Chapter 1

22 2 6
                                    


Ace Gonzales

Pagkatapos ng klase deretso akong naglalakad papunta sa aming bahay ng may napansin akong kakaiba sa isang madilim na kanto. Agad ko itong nilapitan at hindi ko inaasahan ang pangyayari.

Nasisilayan ko ang isang matandang lalaki na wala ng buhay nakasuot ito ng formal attire at sigurado akong isa siyang mayaman dahil sa kanyang ayos at isang lalaking nasa mid 40s na may parang hinahanap sa kanya. Nakasuot ito ng black cape at hat kaya't hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha.

Habang niyuyugyog ng lalaking suspect ang katawan ng biktima agad akong lumapit at  nagtago upang hindi niya ako mapansin.

Ngayon ko lang nakita ng maayos ang biktima at ang suspect. May tama ng bala sa puso at noo ang biktima kaya't agad itong binawian ng buhay at masasabi kong bihasa ang lalaking suspect sa pagpatay sa kaniya.

Hmm ano kayang hinahanap niya?

Makalipas ang ilang minutong paghahanap. Pumikit ang suspect at bigla na lang humangin ng malakas at kasabay ng pagliwanag sa parang hidden pocket ng biktima.

How did he do that?

Kinuha niya agad ang parang pouch na umilaw sa pocket ng biktima at tumawa siya ng malakas.

Nagtaka ako sa laman ng pouch lalo na nung binuksan niya ito. Isang susi? Akala ko magnanakaw siya ng pera.

"It's time to go back where I truly belong." Saad nito habang malakas na tumatawa.

At dahil sa curiosity sinundan ko siya. Habang naglalakad hindi ko napansin na andilim na pala at malapit na mag gabi. Pero dahil patuloy pa rin siya sa paglalakad sinundan ko pa rin siya hanggang sa nakarating kami sa isang gubat.

Nang makapasok kami sa gubat tumingin siya sa paligid niya kaya't agad akong nagtago sa damuhan. Pero ng tumuloy siya sa paglalakad nakarating kami sa pusod ng gubat kung saan madaming naglalakihang puno at isang lawa sa tabi ng isang...

"Higanteng puno na may pinto?" Agad kong tinakluban ang aking bibig at buti na lang ay hindi ako napansin ng lalaking suspect.

Ano bang maayos na itawag sa kaniya. Suspect o Magnanakaw o Man In Black. Man In Black na lang haha.

Habang ako ay nag da-daydream. Napansin kong papasok na ang lalaki sa isang pinto na kulay purple at may nakapalibot ditong magagandang bulaklak.

At dahil naaliw ako sa higanteng puno hindi ko napansin ang parang magical door sa harap namin ni Man In Black.

"I'm home wait for me my love." Sabi niya sabay pasok sa purple door. At dahil pumasok siya gusto ko na ding pumasok at mahuli ang suspect na yun para magkaroon ng hustisya ang pagkamatay nung matanda.

Kaya't para sa hustisya ng matanda pinihit ko ang door knob ng magical door at pumasok dito.

At sa pagpasok ko dito hindi ko inaasahan ang aking nasisilayan at parang gusto ko na lang bumalik sa mundo namin ngunit pagtalikod ko nawala na ang pinto na aking pinasukan at alam kong naistuck na ako dito sa magical kingdom.

Agatha: The lost PrincessWhere stories live. Discover now