Nakatingin sa kawalan
Mga ibong nagliliparan
Ihip ng hangin
Pangarap sana'y dingin
Bata palang ako pangarap ko ng maging isang guro. Malapit ako sa mga bata at kong minsan ay nagtuturo ako ng walang kapalit. Hindi naman nagalit sina Ina at Lola sa napili kong kurso kahit alam nilang hindi ko maipapapatuloy ang napili nilang kurso noong sila ay nag-aaral pa. Isang manggagamot sina Ina at Lola at hanggang ngayon ay nanggagamot pa rin sila. Ito ang dahilan kong bakit may pinakukunan kami aming pang-araw-araw. Nagtatrabaho sa maliit na pagamotan si Ina at ang Lola ay tumigil na dahil matanda na pero sa bahay namin may nagpapagamot pa rin. Kahit labag sa loob nila ay sinuportahan pa rin nila ako.
"Tulala ka na naman Maddie." Hinampas ni Thalia ang kaliwang braso ko at napaaray ako sa sakit.
"Wala." Nilagay ko sa gilid ko ang librong dala ko. Nagbasa kasi ako ng isang kwento tungkol sa isang babaeng na may ibat-ibang ugali.
"Mamaya na yan maligo mo na tayo." Hinubad ni Thalia ang suot na jacket at tanging sando na lang ang natira. Ganoon din ang ginawa ng dalawang kaibigan ko. Dali-dali silang sumulong sa tubig dagat at naiwan akong nakaupo sa may bangko. Nag dadalawang-isip akong maligo baka mawala ang gamit namin mabuti sana kong nandito si kuya mababantayan niya.
"Ako ng bahala rito." Nakatalikod man ako pero kilala ko pa rin ang malimig niyang boses.
"Kiko...." Nakasuot siya ng abanikong sumbrero at bagay na bagay sa kaniya. Nakapamulsa at nakaharap sa akin. Hindi siya nakangiti at walang bahid na pang-aasar sa kaniyang mga mata.
"Salamat."
Hinubad ko na ang suot kong maluwang na damit at naiwan ang itim na sando. Hindi naman maikli masyada ang suot kong short tama lang pangligo.
Ngumiti lang ako sa kaniya at naglakad na patungo kung saan ang mga kaibagan ko.
Sa bawat apak ko sa buhangin ay lumulubog ang paa ko at may halong init.
Ano kaya ang pakiramdam kung ikaw ay lumubog?
Marami namang paraan para ang isang tao ay lumubog isa na roon ang lumubog sa pagkakautang. Siguro kapag ako ang lumubog sa pagkakautang ay gagawin ko ang lahat kong ang pamilya na ang paguusapan. Iba pa rin kapag pamilya ang madadamay at isa sa magagawa mo ay isakrispiyo ang sarili at pati ang sariling kaligayahan ay madadamay.
Pero hindi naman siguro iyon mangyayari dahil hindi ako mangungutang nakakatakot kaya.
Natatawa na lang ako sa aking naiisip pati paglubog ng paa ay nadadamay na ang utang."Maglaro tayo ng habol-habulan!" Sigaw ni Hgyea habang papunta sa direksyon ko. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Euterpe at malamang may masamang binabalak ito, napailing na lang ako.
"Sige ba!"
Nilagay namin ang hintuturo sa palad ni Hygea at kung sino ang maiipit sa palad niya ay siya ang taya. Ilang beses pa namin inulit dahil hindi mahulihuli ni Hygea pero sa huli natalo si Thalia."Bakit ako na lang palagi?!"
Nagsimula na kaming lumangoy at magkaiba ang direksyon namin para hindi agad mahuli. Hanggang leeg ko na ang tubig at tiyak akong hindi ako mahuhuli dahil malayo na siya sa akin.
Tanging sina Hgyea at Thalia lang ang naghahabulan. At si Euterpe nakatingin lang sa kanilang dalawa.
Kahit hanggang leeg ko na ang tubig nakakaya ko pa namang lumangoy. Medyo nararamdahan ko na ang lamig dahil siguro nasa malalim na parte na ako.
YOU ARE READING
Waves of Broken Promises
Historical Fiction"There's a secret behind the strong waves."