22

16 3 0
                                    

TAHIMIK ANG NASA LOOB ng kulungan hindi lang yon madilim rin at mabaho bumangon si amy 'Nagising na siya' sabi ng isang boses naalarma ang lahat sa sinabi ng isang boses " The Fuck Ethan Leonor walanghiya kayo palabasin niyo ako dito"sigaw ni amy agad bumukas ang pinto at pumasok si ethan at yumuko "Pasensiya ka na My Queen inutos po ni king Leonor" sabi ni Ethan at binuksan ang kulungan sinalubong niya ito ng sampal "wala kayong karapatan na ikulong ako sa madilim,marumi at mabahong kulungan na to!" sigaw ni Amy o tamang sabihin na Lucy

humingi lang ng pasensiya si Ethan tinulak lang siya ni Amy at naglakad pero huminto ng maaninag ang dalawang taong walang malay na nakasandal sa dingding ngumisi si Lucy "Nandito na pala ang dalawang to" sabi niya tumango si Ethan "Gusto Kong buhusan niyo sila ng malamig na tubig para magising ang mga yan" sabi niya at naglakad paalis.

BUMANGON SI AMY sa pagkakahiga sa sahig tumayo siya 'Nanaginip na naman ako at sa mga oras na to gising ang katawan ko pero si Lucy ang may gawa' napatingin siya sa dalawang kasambahay na dumaan sa harap niya yumuko ito sa kanya 'Nakikita nila ako? Kala ko ba panaginipan lang to?' "Saan kayo pupunta" tanong niya nangunot ang noo niya na marinig ang sariling boses mahinhin at sweet habang ang kanya ay parang nanghahamon ng digmaan

"Prinsesa Kara magtutungo lang po kami sa silid ng inyong kapatid na si Prinsesa Lucy" sabi niya nagulat ako pero agad ding nagseryoso "Dalhin mo ako sa aking silid"sabi ko tumango ang dalawa umakyat na kami nasa unahan ako habang ang dalawang kasambahay sa likod ko

Huminto ako ng madaanan ang mga pictures na nakasabit sa dingding ibat ibang mukha ng lalake at babae na naka korona huminto ako ng makita ang babaeng nakangiti lumukso ang puso ko ng makita ang itsura niya pareho kami ng mata at lips Hindi ko alam pero hinaplos ko ang picture " Prinsesa may problema po ba?"tanong ng isang kasambahay na nasa kaliwa ko matanda na ito umiling ako "Namomoblema ang prinsesa kase mala-diyosa ang ganda nito"sabi ng nasa kanan ngumiti ako at umiling bago naglakad ulit

Huminto ulit ako ng makita ang babaeng may pulang buhok kamukha ko rin ito pero ma's kamukha ko ang kaninang picture si Prinsesa kara may similarities lang kami ni lucy hindi ito kangiti ngiti siya ang babaeng nakita ko sa salamin 'Siya si Lucy pero kapatid niya ba si kara?'

Naglakad ulit ako at pinauna ang dalawang kasambahay marami kaming nilikuan na pasilyo hanggang sa huminto kami sa isang kwarto akala ko iyon ang kwarto ko pero malayo pa lang rinig na namin ang pagkabasag ng isang bagay at pagtapon ng kagamitan agad tumakbo ang dalawang kasambahay at pumasok sa silid habang ako nasa labas nakikinig

"Mga tanga sabi ko gusto ko ng ibang manika ayaw ko na sa mga ito Inggrata" sigaw nito "Prinsesa Lucy pinagbabawal na po ng mahal na hari na wag muna kayong bigyan nga manika" sabi ng kasambahay 'Brat pala tong tanginang lucy na to sayang at hindi kami nagkita baka makaladkad ko pa ito

Pumasok siya buti na lang nakaiwas ako ng binato niya ang isang manika "Oh aking minamahal na kapatid nandito ka pala tapos ka na bang ipasyal ni ama" galit na sabi nito "Lucy wag mong saktan ang mga kasambahay inutos lang sa kanila ni ama iyon kaya sinunod lang nila" sabi niya pero nangunot ang noo niya 'Hindi ako yung nagsalita pero ang katawang to'

