𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟎𝟓

39 3 14
                                    

xxx

Pababa na ako ng kotse nang tumawag sa'kin si Mira.  I checked the time, 2pm na ng hapon. Buti na lang di nila naisipan na mag-start ng 1pm, kainitan pa non. Nakakatamad kumilos pag ganong oras. Mag-isa lang ako ngayon kasi tinatamad raw pumunta sa school ngayon 'yung mga kasama ko sa bahay.

Bahala sila, baka magsisi sila pag clearance na. Sabi ni Mira nasa gymnasium na raw siya kasama 'yung barkada namin, may seminar kasi kami ngayon.

Kung pwede lang mag-absent 'di talaga ako papasok. Kaso monitored kasi 'yung attendance, for sure isasama nila sa clearance 'to. Ayoko namang ma-hassle sa dulo.

Ang arte lang ng school namin. After kasi nitong seminar, uwian na rin agad. As in, eto lang talaga ang pinunta namin dito.

Tapos na kasi exams kaya medyo chill na muna kami. And thank God, my test results were good. 'Di ko alam ang gagawin ko pag may nabagsak akong subject.

Sure, my parents wouldn't beat me to it, but that would only add up to my guilt. 'Di mahigpit sina mommy sa grades ko that's because they trust me that I would not fail.

Hindi pa naman ako masyadong nakapag-focus sa pag-rereview kasi ang daming ganap nung nakaraan.

That video, I could say na medyo kumalat siya sa campus. Nakaltukan ako ni kuya at inasar ako no'n nina Connie nang nalaman nila.

According to them, "Kunwari ka pang matino, isa ka rin namang makalat." They even renamed our group chat into 'The Kalat Club'. Aliw na aliw naman si Mira nang ikwento ko sa kanya.

Akala niya ha, lalasingin ko rin siya next time. Kahit ilang Bacardi pa maubos niya, mapagulong ko lang siya.

Another thing was, ang sabay-sabay na deadline ng group works. Malas ko pa sa groupmates ko, kayamot. Marami kasing petiks pa lang kasi start pa lang naman daw ng sem.

In the end, isa lang sa kanila ang tumulong sa'kin. Syempre, kaming dalawa lang ang nakalista sa members.

College na kami pero dinadala pa rin nila ang habits nila nong high school juniors at seniors pa lang sila. Buti nga sa kanila, 'di umubra 'yung petiks nila nang exam na. Mahigpit kasi 'yung instructor na nagbantay sa'min mula day 1 to day 3.

And speaking of exams, the night before no'n ang huling usap namin ni Asta. Wala, nang-aasar lang siya tuwing nag-uusap kami. Nothing new.

It has been a week, I think? Not that it was a big deal, though. Bigla ko lang naalala na pagkatapos niya kasing sabihin sa'kin na ipapabura niya 'yung video, totoo talagang nawala na. Even though alam ko na wala na kaming magagawa kung meron mang nakapag-save na sa phone nila.

Thankful ako na he made the effort na ma-delete 'yun. Pero kahit wala siya, I can definitely do something about it. But still, I appreciate it.

Pero sabagay, we're both in it. Kaya malamang aaksyon talaga siya do'n. Puta, bakit ko pa ba iniisip 'to? Tapos na nga e.

Nang isang liko na lang palapit sa gym, nag-text na sa'kin si Mira. Binasa ko na habang naglalakad. Kampante naman akong wala akong mababangga kasi deserted na 'yung hallway, nasa loob na ng gym lahat ng tao.

At least, that's what I thought.

Mira: sis, saan ka na? magsisimula na uy

I was about to type a reply nang may mabangga nga ako. Seryoso ba 'to? Wala ako sa movie, sa true lang. Mabilis kong nilingon kung sino man 'yung nabangga ko para mag-sorry.

And how cliché would it get? It was Asta together with his friends. The same crowd na kasama niya sa bahay. In fairness, para silang seven dwarves na tall version. Laging magkakasama e.

Border of South (On-going)Where stories live. Discover now