"Gail Yah!! Gisiing naaaa~"
" one more hour pleaseeee" inaantok pa ang tao ehh..
" No allowance for this day pag di ka gumi----" I dont care kahit allowance pa yan! yeah WHAAAAAAT? Allowance? NOOOOOO
"Gisiiiiiing na ako, Gising na ma!" brutal na ina! -___-
"Allowance lang pala magpapagising.." mama
" mama naman eh , ang aga aga pa oh tignan mo 6:30 pa..." see? 6:30 pa nam-- What??? Im so dead.." Ma bat di mo ako ginising???" sabay kuha ng tuwalya at nagmadaling tumakbo sa banyo..
"Aysus! kang bata ka ewan ko sayo"
Nag aabang ako ng masasakyan nauna na kasi si mama eh wala tuloy maghahatid sa akin therefore magcocommute ako -___-
Sana makarating ako sa school na ligtas..
“Neng, san ka?” manong driver
“Sa school po..” at pumasok na ako sa motorcycle..
Manong naman eh obvious naman kasi nakauniform po ako..
“Ah, neng san banda yung school nyu?” Tae ka naman manong daig mo pa imbestigador! Nagmamadali yung tao eh -___-
“Ah manong dito nalang ho..” huminto yung sasakyan at lumabas ako..
Mabuti pang maglakad nalang ako, syempre nagbayad ako..
5 minutes lang naman eh papuntang school! si manong parang hindi taga rito kabwisit para saan pa at naging driver ka! Aish!
Okey fine? Ako na walang pasensya.. sorry naman po eh talagang mawawalan ka ng pasensya lalo’t nagmamadali ka.
Sa School..
Yeah! Whats the used of pagmamadali ha? eh ang late late ko naaaa TToTT first timeeee to at sure na din a mauulet pa!
"Ms. Alcantara to early for the next period eyh!" si Sir Petz adviser namin..
"Im sorry Sir.." nagbow nalang ako..
"Mr. Jaofrancia?"
"Sir naman babae ako hoy! At sino ba yang Jaofrancia?" ako na walang respeto :D peace!
"Ahem..ahemm" ay may tao sa likod ko ano to may kambal ako? waaah mumu ata!!
"umalis ka nga sa daanan ko!" pabulong nya. Pinadaan ko muna ang hari gentleman ako eh >.>
"Okey Ms. Alcazar and Mr. Jaofrancia sa likod kayo!"'
Taeeee! Bakit sa likood?
Temptation here! Alam nyu na mga milagrong nangyayari pag nasa likod ka.
Mag-isip ka ng paraan. Think. Think.
"Ahm Sir nearsighted po kasi ako"
O__O
What?
Sabay talaga kami? Weeh? Yung eardrums ko ata sira.
Oy ha! Makatingin ka naman kumakain ka ng tao?
"Sus palusot pa talaga kayong dalwa at parehas pa ng rason, next time gawa kayo ulet ng kasinungalingan at yung mas paniniwalaan naman ha?" eh sir naman eh kumakain ng tao tong katabi koo.. LOOK oh!
Nagtawanan yung classmate ko pati si Trisha.. Oh cge ha! Mamamatay ang tumawa.
"tss,, kasalanan mo to eh"
Aba at parang ako pa may kasalanan..
binelatan ko nalang wala na akong magawa eh...
Nagdadabog ako habang papunta sa locker ko.
Bwisit! Bwisit! Bwisit! Ang panget ng surname niya !
Amoy.. ewww!
Nakakahiya!
Super! kaw ba naman buhusan ng tubig na galing sa falls malapit sa canteen namin? Eh, hello may mga fish at kung ano ano pa yun eh. Basta that waterfall/pond is so mabahoooo >///<
Oh dba? Gondoo ng bungad ng first day ko -__-
Hindi ko naman kasi sinasadyang matapon yung juice sa polo nya. Swear!
TRISHA’S POV---
Hello everybody! Im Trisha Kate Aves ang nag-iisang friend ni Gail Aine de Vera since di nagpakilala si Gail sa inyo ako nalang magpapakilala para sa kanya.
Gail Aine de Vera, cute yan masyado kasi nahawa sakin. Oy ha! mga bata pa kami peru lola na mag-isip yang si Gail mas matanda pa nga ako kesa sa kanya eh. Siya 15 at ako naman 16.. Fourth year high school na kami.. Mahilig yan sa lemon juice at carbonara.
And speaking of Gail asan na ba yun? Di pala kami nagkasabay kasi mas nauna ako kesa sa kanya, malamang! So hinahanap ko si Gail ngayon.
“Bulag ka ba? Nyeta naman oh” Kilala ko yung boses na yan si papa Kreitzer ata eh.. ang gwapo nyang magalit sino ba kasi yan..
O___O
Oh my gulaay! Si Gail b-binuhusan nya ng stinky water galing sa pond!!
Bakit nya binuhusan? Hindi man lang nakasagot si bespren ko. G@gu ka! Sapak gus—
“Oh sino gustong masunod ha?”
Okey di na ako eeksena :’( kawawa naman espren ko.
GAIL’S POV—
*BAHAY*
“oh nak, hows your day in school?
“naaa~ just fine, very fineee” *sarcastic mode* may pa hows your day pang nalalaman tung mama ko naalala ko tuloy yung nangyari eh :”(
“Ma, akyat na muna ako ha?”
Hayys bat ganun? Classmate ko ba talaga yun? Bakit di ko kilala yun. Haiisst
! Napapala sa taong LONER Gail -.-
“Nak, leka nga muna sandali..” mama naman eh malapit na ako sa kwarto ko isang hakbang nalang.
Pagbaba ko. “ Oh baket ma?”
^_____^ Si MAMA
“Thank you nak”
“Saan?”
“Sa pagpunta mo dito” nakuuu kung di lang kita ina nasapak na paniguradooo!
