng pagkasuka kaya dali dali kong tinahak ang banyo, at diretsong dumuwal sa toilet.

"Grawwkkkk! Grawwkk!! " pagsuka ko.

" anong nangyayari anak!? " tarantang sabi ng aking ina sabay hagod nito sa aking likuran..

Patuloy lang ako sa pag suka at hindi kalaunay napaluhod ako ng tulyan sa malamig na tules dahil sa naramdamang panghihina.

"jusko anak! " nagaala nitong saad.

"hello Frank! Anjsbdsksbsjbs " hindi ko man maintindihan ang sinasabi ng aking ina ngunit alam kong ang aking ama ang kausap nito sa telepono. Nakatuon ang aking buong atensyon sa aking kalagayan.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos rin ang pagsusuka ko, sinubukan kong itayo ang aking kaliwang paa ngunit dahil sa panghihina ay nabigo ako, napansin siguro ng aking ina ang pagsubok kong tumayo kayat inalalayan ako nito.

"may masakit ba sayo anak? " maypagaalala nitong tanong at hindi alam kung saan hahawak dahil baka may mataamang parte sa aking katawan na maaring makapag bigay ng sakit

"wala naman po ma, kulang lang po siguro ako sa tulog akaya ako nagkakaganito " pag dadahilan ko

"matagal ko na kasing sinabi sayo na iwas iwasan mona ang pagbabasa ng magdamag, makakasama sa kalusugan mo yan anak" paninermon ngunit alam ko parin nag aala lang ito

"wala naman po akong ibang magawa rito " saad ko na siya namang totoo.

"pasensy- " sabi ng aking ina ng bigla bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa ang pigura ng aking ama.

"kumusta kana anak? " taranta nitong sabi at agad na tinumbok ang kinaroroonan ko.

Natawa naman ako dahil kung maka asta ang aking ama ay para akong nasagasaan dahil chineck niya lahat ng bahagi ng aking katawan kung okay lang ba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

B A B I E S  I  N E V E R  W I S HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon