Andito nanaman ako sa field. Eto na ata ang lagi kong tambayan eh. Mahangin kase, nakakagaan ng loob. HAY!!
"LEX!!" sigaw ng kung sino.
Lumingon lingon ako hanggang nakita ko sina Jax, Clau, Dennisse, Steph. Tumatakbo sila palapit saakin.
"Wala pa sundo mo?" ani Clau
"Wala pa e" ani ko.
"Pwede pasabay? Hehehe." ani Steph
Ngayon lang ata nawalan ng taga hatid a. Aba nagbabago na ata. Madami to kalandian e.
"Wala kang bebe ngayon? Bago yan ah. Every week pa iba iba bebe mo noon eh. Katapusan na ba ng mundo?" sabi ko at sabay sabay kami tumawa.
"HOY! ANG HARSH!!" sigaw ni Clau saamin. Pero di natinag tawanan namin lalo na si Jax.
"Lexa." Napalingon kami at nakita ko si kuya sa likod namin.
"Kuya! Ikaw susundo sakin?" tanong ko. "Kala ko si Kuya Joel ang susundo. Anyway sabay daw sila. Jax pati ba ikaw sasabay? Wala kang sasakyan?" tanong ko kay Jax.
"Hindi, may dala ako. Sinamahan ko lang mga to papunta sayo. Sige una nako." tumango lang siya at umalis na.
"Tara na. May pupuntahan pa ako." sabi ni kuya at nauna na papuntang sasakyan.
Hinabol ko siya. "May date ka ano?"
"Tss."
"Sabi na eh! Yieee ikaw kuya ahhh!" asar ko pa.
"Shut up, Lexa. Hop in." at binuksan niya yung sasakyan, sumakay na din sina Clau sa likod.
Sino kaya ka-date ni kuya hehehe.
Pagdating sa bahay wala pa sina Mommy as usual. Pero hindi pa ako nagdinner sasabay nalang ako sakanila mamaya. Si kuya kasi di na umuuwi dito may condo na siya. Sana all.
Dumeretso ako sa kwarto. Narinig ko yung phone ko na nagring kaya tinignan ko. May message si Dennisse.
dennisseee: hoy nood ng basketball bukas sa school. Madaming pogi doon
me: Sige, what time ba?
dennisseee: 9am, sunduin nalang kita.
me: okay okay
Dumating na sina Mommy kaya kumain na ako bago magshower.
Pagkatapos ng shower gumawa muna ako mg homework and then scroll sa IG ng wala na akong magawa natulog nalang ako
Nagising ako sa alarm ko. Pagkabangon ko dumeretso ako sa CR naghilamos muna ako then lumabas ako mg kwarto ko para kumain muna.
Pagkatapos ko kumain. Naligo na ako.
Tumitingin ako ng damit sa closet ko ng biglang nagring phone ko. Tumatawag na si Dennisse.
"oh?" bungad ko sa kanya.
"[Malapit na ko, girl.]" inporma niya.
ge. nagpapalit pa lang ako hehehe sagot ko.
"[ano ba yan napakabagal mo kahit kelan Alexa!] sigaw niya sa kabilang linya.
Napairap nalang ako. "Oo naaaa. Dadalian ko na po." sabay patay ng tawag.