Prologo

3 0 0
                                        


Sa bawat agos ng buhay matira ang matibay.

Sa bawat hampas ng alon huwag mong hayaan na ikaw ay di makaahon.

Sa bawat sikat ng araw panibagong buhay ang iyong matatanaw. Mga ala-alang hindi na dapat pang makasama hinihiling na sana'y pumanaw na.

Sa bawat huni ng mga ibon kapayaan sana'y matatamo. Kapayapaan na sana'y hindi panandalian lamang kundi panghabang buhay at hanggang ikaw ay mamatay.

July 04, XXXX Araw na kalayaan.

Ibat-ibang kwento na ang aking narinig tungkol sa kalayaan. Pasalin-salin na rin ang mga librong nabasa dahil sa mga nagdaang taon. Simula ng ako ay nagkaisip at maagang namulat sa kahirapan,nasaksihan ko na ang mga bagay na hindi ko dapat makita.

Sa tuwing ako ay nakakarining ng salitang kalayaan isang tanong lang ang bumabagabag sa aking isipan.

Paano mo malalaman kung ito ang ba ang tunay na mukha ng kalayaan?

Sabi nila kapag sinabing mukha dapat nakikita at nahahawakan. Kung ganon saan ako magsisimulang hanapin ang mukha ng kalayaan?

Sa pagmamasid ko sa aking kapaligiran at mga karanasang nagmulat sa aking batang pag-iisip ay unti-unti kong nagbigyang sagot ang tanong na pilit na bumabagabag sa aking isipan.
Paano mo malalaman kung ito ba ang tunay na mukha ng kalayaan?

Kung ako ang tatanogin hindi lahat ng bagay sa mundo ay kailangan may mukha para paniwalaan mo na ito ay totoo. Ang pagmamahal ba ay kailangan ng mukha para maging ito ay makatotohanan? Hindi ba pwedeng magmahal na walang basihan sa mukha? Ang pagiging maganda lang ba sa labas ng anyo ang basihan ng lahat? O baka naman naaiisip mo na ikaw ay hindi malaya sa kadahilang na tatakot ka sa maaaring mangyayari? O baka naman malaya ka lang sa pag-iisip mo?

Ang maging malaya ay isa mga magandang mangyari sa iyong buhay. Yung tipong nagagawa mo ang lahat pero may limitasyon. Ang mukha ng kalayaan ay makikita mo lang kapag nagkaroon na ng resulta ang mga bagay na pinaghirapan. Pero sa panahon ngayon makakamtam mo lang ang kalayaan kapag ikaw ay nakapaghiganti sa taong may ginagawang masama sayo. Matatawag nilang malaya sila dahil na sa huli ang kanilang halaklak. Halaklak na susimbolo ng tagumpay at kalayaan ng kanilang mga galit.
Pero ito ba talaga ang tunay na mukha ng kalaayan?

"Ano kaya ang mangyayari sa ating apat sa darating pang mga taon? Siguro isa sa atin may asawa na? Ano sa tingin ninyo?" Tanong ni Hgyea.

Nakaupo kami sa isang malaking bato at nakaharap sa dagat. Hindi ganoong mainit at masarap sa pakiramdam kapag na sa dagat kami. Dito kami tumatambay kapag walang ginagawa. May kasiyahan ngayon at pinayagan kaming makapaglibang at magkita.

"Huwag naman sana ayoko ko pang mag-asawa. Gusto kong magtapos sa pag-aaral kahit mahirap kami." Si Thalia.

"Talaga lang Thalia baka naman mauna ka sa amin dahil palagi pa naman kita nakikita sa pasugalan. " Sabi ni Hgyea sabay tawa ,agad namang binasa ni Thalia.

"At ikaw, anong mangyayari sayo? Baka maging kabit ka? Kahit ganito ako may pangarap pa rin ako sa buhay kaya huwag mo kong maliitin." Pinagkrus ni Thalia ang mga braso kapag ginawa niya yan siguradong napipikon na siya.

"Tumahimik nga kayo ang ingay niyo!" Saway ni Euterpe, ang pinakamatahimik sa aming apat.

"Baka naman ikaw Euterpe ang mauuna sa ating apat? Sabi pa naman nila kapag tahimik na sa loob ang kulo." Agad namang lumikot ang mata ni Euterpe dahil sa sinabi ni Hgyea. Minsan talaga itong si Hygea napamalikot kong mag-isip animo'y isang batang paslit at putak ng putak kong ano ang naiisip.

" Bakit hindi niyo tanongin si Maddie riyan?" Tiningnan ako ni Euterpe ng nakakalokong ngiti at kapag ganyang ngiti hindi maganda ang pakiramdam ko.

Waves of Broken PromisesWhere stories live. Discover now