Ika dalawampu't walong Kabanata

90 3 0
                                    

Third Person's POV

TAHIMIK ngunit may kabang nararamdaman sa kaniyang dibdib si Bastien habang payapa siyang naglalakad tungo sa simbahan ng San Antonio upang puntahan doon ang kanyang minamahal na si Natasha. Ito ang ika-sampung araw magmula noong nagkita sila kung kaya naman, tulad ng kanyang pinangako dito ay dumating siya.

Ngunit habang papalapit siya nang papalapit sa simbahan ay napansin niyang tila ba'y mayroon isang kasalang magaganap doon.

Marami na din ang mga taong naka abang sa labas kaya bahagya niya ring binaba ang kanyang suot na sumbrero para hindi siya lubos na makilala ng mga taong kanyang nakakasalubong.

"Napaka daming mga panauhin ng magaganap na pag iisang dibdib nila Heneral De Luna at Binibining Natasha." nauliligan niyang tinig ng isang matandang babae mula sa kanyang likuran.

Halos manigas ang buong katawan ng Ginoo ng dahil sa kanyang narinig. Nagmadali siyang naglakad tungo sa simbahan para kumpirmahin ang kanyang narinig kanina lamang. 

Ngunit sa kanyang paglalakad papalapit sa simbahan ay agad siyang natigilan ng makita niya ang isang engrandeng karwahe na hila-hila ng dalawang puti kabayo.

Napatayo na lamang siya sa isang tabi habang pilit pinakakalma ang kanyang damdamin sa pag asang hindi si Natasha ang babaeng lulan noon.

Hindi ang kanyang babaeng pinakamamahal.

Ngunit mali ang akala niya, nakita niya na ang babaeng bumaba doon ay kasing taas at kasing puti ni Natasha.
Dahilan para muli nanamang lumakas ang lagabog ng kanyang dibdib.

Hanggang sa tuluyang magtama ang kanilang paningin. Iyon nga ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Ang babaeng pinangarap niyang makasama sa kanyang pag tanda.

Ang babaeng binalak niyang iharap sa altar.

Ngunit lahat ng iyon ay hindi na matutupad pa dahil ito'y ikakasal na sa kanyang nakakatandang kapatid.

Nanatili silang nakatitig sa mga mata ng isa't isa habang paulit-ulit na ginugulo ng mga katanungan ang kanyang isip.

"Bakit mo nagawa ito, mahal ko?" isang tanong na namutawi sa kanyang bibig pero huli na para itanong sa kanyang babaeng sinisinta dahil naramdaman na niya ang paghawak ng dalawang armadong lalaki sa kanyang dalawang bisig para ilayo siya sa lugar na iyon.

"Bitawan niyo ako mga hijo de puta!" sigaw ni Bastien ng makalayo na sila sa umpukan ng mga tao. "Huwag ka nang magpumiglas pa!" saad ng armadong guardia sibil na may hawak sa kanyang kaliwang bisig at saka siya pinalo ng mahabang baril sa kanyang binti para hindi na ito makatakbo pa.

Pilit paring nagmamatigas si Bastien hanggang sa hampasin na siya ng isa pang lalaki ng baril sa kanyang likuran dahilan para mapasuka na lamang siya ng dugo hanggang sa tuluyang magdilim ang kanyang paningin.

***

MARAHANG dinilat ni Bastein ang kanyang mata hanggang sa maramdaman niya na nakagapos na pala siya ng lubid at nakatali sa isang upuan habang nasa loob ng isang madilim na silid na ang tanging tanglaw ay isang maliit na gasera na papaubos na rin ang sindi.

"Huwag niyong pabayaan si Bastien. Siguraduhin niyong magiging maayos ang kanyang kalagayan" narinig niyang tinig ni Benjamin mula sa hindi kalayuan.

"Masusunod po, ngunit ang bilin po sa amin ay patayin siya sa lalong madaling panahon." saad naman ng kausap nito. "Hindi niyo maaring gawin iyon!" seryosong saad ng boses ni Benjamin.

History of Us (History Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon