𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟎𝟔

27 2 1
                                    

xxx

As I expected, nasigawan nga ako ni Mira nang maiabot ko sa kanya ang napkin. Pero 'di na kami nagtagal sa CR kasi nagutom raw siya pagkatapos maglabas ng sama ng loob.

Buti na lang rin 'di na siya nagtanong kung bakit ako natagalan. Ano ba'ng isasagot ko, nagpababa muna ako ng kilig bago bumalik dito? Mamamatay muna ako bago sabihin 'yun.

Saka 'di naman ako kinilig sa sinabi ni Asta, nagulat lang. Sino namang hindi, diba? One week na walang kamustahan tapos bigla kang babanatan nang gano'n.

Pagbalik namin sa table, nando'n na si Jules at patapos na ring kumain sina Serene.

"Tagal niyo naman, dinasalan niyo pa 'yung banyo?" panggagong tanong agad ni Jules.

Umupo muna ako bago sumagot sa kanya. Medyo napagod ako sa mga kaganapan ha. I think I should really hit the gym again, ang dali ko ng mapagod these days.

Wala naman akong masyadong ginawa. Sign of aging na ba 'to?

"Oo, pinag-pray ko na sana iwan ka ng jowa mo tutal napakasama naman ng ugali mo." I answered while reaching for my chicken wings. Medyo lumamig na, but whatever, gutom na ako.

Habang nakain, nag-uusap 'yung mga lalaki tungkol yata sa mga kakilalang nakita ni Jules kanina.

'Di ako nasali sa usapan nila at tuloy pa rin ang kain. Alam na nila 'yun, 'di ako makakausap nang matino pag gutom. Galit-galit muna.

"Kilala mo rin pala sina Andrei, 'tol?" tanong ni Marcus kay Jules.

He nodded before answering Marcus, "We've known each other since kids. Apat nga kami no'n, kaso lumipat ng Canada 'yung isa. You know Kier Clavio?"

"Oh, really? Yeah, I heard of him. Kakauwi niya lang raw 3 days ago a." sabi ni Michael.

Napalingon naman ako sa kanila. Magkakakilala sila?! Well, bakit pa ba ako nagulat.

These guys, kahit saan yata kami pumunta may mga kakilala. Just like now. Ang laging katwiran nila, either nakakalaro sa basketball o nakakasabay sa gym.

"Hoy," I called for their attention. Agad naman silang napalingon sa'kin.

"Ano, nabilaukan ka na?" Jules asked worriedly saka nag-abot agad ng tubig. Puno kasi ang bibig ko nang magsalita ako.

Look at this little shit, kahit gaano kagago caring pa rin. That's why he's my best guy friend. 'Di na lang muna ako sumagot. Tinanggap ko ang tubig saka nilagok tutal nauhaw na rin naman ako sa nakain ko.

"The Kier you're talking about, is he somewhat related to Asta?" I asked him. Syempre I had to make sure, mamaya ibang tao pala pinag-uusapan nila.

If they're friends with that cutie edi goods. Mas madali akong makakakilos. Charot.

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Wait, you knew him?" His eyes were as wide as a saucer.

Well, I can't blame him kung nagtataka siya. I admit, I'm not the friendly kind of person. Yeah, I may have an acquaintance or two beside my friends pero 'di ako gaya nila na kahit saan mo ilagay magkakaroon ng kaibigan.

I just find warming up to strangers not that easy...at least, not anymore.

I sighed, "Unfortunately," then I took a huge bite at Alex's burger.

He's beside me, 'di ginagalaw 'yung food niya kasi sobrang busy sa paglalaro sa phone ko. Bahala siya d'yan. 'Di rin niya napansin 'yung ginawa ko kasi focused pa rin e.

Border of South (On-going)Where stories live. Discover now