Ibig sabihin ba nito sumanib lang ako sa loob ng katawan ni Prinsesa kara para tignan ang past "Tumigil ka Hindi mo ako naiintindihan palagi na lang ikaw. ikaw na palaging pinupuri ikaw na maganda,mahusay ikaw na lahat napapansin ng mga bisita paano naman ako magkakambal lang naman tayo ah" sigaw nito nanlaki ang mata ko magkakambal sila biglang sabay sabay na gumalaw ang mga manika para itong mga zombie nakataas ang kamay at naglakad sa gawi niya

Pero may humablot sa braso niya at nilagay siya sa likuran "Ano na naman ito Lucy? ika ilan ko na sinabi sayo na wag mong gagamitin ang mga manika mo para may masaktang iba" galit na sabi ng lalake at hula niya ito ang ama nina Prinsesa Kara at Prinsesa Lucy

Humarap ito sa kanya "Ayos ka lang ba anak?" tanong nito at hinaplos ang mukha niya ngumiti siya at tumango tumingin ulit ang lalake kay Lucy masama ang tingin nito "Hindi ko kukunsintihin ito Lucy sinaktan mo ang mga kasamabay at muntikan mo narin saktan si Kara kung hindi lang ako dumating kaya ang parusa mo ngayon ay hindi ka kakain ngayon at bawal kang lumabas" sabi nito kumurot ang puso ko gusto kong tumanggi wag na lang parusahan si Lucy pero hindi bumukas ang bibig ko 'kaya ba masama ang ugali nito dahil kulang siya sa pagmamahal'

Parang pareho lang kami ni Lucy humihingi ng atensyon ng ama pero ang pinagkaibahan lang namin kahit Hindi man pinapakita ni daddy ramdam kong mahal niya ako hindi ko mabilang kung ika ilan na akong sangkot sa away pero pinapagalitan lang niya ako gamit ang bibig pero never niya akong pinarusahan na magugutom ako

Umiyak si Lucy gusto kong lumapit at yakapin siya pero pinahatid na ako ng ama nina Lucy sa kwarto ni kara na katabi lang ng kwarto ni lucy

Nag-iba ang paligid nakita ko ang sarili ko na pinapalibutan ng ibat ibang kulay ng bulaklak nakita ko si Lucy nakaupo ito sa damuhan at malungkot na nakatingin sa ulap naglakad ako at lumapit sa kanya "Bakit nandito ka? umalis kana" sabi nito ngumiti ako at niyakap si lucy naramdaman ko na natigilan siya "Pasensiya ka na kay ama"sabi ko o tamang sabihin na si kara

"Ano pa bang magagawa ko"sabi niya "Nagugutom ka ba?" tanong ko hindi ito sumagot kaya kinuha nito ang maliit na bag at nilagay sa gitna nilang dalawa "Kain tayo" sabi ko, kumuha Ito ng apple at ngumit sa akin

Nag-iba naman ang paligid nasa harap sila ng malaking pinto katabi niya si Lucy habang nasa harapan naman ang reyna at hari may dumating na karwahe na ginto bumaba ang isang magandang babae at isang matipunong lalake nagkamustahan ang reyna at hari sa bagong dating "Oh siya ba ang prinsesa niyo?"tanong ng babae tumango ang mag-asawa at ngumiti pinakilala si kara sa bagong bisita at sa lalakeng seryoso lang na nakatingin kay kara lumukso ang puso niya napatingin siya sa katabi nakangiti ng masaya si Lucy hindi niya maiwasang malungkot ng hindi man lang pinakilala si Lucy Ito na ang nagpakilala sa sarili nito

Marami siyang nakita pero tumatak sa utak niya ang mukha ni Lucy na nasaktan dahil mahal niya ang lalakeng bisita nila na si khalid pero mahal ni khalid si kara nakita niya ang luhang dumaloy sa Mata ni Lucy ng sinabing magpapakasal sina Kara at Khalid alam niya ang sakit na pinagdaanan nito dahil naramdaman niya rin eto

Pero sabi nga nila lahat ng nangyayari may rason iyon kaya nangyari pero sapat ba ang rason na iyon para maging masaktan at magdusa ang isang tao.

The Enigmatic Lover (Watty 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon