Ika labing isang Kabanata

109 6 0
                                    

Anathelia's POV

"Gusto ko lang sabihin ay ang bawat pagkakamali ay may kabayaran. Bawat pagtataksil ay mabibigyan ng karampatang parusa at bawat paghihinagpis ay mapapalitan ng kasiyahan." seryoso niyang sabi habang nakatingin saakin.

Ano ba ang gusto talaga niyang parating? Nalaman niya ba ang tungkol s aaming dalawa ni Brent?

"Hindi kita maintindihan Aeron." sabi ko habang nakatingin sa kanya "Basta lagi mong tatandaan na ang lahat ng bagay ay may hangganan at lahat ng lihim ay nabubunyag din sa kalaunan." sabi niya at ngumiti sa akin muli bago tuluyang umalis at naiwan akong nakatayo dito sa isang tabi.

Hindi ko na maintindihan si Aeron imposible namang wala siyang ibig sabihin sa mga sinasabi niya sa akin. Posible kayang nakita niya kaming dalawa ni Brent na naghahalikan sa simbahan?

"Lia!" tawag sa akin ng boses ni ate Kate mula sa taas kaya agad naman akong napalingon sa balcony namin. At doon ko siya nakita na nakaupo habang kumakaway sa akin. "Anong ginagawa mo diyan?! Halika nga dito! Mamaya ay makagat ka pa ng mga lamok diyan at magka dengue ka pa." sermon niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang umakyat na pa itaas.

Nang makarating na ako sa balcony ay agad akong umupo sa tabi ni ate Kate na ngayon ay nakasuot na ng isang bathrobe habang may facial cream pa sa mukha.

"Anong problema? Tulala ka diyan?" tanong niya sa akin habang dahan dahang minamassage yung pisngi niya sa harap ng salamin "Nakipag halikan ako kay Brent ate." sagot ko dahilan para mapatigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin ng seryoso.

"Hoy Anathelia! Tigilan mo ako ha." pagbabanta niya sa akin "Seryoso ako ate." sabi ko habang nakayuko ng bahagya.

Ilang minuto pa ay tumabi na siya sa akin at tumingin ng seryoso sa mga mata ko. "Hinalikan mo siya pabalik?" tanong niya habang hawak hawak ang baba ko para tumingin ako sa mga mata niya. "Oo ate. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Basta ang alam ko uhaw na uhaw ako sa pagmamahal at halik niya." sagot ko habang nakatingin kay ate.

"Paano si Aeron? Si Brent nagawa mong halikan pabalik kahit hindi pa kayo mag boyfriend tapos si Aeron hahalikan ka nga lang sa pisngi ayaw na ayaw mo na." sabi ni ate habang nakatingin parin sa akin.

Napailing ako sa kawalan at huminga na lang ng malalim. "Hindi ko alam ate, Ibang iba si Brent para sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nandyan siya laging lumalakas ang tibok ng puso ko, habang kapag si Aeron naman ang kasama ko parang wala lang." paliwanag ko. Nakita ko namang kumunot ng kaunti ang noo ni Ate Kate saka ako muling tinanong, "Paanong wala lang? Wala ka na talagang feelings?" tanong niya. "Hindi ko alam kung wala na ba talagang feelings basta ang alam ko, Hindi tama ang nangyari kanina. But kahit hindi tama at mali ang nangyari, alam kong hahanap hanapin ko 'yon at uulit-ulitin." sabi ko pa at marahang hinawakan ang labi ko habang unti-unting dinadama ang alaala ng halik ni Brent.

"Alam mo naman pa lang hindi tama eh, pero bakit ginawa mo pa rin?" tanong niya pa habang nagsusuklay na ng mahaba at hanggang bewang niyang buhok. "Nawala ako sa sarili ko ate. Parang biglang nawala 'yong utak ko at tanging sinunod ko na lang yung takbo ng puso ko" sabi ko habang malalim na nag iisip.

"Simula ito noong nakita ko si Brent, lagi na akong nawawala sa sarili ko at hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya." sabi ko pa at marahan nang niyakap si Ate Kate na niyakap naman ako pabalik.

"Kung sa tingin mo ay hindi ka naman mapapahamak niyang nararamdaman mo para kay Brent ay ituloy mo, Pero kung mapapahamak ka nang dahil diyan ay mabuti pa lang sa umpisa pa lang ay itigil mo na." sabi niya habang nakangiti sa akin.

"Kahit mapanganib, gusto kong sumugal ate. Gusto ko siyang sugalan."

***

ALAS dos na ng madaling araw at kanina pa ako nakatulala dito sa kisame ng kwarto ko at iniisip kung ano nga ba ang problema ko ngayon kung nababaliw na ako dahil sa pagkamatay ni Pau? Paghalik namin ni Brent sa isa't isa? Or yung mga re-markable na sinabi ni Aeron?

History of Us (History Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon