Nolie POV,
"Naku Tama ka ng napuntahan bata. Tara pasok ka" nakangiting saad ng matanda saakin.
Ngumiti naman ako dito dahil sa magiliw na pag tawag nito sakin ng bata.
Para kase akung binibigyan ng kendi nito. Mabait talaga si Nanay Belen.
Nag hahanap kase ako ng kwartong ma uupahan at dahil sa mabuti akung tao. Edi ang dali kung nakahanap. Medyo may kaliitan ang kwarto ngunit tama na ito saakin.
Pasalamat pa nga ako eh dahil sa maliit lang ang upa nito. Kulang kase ang pera ko. Mga limang araw ko lang siguro ito magagamit kaya siguro simulan ko na ang pag hahanap bukas ng trabaho.
Matapos nga ang mahabang byahe na inabot ng tatlong araw dahil nga sa may kalayuan ang maynila eh naka abot rin.
Puno ng galak at saya ang puso ko.
Malaki talaga ang maynila, may mga bahay dito na sobrang laki tas mga babasagin pa ang gusali.
Nakakapag taka nga eh. Hindi ba sila natatakot na baka batuhin ang mga pamamahay nila?
Grabe naman kase ang laki ng bahay. Parang lahat ng kailangan nila ay nasasakanila na. Na para bang hindi mona kailangan lumabas pa.
Nag tataka nga ako eh kala ko talaga bahay yun. Yun pala eh building daw ang mga iyon sabi ni Nanay Belen. Doon daw ng tatrabaho ang mga taong legosyante.
Sakabilang banda naman ay nakakarinig din ako ng mga ugong ng sasakyang nag uunahan sa pag takbo. Lalo na ang mga taong nag mamadali sa pag lalakad papunta sa kinaroroonan nila o sa mga kanya kanya nilang trabaho.
Ito na talaga. Ito na ang magiging unang araw ko sa pakikipag sapalaran sa Maynila.
Dapat ay makakita kaagad ako ng trabaho. Makakita? Makahanap pala. Eh? Nag tatago ba ang mga trabaho?
Humiga na ako sa munting kutson ng kwarto. Hindi na ako nag abala pang mag ayos ng kwarto. Hindi naman kase ito magulo.
Nakakapangilabot nga eh baka may mga multo dito na nag lilinis ng bahay. Pero kung ganon eh ang babait naman nila. Kahit walang bayad.
Bumuntong hininga nalang ako. At ngumiti ng maalala na natawagan ko na kanina lang ang pamilya ko. At masaya naman sila na walang nangyaring masama saakin sa byahe.
Nakakamis nga sila eh. Hindi ko na sila makakasalo sa hapag kainan.
Tumihaya naman ako ng bahagya mula sa pag kakatagilid. At nagulat sa nakita ko.
Nakakagulat talaga. Iba na ang nakikita ko sa kesame. Hindi ito katulad sa kisame namin.
May mga butiki kasing nag lalaro. Kita ko pa nga kung pano pumatong yung isang butiki sa isa eh.
Ang saya naman nila tingnan. Sana dinala ko yung butiking nakita ko sa kisame namin para may maging kaibigan siya.
At para maka bawi ako sa maling pag bibintang sakanya.
Masaya talaga silang tingnan kase---
"WAAAAAAAAH??!!! UMALIS KA SA MUKHA KO BUTIKI KAA!!!" Sigaw ko ng mahulog ang butiking pumatong sa isang butiki sa mukha ko.
Kaya nag tatalon ako sa kutson ko at para bang sumasayaw sa tuwa--- este inis.
Nakakainis!!! Hindi ko naman po kase sinasabing sasali ako sa laro nila eh.
BINABASA MO ANG
Innocent Nolie
HumorDahil sa hirap ng buhay ay lumuwas si nolie sa Maynila upang humanap ng trabaho na makakatulong sakanya at sa pamilya niya. Ngunit sa kasamaang palad eh parang pinag kaitan siya ng tadhana na makapag hanap ng trabaho...