CHAPTER TWO

4 2 0
                                        


ALONEY'S POV:

7:30 SA COFFEE SHOP NI BARBIE

Nag hahanda na kami ni Kaih at sinusuot na ang kanya kanyang apron dahil nagsisimula nang magsidatingan ang mga costumers,
si kuya Ken naman nasa counter at inaayos lalagyanan ng pera, napaghahalatang mukang pera eh.

Nag umpisa na ulit akong mag lamas---ng dough, minsan talaga mas gusto ko nalang gumawa ng cake kesa maglamas, iba kasi yung pumapasok sa isip ko, may isip pala ko? di ako na informed.

"Loney, ikaw muna yung magserve sa costumers, nag day off si Lana may emergency daw." sabi ni Kuya Ken, minsan talaga nakakapagtampo tong si kuya Ken, kapag ako bawal mag day off tapos yung iba pinapayagan nya, ang unfair.

"Tingnan mo tong si kuya Ken, bat ako hindi mo pinag daday off?" tanong ko sa kanya, syempre nagpaawa ko, nag pout ako kahit alam kong magmumuka na kong aso, kyut na aso.

Inambaan naman nya ko ng batok kaya agad kong sinangga yung kamay ko.

"Ikaw talagang bata ka, kaya hindi kita pinag daday off kase alam kong wala ka namang emergency, puro lakwatsa lang naman ginagawa mo." sermon nya sakin, hinahanap ko kaya si mama kapag nag daday off ako.

"Eh..Kuya Ken hinahanap ko kaya si mama kapag nag daday off ako." sabi ko.

"Ha? ibigsabihin hindi mo kilala mama mo?" taka nyang tanong, hindi naman kase nya alam, saka hindi ko naman balak buksan yung topic nayon sa mga diko ka close pero dahil close kami ni kuya Ken at hindi open, nasabi ko sa kanya.

"Oo, tingnan mo," dinukot ko yung picture ni mama sa bulsa ko saka binigay sa kanya "Yan ang mama ko, kaso bata pa sya dyan kaya hindi ko sya makilala kase sure akong medyo may edad na sya ngayon." sabi ko sa kanya.

Nag iba ang expresion ni Kuya Ken ng makita nya yung picture na mama, para bang may inaalala na hindi nya maalala.

"bakit Kuya? kilala mo ba?" tanong ko sa kanya.

"Parang pamilyar sakin yung muka nya eh, saan ko nga ba nakito yon?" bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi ni Kuya ken.

"Talaga!!?? saan mo nakita?saan?" sabi ko sa kanya at sabyna hinawakan yung dalawang braso nya.

"Diko matandaan eh basta ang alam ko nakita ko na sya." sabi nya.

"Pero atleast ibigsabihin buhay si mama." sabi ko.

"O sya bumalik ka na sa trabaho may order don sa table 6, ibigay mo na yung order." sabi nya saka binalik sakin yung picture ni mama.

mabilis ko naman tinggal yung apron ko saka sinuot yung cap na sinusuot ng mga waiter, binalik ko na din yung picture ni mama sa bulsa.

Kinuha ko na yung order at dinala ito sa table number 6, isang lalaki ang nakaupo sa table nayon, pero diko alam kung lalaki ba o babae, kase may lipstick sya, baka naman barbie.

"Goodmorning po, eto na po yung order nyo." sabi ko saka nilagay sa table nya yung order nya.

"Thanks." sabi nya with matching sweet smile pa. naol maganda yung ngipin.

"Welcome sir" sabi ko pero biglang nagiba yung ekspresyon nya.

"Correction, its Ma'am not Sir ok?" tumango nalang ako, kaya naman pala. parang gusto ko nalang kumanta ng ayy barbie sabi ko na, sabi ko na barbie eh!"

"Ahmm, im sorry Ma'am" yumuko ako sa kanya.

"It's ok! you can go" sabi nya, at tumalikod naman na ko, pero nakakailang hakbang palang ako ng tinawag ulit ako ni Ma'am barbie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHO'S THE HEIRS?Where stories live. Discover now