IKAAPAT

4 0 0
                                    

"Nandito kalang pala nolie, kanina paku dada ng dada eh nandito kalang pala. Para na pala akung baliw na nag sasalita mag isa, bakit ka nga ba hindi sumunod?"

Agad naman akung napatayo sa kinauupuan kung garden nang marinig ko ang boses ni ma'am.

At nilingon ito.

"Eh kase ma'am ayaw akung papasukin ng mga guard."

Agad namang kumunot ang  mukha ni ma'am.

Lumapit ito saakin.

"Tara nolie"

Sabi nito at biglang hinigit ang braso ko sabay hila nito papasok sa building.

Nakita kung papadaan na kami sa may guard. Tapos nakita rin ako ng mga guard.

Nang naka pasok na kami ay biglang huminto si ma'am at lumingon sa mga nag babantay.

"Attention!!"

Bigla namang lumingon lahat ng tao sa gawi namin. Kaya naman ay hindi ko mapigilang maasiwa.

"Papasukin niyo siya sa susunod na papasok siya dito. Kung hindi mawawalan kayo ng trabaho."

Tiningnan ko si ma'am na seryosong seryoso para talaga itong isang boss, propesiyonal na propesiyonal.

"Maliwanag ba?"

Tanong nito sa mga nakikinig.

"O-opo ma'am"

Nakita kung ngumiti si ma'am at tumalikod na kaya naman ay nag patianod na naman ako dahil sa hawak hawak niya parin ang braso ko.

"Ahh ehh ma'am hawak niyo parin po yung braso ko hehehe"

At lumingon si ma'am saakin,

"Ahh sorry nolie hihihi"

At binitawan na niya ako. Sumunod nalang ako kang ma'am kung saan siya pupunta hanggang sa huminto siya sa isang mag pintuan tapos may pinindot.

At ilang sandali pa ay pumasok na siya dito.

"Tara na nolie pumasok kana"

Anong gagawin namin diyan sa loob? yan ba ang opisina ni sir?

Grabe naman yata si sir. Ang laking building to pero kay liit naman ng opisina niya.

"Ano pong gagawin naten jan?"

Medyo nag aalinlangan sagot ko dito kaya naman ay natawa si ma'am.

Pag katapos nitong tumawa ay bigla niya akung hinila papasok.

Tapos kita ko ang pag sirado ng pinto.

"NAKU MA'AM AKALA KO PO MABAIT KAYO PERO BAKIT PO? BAAAAKIIIT??? BAAAAKIIIIT AKOOOOO?!! MARAMI PAPO AKUNG PANGARAAAAAAP"

Para nakung mamamatay sa kaka bukas ng pinto.

Jusko mahabaging diyos, nais ko papong mabuhay.

Napatayo naman ako sa pag kaka daosdos ko sa sahig nang marinig ko ang malakas na tawa ni ma'am.

"HAHAHAHAGAHAGAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAAHAHAHAHHAHAHAH----"

Eh? Parang baliw lang?

Hindi pa natapos tumawa si ma'am nang biglang naramdaman kung gumalaw ang kwartong kinalalagyan namin.

"MAAAAA'AAAAAAM ANO POONG NANGYAYARIIIIII!!!!!"

Agad naman akung napaupo dahil sa naka ramdam ako ng hilo. Para ba akung nasusuka.

"Okay ka lang ba nolie? iho?"

Naramdaman kung yumuko si ma'am at tinapik ang aking balikat.

Hindi na ako naka sagot sa tanong ni ma'am.

Innocent NolieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon