08

23 4 0
                                    


Khandria Amy Molina
------

"SHEETT!! NAGING YELO ANG BUONG TRAINING ROOM DAHIL SA AKIN PAPAANO? WALA AKONG MAALALA ANG NAALALA KO LANG PUMIKIT AKO HABANG NAGSASABI SI PROF ANDRE SA GAGAWIN NAMING ACTIVITIES" malakas na sabi niya "Girl pakihinaan naman boses mo mabibingi na kami dahil sayo" sabi ni Natalie.

Pagkatapos naming magusap nina Pamela at Natalie nagpaalam sila na papasok sa hapon ding iyon hindi raw kase sila nakapasok nung umaga.

At Dahil nga sa nangyari sa akin sa training room sinabihan ako ni Headmaster na magpahinga muna sa araw na ito at bukas papasok na rin ako

Tapos na rin akong kumain napatingin ako sa wall clock na nasa sala time check 3:30 pm humikab ako. kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto at humiga dahil sa boring at wala akong magawa idagdag na rin na wala akong kasama at sobrang tahimik nakatulog ako

PAGMULAT ko ng aking mata tumambad sa akin ang asul na asul na langit umihip ang sariwang hangin napaupo ako at tiningnan ang paligid "Nasaan ako?"

"Princesa.......princesa kanina pa po kayo hinahanap ng Mahal na reyna" sabi ng babaeng matangkad may kasama pa itong dalawang babae sa likod niya

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili "Princesa bakit po kayo nandito pagnalaman Ito ng Hari magagalit siya sa amin" sabi ng babae "sino po kayo? at nasaan ako?" tanong ko sa kanila "Konchessa hindi malalaman ni Ama kung walang magsasabi" napatingin ako sa mismong kinatatayuan ko at napaatras isang batang babaeng na naka dress na kulay pula ang nakatayo sa kinakatayuan ko kanina

Sinubukan ko siyang hawakan pero hindi ko magawa "Patay na ba ako? ibig bang sabihin kaluluwa na ako?" napatingin ako sa batang babae bumuntong hininga ito "Konchessa ayoko pang bumalik sa palasyo" sabi ng batang babae 'Palasyo?'

"Pero may bisita kayo at kailangan naroon ka" sabi ni konchessa "Bakit kailangan naroon pa ako gusto ko pang maglaro" sabi ng batang babae "Pero princesa si Haring Leon at Reyna Ayana ang bisita ng hari" sabi ni konchessa

Ngumiti ang batang babae "Talaga bakit Hindi mo sinabi agad si Haring Leon pala ang Bisita ni ama" sabi ng batang babae at tumakbo hinabol naman siya ng tatlong babae "PRIINCESA!" sa halip na sumunod sa kanila tumingin lang ako sa paligid pero sa isang iglap nasa ibang lugar na naman ako

"Haring Leon......haring Leon" rinig kong sigaw ng batang babae kanina nangunot ang noo ko 'Nasa loob ba ako ng palasyo?' "Khandria...." nakangiting sabi ng hari lumapit naman ang batang babae "Haring Leon tuturuan niyo po ba ako ngayon na magpinta?" tanong ng batang babae dumating ang lalakeng may korona sa ulo kasama ang babaeng napakaganda lumukso ang puso ko pagkakita sa kanila

The Enigmatic Lover (Watty 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon