Ikalawang Kabanata

189 49 12
                                    

"Rajah! Bumagsak na po ang Kanlurang Tarangkahan! Malapit na po silang makarating dito sa Tondo!" anas ni Ladiga na ikinagulat ko.

"Hindi iyan maaari! Imposibleng madaig ang ating puwersa ng kahit sino!"

"Ang mga sumugod daw po ay lagpas pa sa inaabot ng mata sa sobrang dami! Nasawi po si Kulimbat sa gitna ng pakikidigma!" lalo kong ikinagulat ang balitang kaniyang ipinahayag.

'Hindi ito maaari, walang nakakatalo samin. Paanong nangyari ito?'

Lumabas ako sa aming tahanan upang makita kung ano ang nangyayari. Kitang-kita ko na naitayo na ang mga barikada at mga naglalakihang haligi para sa Kongkretong Simboryo na poprotekta sa buong kabisera ng aming kaharian na nagsisilbing babala na nasa pinakamataaas na antas ng peligro ang buong Pilipinas.

"Rajah! Parating na po dito ang mga pinuno ng Timog, Silangan, at Hilagang Tarangkahan, kakaunti na lamang po ang kanilang bilang! Ayon pa po sa mga mensahero, nasawi po ang Sultan ng Sulu, Maguindanao, Rajah ng Butuan, at ang Hari ng Mactan limang araw na ang nakalilipas!" nanghina ako sa aking narinig. Lahat ng mga binanggit ni Ladiga ay aking mga malalapit na kaibigan.

Nagluluksa ako sa pagkamatay nila ngunit hindi ito ang tamang oras. Nararapat na protektahan ko ang natitira sa amin.

"Naka-ayos na ba ang mga hukay sa paligid ng kabisera?" wika ko, dahil ito ang aming pangunahing depensa laban sa kung sino man ang susugod sa kabisera ng aming kaharian.

"Naihanda na po ang lahat, napapalibutan na din po ng malalaking tinik na gawa sa bakal. Nilagyan na don po ito ng lason na nagmula sa palaka." ikinagaan ng loob ko ang kaniyang sinabi bagamat nasa akin pa din ang takot sa maaaring mangyari naibsan naman ito dahil sa maayos na depensa namin.

-BOOM-

-BOOM-

-BOOM-

"Bomba!" sigaw ng isa sa nananahan dito sa kabisera.

Nahagilap ko ang lumalaking bitak sa Kongkretong Simboryo hanggang sa tuluyan ng nabutas ang isang isang bahagi nito.

"I-imposible..." hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga dayuhan sa loob ng Simboryo.

Sinasaksak at pinapana ang humaharang sa kanilang dinaraanan.

"Rajah!" sigaw ni Ladiga at bigla akong niyakap. "Ahhhh!" napadura siya ng dugo sa akin. "Pa-pasenya n-na po pu-pumalpak ako sa aking t-tungkulin" napapikit siya at ramdam kong nalagutan na siya ng hininga.

"Ladiga! Gumising ka!" sigaw ko. Nakapa ko ang isang mahabang palaso sa kaniyang likod. Halata sa itsura nito na may lason ang tusok nito na dahilan ng mabilisang pagkasawi ni Ladiga.

"Maliksi!" sigaw ni Marikit agad akong napalingon at nakita kong hinihila siya ng isang lalaki. "Tulungan mo ako, Maliksi!"

Kitang-kita ko kung paanong nagsimulang hiwain ng lalaki ang kaniyang leeg.

"Maliksi!"

"Gumising ka!" agad akong napabangon. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Basang-basa ng pawis ang aking kasuotan.

Paaralan ng mga Maharlika (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon