DB #2 - Dan

9 0 0
                                    

Jaycee

Naglakad na ko pabalik sa office namin after kong makausap si Miss Fel pero ung mga mata ko busy pa din kaiikot trying to look for that one specific guy. 

Napabuntong hininga ako. Why do I even keep thinking about him?

Na-atrract lang talaga siguro ako sa kanya. Gwapo naman kasi talaga and eveytime na makikita ko yung tats nya sa braso, can't help to think na ang hot niya.

Thinking about how it would look if that arm was around my waist and --. 

What the hell am I even thinking. 

Napabuntong hininga nanaman ako. 

Stop thinking about him Jaycee.

Yung tipo niyang lalaki eh yung alam niya na madaming babae yung nagkakagusto sa kanya kasi alam niyang gwapo siya. 

At dahil alam niya yon malamang madami nang babae yon dito sa floor. 

Napailing ako saka tinulak yung pinto papasok ng office. 

See? Puro siya nasaisip ko di ko namalayan andito na ko sa harap ng office. 

Napairap ako habang nakayukong binuksan yung pinto, pag kataas ko ng ulo ko - feeling ko nalaglag yung puso ko bigla.

What the hell.

Hanap ako ng hanap sayo tapos andito ka lang pala sa office namin?

Agad agad kong hinanap yung composure ko saka lumakad papasok kunwari hindi ako gulat na gulat pagkakita ko sa kanya. 

Nadaanan ko kung saan siya nakaupo pero keep cool lang ako, magaling akong artista eh. 

Pagkaupo ko nagulat ako ng may kumalabit sakin. 

"Hi Babe!" sabi ni Kristine.

Oh? Andito din pala siya. 

Hindi ko napansin yung ibang tao sa office kasi asa kanya lang buong atensyon ko. 

But anyways, don't get Kristine wrong. Straight girl to, pero nasanay lang siguro na close sa lahat kaya kung makaBabe sa lahat eh ganon nalang. 

Besides, she's Ray's girl - not really 'girlfriend' pero yung basta label nalang kulang sa kanila?

Magulo diba, specially kakwekwento lang sakin ni Ray kanina about dun sa babaeng nakachuchu niya daw. Isa pang magulong tao yung lalaking yon eh, pero bahala na silang dalawa sa kung anong relasyon nila. 

It's their story, not mine. 

So ayun nga, nag hi din ako kay Kristine saka ko siya nginitian. 

Hindi naiwasan nung mata ko na dumaan sa lalaking yon ulit and it made my heart skipped a bit nung mag tama yung mga mata namin.

What was that? 

Was he looking at me? 

Agad agad kong binawi yung tingin ko at hinarap si Kristine at nakipag usap saglit. 

Tinanong ko si Kristine bakit andito sila sa office namin. At yung pag kakaexplain niya eh, sila yung team na sinusupervise ni Juls na katrabaho ko and they are having a meeting here before they all go home. 

Pasasalamatan ko yata mamaya si Juls ng wala sa oras, kung hindi niya naisipang dito mag meeting sa office namin eh malamang hindi ko na nakita yung lalaking nakaputi na ito.

Ang sarap kasi.

Ang sarap niya sa mata. 

I stopped talking to Kristine since they are in the middle of meeting and just focus on my computer para mag trabaho na sana, pero wala. 

Deserve BetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon