xxx
"Uy, Asta." Mira greeted the man at her front door.
My hand stopped mid-air, nasa huling kagat na sana ako ng hashbrowns pero napatigil ako sa narinig ko. So he's here.
Ano'ng kailangan niya? Does he really think na sisiputin ko siya? Aaminin ko, nawala sa isip ko na magkikita raw kami sa dorm niya, though kahit naman naalala ko 'di talaga ako pupunta d'on. Or...maybe.
He greeted her back before asking, "Is she still here?" I could hear a little urgency in his voice. Ano'ng meron?
Mukhang napansin rin ni Mira, "Uh yes, why?"
Oo nga, bakit? May krimen ba akong nagawa kagabi?
'Di ko alam pero parang gusto kong magtago sa kung saan, ramdam ko na kasing may kalokohan akong nagawa. And so I did, pa-tiptoe akong naglakad papunta sana sa spare room doon sa taas (na malapit ng maging akin sa sobrang dalas ko dito) nang may narinig ulit ako.
"Can I talk to her?" he asked. Wow, ang tino niya naman yata kausap ngayon sa harap ng iba. Pero may sagot na ako.
Hindi. Ayoko. No. Yada. Nein--
"Sure, tawagin ko lang." sagot ng demonyo kong kaibigan. Well, I don't think I could call her one as of the moment dahil malapit niya na akong ipagkanulo.
I heard footsteps and soon enough, may humawak sa balikat ko kaya halos mapatalon ako. Sayang e, malapit na ako sa kwarto. I glanced at the door longingly.
Mira stepped in front of me then looked at me suspiciously. "Balak mo pa talagang magtago?" nameywang pa si luka.
With that, I straightened my back and stuttered, "O-of course not, magbabanyo lang sana ako. Tamang hinala ka rin e." I rolled my eyes para convincing.
"Really? May banyo dito sa baba." Bagay talaga dito maging pulis, hilig mang-interrogate. Kaso pangarap niya maging designer e.
"Mas bet ko kasi do'n sa taas, may foam 'yung inidoro." Walang kriminal na umaamin sa kasalanan niya.
She shook her head and sighed, "Tigilan mo nga ako sa mga kagaguhan mo, South. Harapin mo na lang 'yung bisita mo do'n."
"Hoy, anong bisita? Bahay mo 'to." Bahala sila d'yan, sila naman nag-usap e.
"Wala ng angal, pumunta ka na do'n. Kanina pa nandon sa pintuan, baka inugat na 'yun." Napalingon ako sa 'di pa nabubuksang box ng donuts.
Dinampot niya 'yung box sa lamesa saka inabot sa'kin. Tinulak pa ako, "O ayan, go."
Grabe, pinapalayas na talaga ako. 'Di ko 'to makakalimutan. Pero okay na rin, may donuts ako. Pag bumili pa naman 'yun puro Choco Butternut.
Sa sobrang pagkatakam ko sa dala ko di ko napansin na nakalabas na pala ako. Nando'n siya sa hallway, nakasandal habang nagpipindot sa phone.
Hala? Kuya, life is not a fashion show po.
Nang nakaramdam siguro na may nakatingin, napalingon siya sa'kin saka umayos na ng tayo.
Ang ganda ng ngiti niya pagkalapit, "There you are." baka model talaga 'to or what? Ang kinang ng ngipin, parang galing commercial ng toothpaste.
"Bakit ka nandito?" gusto ko na umuwi para makain ko na agad 'yung donuts.
'Di siya sumagot agad, lumapit pa lalo sa'kin. Kung nasa movie kami baka napaatras na ako sa dingding tapos na-corner niya na ako, kaso di ako g sa mga gano'n e. Pero sa malapitan, I realized that he's good-looking. Bagay na bagay naman pala 'yung boses over the phone.
YOU ARE READING
Border of South (On-going)
Teen FictionShe was so sure she made her walls impenetrable. But when did it start crumbling and why did she never notice?