CHAPTER 1

432 19 5
                                    

CHAPTER 1

"Sige na po, tanggapin niyo na po ako."

"Pero iha, nag-aaral ka pa, teenager ka pa nga e baka---"

"Please po." Pagmamakaawa ko sabay kiskis ng mga palad ko sa harap ng may-ari ng kainan na malapit lamang sa boarding hauz ko. Wala na kasi akong mga magulang. Wala na akong inaasahan kundi ang sarili ko kaya naman gagawin ko ang lahat para makahanap ako ng mapapasukan.

Namatay kasi ang mga magulang ko sa isang sunog noong nakaraang dalawang buwan kasama ng dalawa kong kapatid. Mag-isa na lang ako sa buhay at kamalasmalasan ko pa nalugi yung dating pinapasukan kong kainan kaya naman naghahanap ako ngayon ng pwede kong pasukan uli para may ibili ako ng pagkain, pambayad ng renta at pang-allowance.

"Sige na po, maawa na po kayo sa akin. Kailangan ko lang po talaga ng pera."

"Pasensya ka na talaga iha." sabi uli nung matanda sabay abot sa akin ng dalawang daan. "Kahit diyan man lang ay makatulong ako."

Dahil kapos na talaga ako at wala na akong sapat na pera, kinapalan ko na ang mukha ko at kinuha yung perang inaabot ni Manong.

"Sige po, Salamat po." Tapos lumabas na ako sa kainan sabay titig sa dalawang daanng piso.. May natitira pa akong limang daang piso sa bulsa. Ito na lang an pera ko. Malapit na naman ang bayaran ng renta kaya dapat makahanap na ako ng mapagtatrabahuan.

Puro ako pera, hindi ko pa nasasabi kung sino ako. Pasensya na ha? Namomroblema talaga ako e, kita niyo naman. Kulang na lang lumuhod ako sa harap ni Manong kanina. Ako nga pala si Karmylla Villanueva. Second year high school ako sa isang private school, ang Wright University. Paano ako nakakapasok sa isang private na school? Scholar kasi ako pero kalahati lang ng tuition ko ang sagot ng school. Iyong kalahati sa akin mangagagaling kaya naman kailangan ko talagang kumita.

Naglakadlakad pa ako at naghanap ng maaari kong pasukan pero mukhang wala na akong pag-asa dahil magdidilim na. Uuwi na lang ako at itutuloy ko na lang bukas ang paghahanap ng trabaho pagkatapos na pagkatapos ko sa school.

Ang hirap ng buhay. Minsan gusto ko nang sumuko pero naalala ko sina nanay. Yung mga paghihirap nila para mapag-aral ako. Hindi ko maatim na sumuko na lang. Sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon lumalaban pa rin ako.

Malapit na ako sa boarding hauz ko nung madaan ko iyong park at makita iyong nagtitinda ng fishball kaya naman agad akong bumili ng sampung pisong fishball. Ito na ang magiging tanghalian ko dahil kailangan kong magtipid. Umupo muna ako sa isang bench habang kumakain. Kasabay nun ang panonood ko sa mga batang naglalaro sa play ground. Mabuti pa sila walang iniisip at kinahaharap ng problema.

Tatayo na sana ako noong bigla na lang akong hawakan ng isang lalaki sa kamay.

"Babe, I missed you." Bigla na lang niyang sabi sabay yakap sa akin.

Halah, ano ba ito?

Itutulak ko sana siya noong bigla ulit siyang nagsalita ngunit pabulong since nasa tapat ng tenga ko iyong bibig niya.

"Sumakay ka na lang please? Kahit magkano magbabayad ako basta umakto ka lang na girlfriend kita."

I'M HIS HIRED GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon