Ivan's pov

"BWISET NAMAN! ang tagal naman niya mag 30 minutes na nakakainis naman!1:30 panaman pasok eh 12:30 na", First day panaman at exited panaman ako makakita ng magagandang chix dun mayroon kaya? Siguro.

"Pre pasensya na ang traffic," pahiningal hingal nyang sagot.

"Bat ang tagal mo pre malalate na tayo! Tara na bilis at mang chichix pa ako eh," pagalit kong sambit sa kay Earl na kaibigan ko na napakakupad kumilos pero sanayan lang yan kaibigan eh diba? Feel me right?.

"Akala mo talaga eh torpe naman, wala ka ngang ni isang naging girlfrind eh hahahah," pang-aasar nyang sagot.

"Wow akala mo rin talaga mayroon syang naging girlfriend eh no? Wala ka nga rin eh," pang-asar kong sagot.

"Akala mo lang yun, mayroon akong naging gf no at umabot kami ng 1 month," sagot nya.

"Sino naman yun? Eh wala nga akong nababalitaan sayo eh," sambit ko.

"Sino ano, si ano nga ba pangalan nun," pautal utal niyang sagot.

"Oh diba, sabi ko na nga ba gagawa ka pa ng kwento ah hahaha," pang asar kong sambit.

"Ayun si franchesca naalala ko," sagot nya.

"Hahaha wag ako haha wala ngang gusto sayo yun eh hahaha," pang asar ko.

"Grabe kanaman sa walang gusto? Panget ba ako?" tanong nya.

"Dami mong drama tara na ayan may parating nang jeep," sambit ko.

"Wait pre! Hinihingal pa ako, tumakbo kase ako papunta dito eh," habang hingal na hingal pa.

"Wag kanang umarte jan ayan na may jeep na eh bilis," sabay takbo pasakay sa jeep.

"Wait pre wag mo ko iwan," pahabol nyang sambit.

Btw hindi papala ako nag papakilala sainyo ako nga pala si Ivan, Grade 11 na ako, kinuha kong strand ay ICT or Information and Commubication Technology. Hindi ako kagwapuhan pero cute daw sabi ng iba siguro?, matangkad ako at may katalinuhan din naman kahit papaano. Nang galing ako sa mahirap na pamilya ngunit masaya naman dahil pinalaki ako ng magulang ko na hindi maluho sa bagay pero may kakulitan din ako eh kaya lagi din napapagalitan. So kilala mo naako? Kung hindi imaginin mo nalang hahaha.

Back to present na!

"Pre nandito na tayo, kuya para po! sa tabi lang ho," sambit ko sa mamang driver at bumaba na agad kami.

"Sa wakas hindi pa tayo late!" pasigaw kong sambit.

"Huy wag ka ngang sumigaw! Kakahiya," pabulong na sambit ni Earl.

"Wala akong pake hahaha," painis kong sambit.

"Pre kinakabahan ako eh," sambit ni Earl habang naglalakad kami.

"Bakit naman? Pre?" patanong ko.

"Introduce yourself nanaman mamaya," sagot ni Earl.

"Ay oo nga pala introduce yourself nanaman, buti pinaalala mo bwiset naman hindi panaman ako nag handa," inis kong sambit na may pahawak pa sa ulo effect pa.

"Bakit pa kase naimbento yang introduce yourself na yan eh," sambit ni Earl.

"Bobo ka ba? Natural lang yun para mag kakilalahan eh bobo amputa," painis kong sagot.

"Sorry naman hahaha inis kananaman eh hahah," pang asar nyang sagot.

"Tara na nga mag madali na tayo hahanapin ko pa yung room ko," nagmamadali na kaming maglakad.

Story Of NGSB "No Girlfriend Since Birth"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon