Chapter one

13 2 0
                                    

    Exordium





" Selos ka lang ih, payag ka palit tayo ng nagugustuhan natin? " sambit ni Zyrille na may halong pabirong tono.

    Tama ba yung narinig ko o sadyang hindi malinis tenga ko. Totoo nga ba sinasabi niya.

     "Hoy Caelyn narinig mo ba sinabi ko hoy!" Zyrille distract me so it wasn't a dream totoo pala sinasabi niya.

     " Seryoso ka ba Zy, babae gusto ko tas gusto mo lalaki. Sa papaanong paraan tayo magkakapalit ng nagugustuhan ha-- " ngunit pinutol ni Zyrille ang pinapahiwatig ko.

    Nung isang araw pa hinaharot ni Zyrille yung crush kong babaeng si Julia. Oo babae gusto kahit babae ako, hindi naman ako mukhang tomboy pero siya nagustuhan ko i. It's just a girl crush

    Si Zyrille naman pinaka close kong kaibigan na lalaki, gusto nya lalaki rin pero hindi mukha din sa kaniya na bakla siya. He really is manly, gentleman and whatever teen boys do, kung pede nga lang siya nalang jowain ko e!

   " Hoy ano nga Cae.. " Sambit niya

" We never know Zy hindi ko naman tipo yang crush mong si Cj. Pogi nga wala namang pakiramdam so NO NO! "  Hindi ko alam bakit niya sinasabi 'to in the middle of our class. Yes, in the middle of our class. Wala namang paki teacher namin kasi bago lang siya kaya nagbabait baitan siya sa amin.

   "Hindi mo ba dama na hinaharot ko si Julia?"

    " Damang dama ko pre pero marinig ka ni Julia isang block ng chair lang siya oh! " Siko ko sa bewang niya.

    Selos ako sa kanila ewan ko ba. Last year ko pa nagustuhan si Julia. Ang ganda niya, talented, matalino basta parang nasa kaniya na lahat. Pero i gotta keep lowkey.

   " Naattract ako sa kaniya this week ewan ko ba.. " he straighten his back while facing the ceiling.

    " Sabi ko sayo i ang ganda niya hays,  lalaki ka na talaga Zy! " Tinaas ko ang kamay ko para himasin ang likod niya parang 'Congrats' ba.

   Hindi naman ako selos na selos kasi gusto ko parin naman mga lalaki sadyang wala lang akong mahanap na magustuhan kaya ata sa babae napaling atensyon ko.

  " Eh what if magkapalit nga tayo ng nagugustuhan? " Sabi ko sa kanya habang ang kanang kamay ko ay nakapahinga sa arm rest.

   " Edi okay lang sakin! Tulungan tayo pre. " Habang nilagay nya ang mga kamay nya sa batok at pumikit.

  Napailing nalang ako at natawa. Bagong kaklase ko lang nga naman si Cj kaya d ko pa siya nakikilala ng husto. We never know nga in the near future.

  2nd subject palang pero bored na bored na ako. Gusto ko na mag uwian.

   Dumaan ang 3rd sub at recess.

4th subject na Mapeh, fave sub ng lahat kasi nakakatawa teacher namin at di naman siya gaano nag tuturo puro talambuhay niya at funny jokes lang but still mataas grades namin sa kanya.

   " Good afternoon class! " Bati ni Sir Gilbert.

    " Good afternoon Sir Gilbert!! ". Bati namin pabalik sa kaniya.

   "Maari na kayong maupo mga dear students ko. May good news at bad news. Ang good news may educational fieldtrip tayo PERO hawak ko lang na sections ang kasama. Ang destination natin ay Intramuros at yung apat na National Museum. Tapos ang pagkain paguusapan sa ibang araw. Ang badnews naman, actually hindi naman talaga badnews. After ng event na 'to may papasagutan akong papel based sa napuntahan nyo so better take a picture kahit small details lang. Ito ang art activity natin. "

The class chirped sobrang excited nila as in. Pinag usapan narin kung anong sasakyan. May 8 na van daw na rerentahin. 2 van para sa section namin at namili na ng mga kasama sa loob ng van.

   Si Sir Gilbert may mga paboritong estudyante lalo na mga gwapo. Kasama na dun si Cj, Zyrille, at the rest ng boys at mga ibang babaeng close ni sir tulad ni Julia, Shara, Kayen at Faye. Nahiwalay man ako sa van ng bestfriend kong si Zy pero okay lang naman sakin.

   Out of nowhere nag taas ng kamay si Zyrille.

  " Sir pede po ba sa van 11 ako kasama ni Contreras?! " Paalam ni Zyrille na makasama ako sa van.

  " At bakit? Pano kayong mga baby ko? "
Paawa effect ni sir Gilbert para hindi siya umalis.

  " Sir gusto ko kasama si Caelyn, pwede ko naman kayong puntahan pati ililibre ko kayo Sir! " He tried to convince our teacher pero okay lang naman sakin na ibang van siya.

    " Ah o sige promise mo sakin yan nak ha! " Tumango si sir.

   " Yes sir!! " Pagkaupo ni Zy tumingin siya sakin at kumindat.

   Hala parang tenge, de joke lang hindi ako mafafall dun kahit marupok din ako sa lalaki. Bestfriend lang tingin ko sa kanya i bat ba.

   Habang iniba na ni Sir ang topic, may nararamdaman akong mga matang naka titig sakin sa kabilang banda ng room. At sa tamang hinala ko meron, Si Nasher. Yung lalaking last day ng 1st quarter na nag confess sakin. Bestfriend ni Cj.

  "Problema mo?!" Pabulong na nakatingin kay Nasher.

    " Ikaw.. " habang turo niya sakin.

   "Huh?! Ako?! Bat ako? " Naiiritang bulong ko pabalik.

   "Ms. Contreras anong meron?"

   " Ah wala po Sir haha... " I shrugged and ignored Nasher.

   I'm starting to like Cj at some point kahit gusto ko parin si Julia, same naman din si Zyrille. Pero etong si Nasher ang nanggugulo ng storyang ginagawa ko.

    Matapos ang 4th sub namin, tumayo si Cj, Nash at Jake para umihi pero bago sila maka daan sa pintuan lumapit sakin si Nasher at bumulong.

    " Bakit ba dikit ng dikit sayo si Zyrille?! Nauurat ako.. " sabay nilagpasan na ako at lumabas ng pinto.














.

 T a g u a nWhere stories live. Discover now