CHAPTER 3
Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi kasi ako nakatulog kakatitig sa number niya sa contacts ko. Hindi rin ako makapaniwala na iyong crush ko magpapanggap kaming magboyfriend, girlfriend tapos sasahod pa ako. Kahit ba pagpapanggap lang iyon at least, girlfriend pa rin.
Hindi ko tuloy alam kung swerte ba ako o hindi. Kahit ba crush ko siya sigurado naman akong isa siyang mayabang at matapobreng lalaki.
*You're my honey bunch sugar plum
Pumpy yumpy yumpkin
You're my sweetie pie
You're my cuppy cake gum drops*
"Hello?" pahinhin kong sabi pagkaangat ko ng cellphone at habang yakap ko yung unan ko na sinuotan ko ng gamit kong damit kagabi. Naiwan kasi doon iyong amoy ni Mark kaya naman hindi ko na nilabhan. Remembrance ko na yun sa kanya. ^_______^V
"I'll fetch you, saan ang bahay niyo?"labas ilong niyang tanong.
"Ah-e hintayin na lang kita sa park kung saan tayo nagkita kagabi. Mahirap iexplain eh."
"OK!"
DOOT.........DOOT!!!
Kita niyo na supladong mayabang tagala yun. Ewan ko ba kung bakit ko siya crush. Siguro kasi nakikisali na lang ako sa mga kapwa ko studyante kumbaga sunod sa uso. O baka pwede ring nahawa na lang ako sa mga schoolmates ko. O pwedeng nagdadahilan lang ako. -________-
Pagkatapos kong mag-ayos, nagmadali na akong naglakad papuntang park pero wala akong nadatnan kaya naman tinext ko siya agad.
~~Sent to MJ Yabang
~Nasaan ka?
1minute
5minutes
10minutes
At yun nga wala akong narecieve na reply at hanggang ngayon wala pa rin siya. Nung tignan ko yung relo ko 7:38 pa lang pala. Masyado akong naexcite.
Mga sampung minute pa uli ang pinalipas ko saka lang siya dumating. Sakay pa rin siya ng BMW niya at saktong paghinto nila sa harap ko binaba niya yung bintana ng kotse niya at sumilip. Nagsmile lang ako habang siya nakapoker face at tinitignan ako ng taas baba.
"Hop in." sabi niya then umusod siya sa kabilang side nang as in usod na para bang may sakit akong nakakahawa samantalang niyakap lang niya ako kagabi. Hampasin ko siya ng bag eh.
"I don't want you calling me. Wait for me to call." Basag niya sa katahimikan habang nakatingin siya sa bintana ng hindi man lang lumingon sa akin. Mukha niya basagin ko eh.
"Ok sir." Sagot ko na lang. Napahiya pa ako. Gusto ko tuloy tumalon palabas pero syempre joke lang yun. Masyado akong maganda, ay este masyado pang maaga para matigok ako ano.
"Saan ka nag-aaral hija?" Tanong ni Manong driver.
"Kaklase ko po si sir Mark." Sagot ko na siya namang dahilan para lingunin ako ni Mark with kunot na noo pa ha.
"You're kidding right?" Umiling naman ako at yumuko. "But, I don't know you and. . . ."
"Scholar po kasi ako sir at . . . ."
"Ah yes I remember. You're the smart girl at the back." Sabi uli niya na para bang naalala na talaga niya ako. With snap pa yun na napakaexaggerated. -__________-
"Manong pakibalik sa mall." sabi niya kaya naman tiningnan ko na lang siya ng nagbibiro-ka-ba-look pero nagmake face lang siya sabay sabing.
"Do you think I'll let people say I just picked my girlfriend elsewhere?" Then naglean siya sa sandalan ng upuan niya habang yung dalawang kamay niya ginawa niyang unan. "The truth is enough."