Panibagong araw na naman hayst, eto ako ngayon nakaupo sa aking higaan habang inaayos ang aking mahabang buhok, lagi ko kasi itong sinusuklayan, alam mo na para maganda tayo ghorl HAHAH, i want to be beautiful not for anybody but just for myself, duhh!
"Hoy Loren! kanina ka pa nagpapaganda dyan ah, wala ka bang balak mag umagahan?" sigaw ni mama sa baba.
Eto si mama, alam naman niyang kailangang laging maganda anak niya eh para pag dumating na si forever edi gora na dis!
"Eto na po ma! sampung suklay nalang ho" nilakasan ko nalang boses ko baka di marinig ni mama jusq akyatin pako nun eh.
Dahan dahan akong bumabang hagdanan para silipin kung andun ba si mama sa kusina kasi paniguradong lagot ako neto HAHAH, tagal kong bumaba, umabot pa ata ng isang daang suklay inabot ko sa taas bago makababa jusq, kaya ingat ingat muna tayo baka tayo'y mapatay ng wala sa oras.
Nasa tabi ng hagdanan namin ang kwarto ko, bali pag akyat mo sa kanan andun kwarto ko, tapos kaharap ko naman ay andun yung kila mama at papa, bali ako yung bunso sa pamilya si kuya kasi nasa cavite dun kasi siya nakaassign sa work niya kaya ayun hindi kami magkasama.
Bumaba na ako kaagad ng mapansing wala na si mama sa kusina, baka namalengke na ata sa tagal ko.
May nakahatag na gatas at fried rice sa lamesa, alam kasi ni mama na mahilig ako sa fried rice kaya ayun tuwing umaga hindi niya ako nakakalimutang paghandaan nito. Kaya mahal na mahal ko si mama eh.
***
Nasa jeep nako ngayon patungo sa aking paroroonan, may interview kasi ako ngayon para sa papasukan kong trabaho, fresh graduate kasi ako, kaya eto naghahanap agad ng mapapasukan, para narin makatulong sa pamilya.
Naglalakad palang ako ilang layo ay kita ko na ang nagtataasan buildings dito sa Makati, ang ganda tingnan, nakakaaliw.
Nagtext naman sila sakin kung saan ba yung lugar na papasukan ko kaya madali nalang ito para sa akin.
Tredo Des Ayala Company*
Biglang nagpop sa cellphone ko ang text na iyan, iyan ata yung company na pupuntahan ko.
Parang may kapangalan yung company na yan pero impossible namang mangyari yun. Kaya binalewala ko na lang.
"Wow grabe, ang laki ng building na ito, nakakasilaw sa ganda" napatulala nalang ako sa kinatatayuan ko, ang ganda kasi talaga, kulay gold ito na parang nasa kakaibang lugar ako. Ang ganda ng design ng building, ang galing siguro ng gumawa nito.
Kung titingnan mo, siguro may apatnapu or limampu na palapag ang meron sa building na ito, nakakurba ito na pabilog na parang half moon kung baga tapos nasa harap ako nung gitna ng half moon, may silver din ito bali pinaghalong gold ar silver pala kung titingnan sa malapitan.
"Mam?"
"Maam??"
Bigla akong nawala sa wisyo nung may tumawag sa akin sa harapan ko, jusq kanina pa ata ako nakatingala sa itaas, baka tulo laway pako putek nakakahiya!
Bigla kong inayos ang tindig ko at inayos ang suot kong puting polo at paldang itim.
"Yes?" sagot ko kay manong guard na parang walang nangyari.
Napakunot nalang ito at kumamot sa ulo at bumalik na ulit sya sa kanyang kinatatayuan.
Maayos akong naglakad patungo sa loob, kailangan ko naman ayusin sarili ko syempre, napahiya nako kanina at ayoko ng maulit yun jusq nakakahiya na talaga baka magtago ulit ako sa tyan ni mama neto.
Pagkapasok ko sa loob ay nagtanong agad ako dun sa staff ng company na nakatayo sa gilid ko.
"Uhm, hi?" nahihiya kong sabi sa lalaking nakatuxedo, putek baka mali ako ng pinagtanungan, tiningnan lang niya ko ng parang nagtataka gosh.
"Edi wag, tsk arte naman neto magtatanong lang naman eh"bulong ko sa gilid.
"Ano yon miss?"
"Nako wala ho ser, jusq" pagkukunwari ko.
Umalis na agad ako kung san ako nakapuwesto kanina, baka masapak ko pa yung kupal na yon jusq, magtatanong lang naman eh, ang damot damot, kala niya ginto yung laway niya eh hindi naman, tskk.
Ang ginawa ko ay nagtext na lamang ako sa kausap ko kanina baka dun nalang ako magtatanong, para sure na.
***
"Hi miss, so you're the person who will take the interview right?" seryosong sabi nito sakin.Putek parang napakapormal ata ng mga tao dito, parang di ako nabibilang, nakakahiya naman, kailangan ko na palang ayusin sarili ko para di ako mapahiya.
Pero ang ganda siguro dito magtrabaho may itsura mga tao, pati itong si kuya HAHAH.
"Miss Dela Cruz right?" tanong nito kaya bigla akong nagulat, nawala na naman ata sko sa wisyo jusq.
"Y-yes" nauutal kong sabi, fuck kanina pako nawawala sa sarili ko di pwede toh.
"Follow me miss" nakangiti nitong yaya sakin.
Di na ako nagpatumpik tumpik pa at sumunod na lamang sa kanya. Pumunta kaming elevator at pinindot niya itong number 46, so bali sa 46th floor deretsyo namin neto HAHAH malamang teh.
Pagkabukas ng elevator, kitang kita mo doon na busy ang mga tao, lahat ay may kanya kanyang ginagawa. Halatang maayos ang pamumuno dito ah, kitang kita iyon sa mga tao. Ang sisipag nila, mapapasana all ka nalang.
"This way miss" turo niya sakin pakaliwa. Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya.
Nasa harap na kami ngayon ng isang malakimg pinto, ito na ata yung mag iinterview sakin, pero teka parang grabe naman yung interview area namin, parang nakakatakot yung mag iinterview jusq, mabigating tao ata ito. Nakakatakot na nakakaexcite.
Knocks*
Bigla nalang bumukas ang pinto na parang magic, ang galing jusq!
Pagkapasok ko ay may sala sa loob at sa kaliwa noon may isa pang kwarto, dito na ata ako mamamatay charot! iinterviewhin lang kasi HAHA, pero goodluck to myself sana kayanin ko jusq.
Tumayo muna kami dito sa harap ng kwarto kasi tumigil si kuya. Nakahawak siya sa tenga na para bang may hinihintay na signal or kinakausap, ewan ko ba.
At hindi nagtagal, bigla na muling bumukas ang pinto nito, grabe high tech ata lahat ng gamit dito, ang sarap tumira dito.
"Good after-* hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng nakita ko ang mukha ng taong gusto akong interviewhin. Papa ni Jacob.
Hindi ko alam na may company pala sila fuck, pero bakit pinapunta niya ulit ako? para saan??
---
HI GUYS IF YOU WANT ME TO CONTINUE WRITING THIS STORY, KINDLY VOTE AND COMMENT DITO HEHE LOVE U ALL! MWUAPS!
