Chapter 10

31 9 0
                                    

Chapter 10

"Natignan mo na ba kung ayos na lahat ng artista natin ngayon?" tanong sa akin ni Ms Kath, na agad kong tinanguan.

Nagsi-set up na kami sa isang resort kung saan kukuhanan ang scene na pinagtatrabahuhan ni Eli bilang isang crew doon. Dito din makikilala ni Joan si Dexter, ang lalaking ipagkakasundo sa kaniya at ang anak ng may ari ng resort. Malayo-layo ito sa bahay nila Joan na pinaso-shootan namin.

"Mabuti naman kung ganoon. Sabihin mo kay Clint at Bea na pumunta na mamaya sa set." utos nito na mabilis kong tinanguan. Paalis na ako roon ng muli akong tawagin ni Ms Kath.

"Ay, Elle. Tignan mo na din yung set sa loob. Yun na agad ang sunod." duktong pa nito bago nagpunta sa set na nasa labas.

Isang buwan na din nang magsimula kaming mag shoot para sa movie na aming ginagawa at matatapos na din. Maayos naman ang lahat at hindi nagkaka problema.

Hinanap ko ang tent nila Bea at Clint, magkatabi naman iyon kaya hindi na ako nahirapan pa. At mabilis na sinabing mag start na. Matapos roon ay tumungo agad ako sa resort.

Dare-daretso ako sa loob nito. Wala masyadong guest ngayon na nasa labas, siguro ay dahil maaga pa naman. Ngunit sa labas ay marami nang tao para manuod ng shooting.

May ilang mga crew naman ang bumabati sa akin habang patungo sa isang office na ipinahiram nila sa amin para magshoot. Napahinto ako ng mapadpad sa isang pasilyong may dalawang daan. Agad na napakunot ang noo ko, bigla akong nalito kung saan ba ang daan papunta ng opisina kung saan naroon ang set-up namin. Tanging naaalala ko lang ay pangatlong pinto ito sa kanang bahagi.

Napailing ako sa aking sarili. Baka sa kanang pasilyo ang sinabi, hindi ko lang matandaan. At dahil iyon ang aking naisip ay agad kong sinunod ang sarili. Lumiko ako sa kanang pasilyo at binilang ang pinto sa kanang bahagi nito. Nang makarating doon ay agad kong pinihit ang pintuan tsaka pumasok roon.

Muli akong napahinto sa nakita. Lahat ng litrato namin ni Arlan na nasa bahay namin ay nasa loob ng kwarto. Tila ba pinaglaanan talaga ito ng isang istante ng mau-ari, ang iba ay nakasabit na sa dingding.

Mabilis na nag-init ang mata ko dahil sa mga luhang mumuo rito. Agad kong tinignan ang lamesa na narito. Agad akong napahawak sa bibig ko sa nakita. He's name embroid in the glass desk name plate.

Kahit minsan, hindi ako sumama sa kaniya sa trabaho. Lagi lang akong nasa bahay at nag-aayos ng bahay, nagpa-plano kung ano ang mga gagawin sa mga kwartong naroon, at nagpa-plano para sa aming kasal.

"Elle?" agad kong pinahidan ang luha na sa aking mga mata ng biglang may pumasok, bago ako lumingon sa kaniya.

Si Lolo Henry. He's in her white polo. Malakas na malakas at tila ba hindi tumanda. Kitang kita ko ang pagkamangha sa kaniyang mukha ng makita ako. It's been 5 months when we saw each other.

"Elle! Ikaw nga! Totoong bumalik ka!" masaya niyang sabi. Ngumiti lamang ako sa kaniya, at agad na napatingin sa labas ng pinto.

Bukas ito, kaya kitang kita ko ang isang staff na lumabas sa pintuang kaharap ng kwarto kung saan naroon ako.

"Elle, mabuti at bumalik ka. Kailangang malaman 'to ng apo ko para makabalik na rin siya rito. Simula ng umalis ka, umalis din siya at hindi na din siya bumalik."  gusto kong matawa sa sinabi ni Lolo Henry at sabihing alam ni Arlan na narito ako at hindi na ito babalik dahil masaya na ito kasama si Athena, pero imbis na sabihin iyon ay nanatili akong nakatayo.

"Awang-awa ako sa apo ko nung umalis ka. Wala siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Lahat ng pictures nyo itinapon niya, halos itaob niya ang buong bahay nyo nagbabaka sakaling nagtatago ka lang pero wala ka." kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata habang sinasabi ang mga ito. Parang nakita ko sa isip ko ang itsura ni Arlan sa sinabi ni Lolo Henry.

Agad na namuo ang luha sa mga mata ko. Sana nga totoo, napailing ako sa naisip at agad nilunok ang mga luha ko bago pa ito tumulo.

"Lo, wala na po kami ni Arlan. May girlfriend na po siya." mahinang sabi ko. May kirot sa aking dibdib habang sinasabi iyon, hindi na ata mawawala dahil isa iyon sa pinakamasakit na naramdaman ko.

Bago pa muling makapagsalit si Lolo Henry ay tinawag na ako ng isang staff na nakakita sa akin.

"Ms Elle. Kanina pa ka hinahanap ni Direct." sabi nito sa alin, kaya nagkaroon ako ng dahilan para magpaalam kay Lolo Henry.

"Lo, una na po ako. May shoot pa po kaming gagawin." mabilis kong sabi at agad na lumabas ng opisina.

Mabigat sa dibdib ang lahat sa akin. Ang hindi kausapin ang mga taong saksi sa pagmamahalan namin, pero dapat kong gawin dahil alam kong iyon ang makakatulong sa akin para makalimot sa nakaraan. Ang makawala sa masakit na nakaraan.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon