DB#3 - Dan II

6 0 0
                                    

Jaycee

I don't know pero nag eenjoy ako sa mga nabalitaan ko from Juls. 

It makes my heart beat so fast, and maybe that's the reason why naeenjoy ko to. 

Ngayon ko nalang ulit naramdaman yung puso ko. 

Naamuse talaga ko nung nabalitaan kong curious din pala si Dan sakin.

Kaya hanggang ngayon nakangiti pa din ako. 

"Juls" Tawag ko sa kanya. 

"Yes ate?"

"Sana namin sinabi mo na din sa kanya na iadd na ko sa Facebook. Madali naman ako kausap". Walang preno kong sabi. 

"Hoy fren! Ang landi mo talaga!" Sigaw sakin ni Meme.

"Fren wala ka magagawa, Akin na yon. Ako ang hinahanap, hindi ikaw". 

Teka, pauwi na pala sila no. Feeling ko gusto ko siya makita bago siya umuwi. 

Agad akong tumayo sa kinuupuan ko at lumabas agad ng office. 

Bumaba ako agad ng hagdan and dumiretso kung saan humihinto yung shuttles namin. 

Andon na yung shuttle and I saw him, still looking good bago siya umakyat papasok sa sasakyan. 

Napasimangot ako ng makita kong nakasunod si Kristine. 

Mabait yung babaeng yon pero hindi naman ako manhid para di maramdamang attracted din siya kay Dan.

Napairap ako pero napangiti din agad, I got to see him bago siya umuwi. 

Pumasok na ulit ako sa lobby ng makasalubong ko si Juls. 

"Uy buti andito ka sa baba?" Sabi ko. 

"Eh ate chinat ko si Dan,sabi ko iadd yung facebook mo". Nanalaki yung mga mata ko sa sinabi niya. 

"Ang galing mo jan!" Agad ko siyang nginitian ng malawak.

"Pero sana sinabi mo na din na chat ako para mas masaya diba." Dagdag ko sa kanya. 

"Sige ate sabihin ko" agad niyang pag agree pero napaisip ako, parang masyado naman yata akong desperado non sa atensyon niya. 

Hininti ko yung mga daliri niyang nag tatype sa phone niya. 

"On second thought. Bukas nalang, if hindi niya ko ichat pag ka-add niya, bukas mo nalang sabihin sa kanya" Saka ko tinaasan ng dalawang kilay si Juls. 

Napakamot siya sa ulo at ngumiti. "Sige ate, sanay naman na kong tulay sa mga love life niyo"

Tumawa ako sa kanya. 

Umakyat ako para pumunta sa locker at excited akong icheck yung phone ko.

Pagkabukas ko ng data eh agad na notif yung facebook ko na may friend Request.

Napangiti ako agad ng malawak at inopen yung notif. 

Dan Margueza wants to be your Friend. 

Ang perfect. Iniscreen shot ko yung friend request niya at saka clinick yung accept. 

Nakikita kong green yung status niya so malamang online to. 

I waited for 15 minutes, idling my phone for entertainment pero wala. 

Wala akong natanggap na chat sa kanya. 

He's that type of guy. Malandi at magaling lumandi. 

He know that he can have any woman he wants kasi gwapo. 

Or not just woman, malamang madaming bakla din ang naghahabol dito. 

Itinago ko na ulit phone ko sa locker at pumasok na sa trabaho. 

I heard na matagal na din siya dito sa work, I wonder why ngayon ko lang siya nakita? 

Oh. Puro trabaho nga lang pala talaga ako before.

Well I know his kind of guy so it won't be healthy thinking about him. Specially nasa trabaho ako ngayon, I should focus - madami pa kong pending reports and adverts. 

Somehow I managed to finish everything at bago ako mag out, napaisip ako. I'll probably see him bukas. 

Bukas? 

Ay off ko pala bukas. 

I guess I'll see him in Monday then. 

Anyways maaga pa naman, 7pm palang naman.

Guess I'll go with my usual bago umuwi. 

Nag chat na ko agad ng kung sino pwedeng makasama and looks like madaming hindi pwede. 

I felt my phone vibrate kaya tiningnan ko agad.

Napangiti ako agad ako sa nag reply. 

From Ray: G. Ka-out ko lang din. San tayo?

To Ray: Same nalang ulit. Diamond tayo.

From Ray: Sige, punta na ko.

Ngumiti ako at agad akong bumyahe.

Pagdating ko don, winelcome ako ng malakas na mga tugtog and lights everywhere.

Ngumiti ako at dumiretso sa counter. 

"1 Room for 2 people po".

Ginuide nila ko sa isang room at nilapag ko yung bag sa upuan.

I looked around and I guess sanay na talaga ako sa ganito. 

Rinig na rinig ko yung ingay sa ibang room at yung mga birit nila sa mga kanta nila. 

Hoy asa KTV ako no. I waited for Ray at malapit naman na daw siya so I decided na order na din.

I pressed the button sa gilid ng door near the seat where I'm at, tas dumating din naman yung isa sa mga nag aassist sa kanila.  

"Yes Ma'am?" Tanong niya agad. 

"Isang bucket Sanmig Apple Kuya saka isang bucket pa ulit  na may 3 redhorse at 3 apple". Numiti si kuya saka umalis na. 

I can't order much since madaling malasing si Ray. 

Ewan ko ba don at kung maka oo sa inom, pero ang dali naman tamaan. 

Di din nag tagal eh dumating na din naman siya. Ayon the usual happened, nag inom lang kami. 

Nakakaisang red horse palang ang loko eh nahihilo na daw siya. 


In the end ako din halos nakaubos ng mga inumin. Pero ang maganda dito eh share pa din kami sa bayarin hahaha. 

Nagpababa muna ako bago umuwi, good thing inuna ko yung redhorse bagpo yung apple, di ako mag aamoy alak masyado. 

Pagkauwi ko naligo ako agad at natulog since medyo tinamaan din ako sa mga nainom ko.

At ang kwento ni Ray lang naman buong magdamag eh bat di sila okay ni Kristine, kasi inaalok na niya maging girlfriend pero ayaw daw ni Kristine. 

Buti nalang di ako napansin ni mama kagabi, magaling talagang artista.

Pagkagising ko uminom ako ng tubig. What a good way to start my Saturday morning. 

Anyways last day of November kaya magandang mag walwal, 

Tiningnan yung phone ko, incase my emergencies sa trabaho pero biglang nanlaki yung mata ko ng may nakita akong notif.

A notif that I wasn't really expecting to come so soon. 

Dan Margueza waved at you.

Muntik ko ng maibuga yung iniinom ko pero napangiti ako agad.  

I posted a Myday on my messenger. "If you ever caught me staring, I'm probably looking how hot your tattoo is."

I clicked on his message and send a waved reply too. 

Now this is interesting.

A really good distraction.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deserve BetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon