Ika-apat na Kabanata

119 42 9
                                    

Pananaw ni Rajah Maliksi

"Maliksi, hindi ako sang-ayon sa ipinapanukala ng mga sugo" ani Marikit.

"Umaayon po ako sa Reyna, masyadong mapang-abuso ang mga sugong iyon. Kamakailan lamang tayo nagsimulang makipag-kalakalan sa kanila, sabihin na po nating patuloy ang paglawak ng ating pakikipag-kalakalan sa iba't ibang lugar ngunit hindi lamang naman po tayo ang umuunlad dahil doon dahil ang estado ng kanilang ekonomiya ay umaangat din po" makatwirang anas ni Ladiga.

Hindi ko akalaing narinig niya ang ang usapan namin ng mga sugo sapagkat nasa labasan siya ng mga oras na iyon. Ngunit ang kaniyang sinabi ay isang makabuluhang bagay.

Maaaring mapang-abusong hiling ang gusto nila ngunit malaki ang magandang magiging epekto nito sa aming bansa.

"Binanggit ni El Tegus na maaari natin silang gawing isang estadong---" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang nagsalita si Ladiga.

"Mawalang galang na po Rajah ngunit gusto niyo po bang matulad ang Yuan sa Goryeo? Nakalimutan niyo na po ba kung bakit nawala ang trono kay Haring Cheongseog dati?" wika niya.

Tinutukoy niya ang paghihimagsik ni Haring Cheongseog sa Yuan dahil ipinatigil nito ang lahat ng tributo para sa Yuan.

"Hindi ko mawari ang iyong pinupunto"

"Rajah ang Goryeo ay isang kaharian na nag-aabang lamang ng tamang panahon upang kumalas sa Yuan! Gusto nila itong pabagsakin! Gusto niyo po ba na kapag ginawa ninyong estado ng ating bansa ang kanilang mga nasyon ay magsama-sama sila para tayo ay pabagsakin?" halata ang inis sa kaniyang mga salita.

"Tama si Ladiga. Maliksi, dapat mong pag-isipan ito ng mabuti maaaring may mabuting epekto iyon pero mayroon ding masama" sambit ni Marikit at nagpaalam na magtutungo na sa aming tahanan.

"Rajah, hindi natin sila kilala at lalong hindi natin alam ang kaya nilang gawin" sabi ni Ladiga at nagpaalam na ring uuwi sa kanilang bahay.

Naiwan akong magisa dito sa bulwagan. Dapat ko bang tanggapin ang kanilang hiling? O dapat ko ba itong tanggihan? Lumalim ng lumalim ang aking pag-iisip hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok.

'You will be destroyed'

'You will be destroyed'

'You will be destroyed'

Napabulyaw ako matapos kong marinig muli ang mga katagang iyon.

'Panaginip lamang palang muli'

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi na ako nakauwi sa aming tahanan.

Agad akong tumayo at naglakad palabas sa bulwagan. Nasilayan ko ang kakasikat pa lamang na araw. Nakakarelaks sa pakiramdam na sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin.

Bago pa man ako makauwi sa aming tahanan ay natanaw ko na si Maria. Kinawayan ko siya ngunit tila hindi niya ako nakita.

Napahinto ako sa aking paglakad at nakita ko siyang nakatitig siya sa pangkat ng mga bata na naglalaro. Nakita ko siyang lumapit sa mga ito na parang makikipaglaro ngunit kitang-kita ko na nilayuan lamang siya ng mga ito.

Paaralan ng mga Maharlika (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon