CHAPTER ONE

6 2 2
                                        


ALONEY'S POV:

Ngayon ang pasukan sa GIS. isang sikat na school sa buong pilipinas, na tanging ang pumapasok lang ay ang mga sikat, mayayaman, at mga anak ng mga sikat na tao ang nakakapasok sa school na ito.

Pero dahil hindi ako sikat, hindi mayaman, hindi anak ng sikat. hindi ako pwedeng pumasok sa school na ito.

Isa lang naman kasi akong babae, isang ordinaryong babae na nakatira sa isang probisya na naligaw sa Manila at ngayon naging isang rakitera, grabe mula sa probinsya napad pad ako sa Manila di ko rin alam kung pano, basta ang alam ko nasa Manila ako para mag aral at para hanapin si Mama.

Pero sa tingin ko malabong makapag aral ako sa GLINT INTERNATIONAL SCHOOL yun pa naman yung gusto kong pasukan kaso mukang malabo pa sa tubig baha na mangyari yung gusto ko.

Huhuhu nanay ko nalang hahanapin ko, baka sakaling may mapala pako.

Nakatingin ako sa harap ng mataas na biulding ng GIS at nangangarap na sana makapasok ako dito. pero para sakin yata yung kantang "pangarap ka nalang ba? o magiging katotohanan pa??" feeling ko malabong maging totoo.

Umupo ako sa isang bench sa harap ng school dahil kanina pa ko nangangawit sa pagtayo sa harap ng GIS kanina pako nangangarap ng gising.

Habang nakaupo ako, nakikita ko na may mga estudyante na lumalabas sa gate,

Kanina pa kong umaga sa harap ng GIS diko din alam kung anong ginagawa ko dito, basta kanina naglalakad lang ako tapos napunta nako dito, may sarili atang isip tong mga paa ko ehh, sana all may isip.

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga estudyante na palabas sa gate ng biglang tumunog yung ring tone ko.

"Ay barbie sabi kona! sabi ko na barbie eh! ay barbie sabi ko na! sabi ko na barbie eh!"

Walang basagan ng trip mahilig ako sa barbie eh, bat ba?

Kinuha ko agad yung napakaganda kong cellphone iphone 12 pro lang naman to pero ang pag kakaalam ko wala pang 12 kaya wala din ako non at fake news din na may iphone ako dahil the truth is cherry mobile lang afford ng budget ko.

pati ba naman sa cellphone pangarap parin?

"Hello? sino to?" tanong ko sa tumawag.

"HOYY LONEY!! BAKA GUSTO MO NANG BUMALIK DITO SA COFFEE SHOP HANO!! KANINA KA PA WALA! SABI MO MAY BIBILIN KALANG TAPOS DI KA NA BUMALIK!!" halos bumaon ang tenga ko sa pag kakasigaw ni Kuya Ken sakin, grabe kalalaking tao ang tinis ng boses, sabi ko na barbie eh!

"Opo babalik na po ako relax lang kayo! Kuya bar--ken" sabi ko saka tumayo sa pagkakaupo saka tumakbo ng napagkabilis hanep!!sonic the hedgehog ikaw bayan? pinatay ko na yung tawag saka nag abang ng jeep sa kanto.

Grabe naman kase tong si kuya Ken sabi ko mag hahalfday ako eh tapos ngayon pinapabalik nanaman ako sa coffe shop nya.

Nag aabang ako ng jeep pero naisip ko na pwede ko lang palang lakarin yung coffee shop ni Kuya Ken, halos katabi lang kase ng GIS yung coffe shop nya.

tanga ko talaga

Nag paka sonic the hedgehog ulit ako bago makarating sa coffee shop, naabutan ko si Kuya Ken na nag seserve ng mga orders sa mga costumers kaya ng makita nya ko sinenyasan nya kong pumasok sa loob ng kusina, kaya agad naman akong pumsok don at sinuot ang apron ko.

"San ka ba nanggaling?" tanong ni Kuya Ken na kasunod ko lang sa pag pasok.

"Sa GIS kuya" sabi ko saka tumulong sa mga kasama ko sa loob ng kusina, ang trabaho ko dito ako yung tiga gawa ng tinapay nila, at yung iba naman gumagawa ng kape.

WHO'S THE HEIRS?Where stories live. Discover now