YAWWNN..
11:45 am Tanghali na pala?
Tanghali na talaga ako gumigising pag weekends. Masarap kaya matulog. Dba?
1pm pa naman yung usapan namin eh. Sa bahay ni crush ^___^
“AHHHHHHHHHHHHHHHHH”
“Ah iha? Anong nangyayari?” si nanny ko
“anak anong nangyari?” si mama
Di ko kasi alam kung saan nakatira si crush eh :(
“Ahhhhh..eeee…iii….oooo…uuuuuu”
“Ano?” sabay ni nanny at mama
“wala po nagrerecite po ako.. AHHHH, EHHHH, IHHHH, OOO, UUUUH!”
-___- - sila mama at nanny
“ Sige ihahanda na kita ng pagkain baka nalipasan kalang sa gutom anak..”
Si mama lumapit sa akin..
“Anak?” seryoso na si mama,. OMO!
“po?”
“Yung totoo kelan kapa natutong magdrugs?”
Pfft.. Mama naman eh akala ko ano na itatanong..
“Mama naman eeeeh..”
“maligo kana ang bantot mo!”
--Fast forward—
Nandito ako ngayon kela Tyler. Pano raw ako nakapunta dito? Sus wala ang dali lang kaya. De joke! Si Kreitzer yung sumundo akala ko si Tyler na..
Ganito yun..
*flashback*
Kakatapos ko lang maligo nun at..
*Unknown Number Calling*
“Hello?”
(Uhm, Gail..)
OMO si Tyler ba ito?
(Susunduin kita san banda yung bahay nyo?)
Nafefeel ko yung hiya nya. Chos anu raw?
“Ahm malapit lang sa skul bandang first street..”
(ok.)
*toot* *toot*
WAAAAAAAAAAAAAAAAH!
My GOD! Yung crush ko tumawag, yung crush ko tumawag. Wooohoo!
Talon talon hanggang naging kangaroo na ako sa kakatalon..
*beep*
Ayun andito na si Ty-
Kreitzer?
Lumabas kasi sya sa kotse..
Bakit sya andito?Tsaka pano nya nalaman yung bahay namin?
*End of Flashback*
Ayun sinabi ni Tyler na inutusan nya lang si Kreitzer. Sila Shairee at Elizer nalang yung iniintay wala pa namang 1 pm..
KREITZER’S POV—
“Tol, di pala alam ni Aine-chan yung bahay ko…pakitawagan mo nga muna maliligo pa kasi ako eh..” tss ..
“cge kamahalan” utusan ba ako?
“Thanks bro!” asan ba dito yung number nung babaeng yun..” ay bro sunduin mo nalang para di na mahirapan..” ginawa na talaga akong utusan nito , sumusobra na..
Hinanap ko yung number ni adik..
Hmm. Aine-chan <3? At may heart pa?
*Calling..*
(Hello?) bakit bata? Bahala na nga.
“Uhm, Gail”
Yan na naman kasi yung tanga tangahan mode nya..
“Susunduin kita san banda yung bahay nyo?”
Dug. Dug. Dug.
Tae, nakakahiya naman..
(Ahm malapit lang sa skul bandang first street)
“ok”
*toot* *toot*
Binaba ko na nakakahiya..
GAIL’S POV—
*Fast Forward—
Dumating na sila Shairee at Ely. Alam na nila yung bahay ni Tyler kasi tinext na sila. Feel ko tuloy ang special ko kasi pinasundo pa talaga ako ^___^
Hayaan nyu na akong mag assume, minsan lang to..
Ayun discuss doon, sulat dito.. usap usap ng konti.. Nasabi ko na bang si Tyler yung leader? Ako yung secretary.
Ang seryoso naman nitong si Tyler. Minsan nga nagkakatama yung tingin naming ..
HEAVEN!!
“makatitig ka naman, tulo na laway mo..” sino pa ba yung mang aasar sa ‘kin wlang iba kundi ang nag iisang Kreitzer.
“tse..paki mo!”
“Kaibigan ko yan!”
“Shut up!”
Ayan ganyan ganyan lang kami. Nang aasar kasi tong tukmol na to eh.
--Fast Forward—
“ Aine-chan ako na maghahatid sayo..” aya ni Tyler.. Waah! Ang gwapooo..
“Gail, sabay kana sakin..*pout*” aya ni Ely..
“bakit ba laging si Gail? Wala bang mag-aaya sakin?” Inggit ka lang eh ;p
“Sumakay ka nalang Shairee, shooo shooo!” HAHA ang cute ni Ely
“Ahm, hindi na, kasi dadaanan ko pa si Trisha eh..” nakita ko yung lungkot sa mata ni Ely.. Sorry Ely.. “ andun kasi kela Mikee, magkapitbahay lang daw kasi kayo” tingin kay Tyler..
Ayoko kasing mas humaba pa yung buhok ko eh… Joke lang!
“Ah, oo!” si Tyler
“Sige Gail, ingat ka ha?”
O___O
Yakapin ba ako? Ely talaga eh..
----
Heto ako ngayon naglalakad kung saan ba kasi yung bahay ni Mikee eh, sabi liko sa left tapos sa may next na kalye tapos naliligaw na ako… Nawalan pa ako ng load at wala naman akong makita kitang tindahan. Puro malalaking bahay…
Trishaaaaaa! Help..
Pagod na ako. Andito ako ngayon sa isang napakalawak na park. At biglang umulan TT^TT sana kasi umuwi nalang akooo!