ᴋɪᴀɴ's ᴘᴏᴠ
Haay! Sa wakas nakahanap rin kami ng matutuluyan mabuti nalang at medyo malaki-laki ang naipon kong pera kong hindi, hindi sana sasapat ang bayad sa pang upa ng bahay. buti nalang.
Pagka akyat na pagka akyat namin sa rooftop ng inuupuhan naming bahay ay agad kong binuksan ang pintuan. Grabi sobrang taas naman kasi at nakakapagod akyatin kasi nga nasa pangatlo andana at pinakahuli ang bahay na inuupahan namin.
Pagkabukas ng pintuan ay pumasok na kami inilapag ko ang bag ko sa sahig at siya naman ay agad humiga sa sahig ng walang kaarte-arte sa bagay natulog nga siya doon sa kalsada e.
Inilibot ko ang aking mata grabi wala man lang kagamit-gamit kong meron man yung gamit pang kusina lang ang meron. Di bale na buti nayun kesa wala diba. Agad akong lumpit sa lalaki na nakapikit na ngayon aba natutulog pa siya sa lagay nayan hindi ba siya nagugutom? Sa bagay bakit naman siya magugutom e kakakain lang niya ng burger kanina e ako hindi pa ako kumakain kaya nakaramdam agad ako ng gutom.
Tumayo ako sa aking pagkakaupo para sana lumabas at kumain ng akmang kukunin kona ang bag ko ay napalingon ako sa lalaking nakahiga na kaninay nakapikit pero ngayon ay nakadilat at nakangusong nakatitig sakin. Ang kyut niya tingnan doon pero isinawalang bahala kona lang saka ako lumapit uli sa kanya para ayain siyang kumain sa labas.
"Tara tumayo kana diyan at kumain tayo sa labas. Alam kong gutom kana."
Agad naman itong tumayo at pumalakpak pa na parang bata. Tsk! Tsk!
"Gusto kong kumain ng Fried Chicken yung maraming-marami."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya binatukan ko ito.
"Yaah! Wag ka ngang magdemand ng kakainin mo! Aba wala akong pera para diyan. Kaya kakain ka sa kong anong ipapakain ko sayo."
Ang naiinis kong sabi dito. Aba wag mukong dadaanin sa pa nguso-nguso mo diyan baka pitikin koyang nguso mo. Ang sabi ko sa isip ko na ikinatawa ko dahil ang kyut niya talaga😂
"Gusto kolang naman kumain ng fried chicken eh."
Ang bulong niya sa sarili niya. Pero dinig na dinig ko naman. Kaya hinayaan kona lang siya at nauna ng lumabas ng bahay at bumaba. Nasa likuran kolang sya nakasunod sakin at hanggan ngayon nakanguso parin. Bahala siya kakain siya sa kong anong kakainin ko dahil kunti nalang ang perang natira sakin.