Chapter 2

7 1 0
                                    

Chapter 2 - "Ingat ka."


"Hello, good morning," sagot ko nung nag-ring yung phone na located malapit sa akin, "Mali po kayo ng department na tinawagan, 367 po ang local number nila. Thank you."

Ibinaba ko na yung tawag ang quickly went back to work. I am an IT graduate pero pang Data Management itong ginagawa ako. I was made to do programming pero dito ako bumagsak sa pagiging staff ng madaming data. I do data crunching, data analysis and etcetera but I wasn't able to practice my IT skills. Bakit? Kasi kailangan ko agad ng trabaho at hindi makakahintay yung mga kapatid at magulang ko sa probinsya kung uunahin kong maghanap ng trabaho na fit sa course ko.

I went to Laguna right after my college graduation. Nag-apply ako sa agency kasi ano namang alam ko sa mga direct hiring na yan. I got hired as a production operator pero nakitaan ako nung bisor ko dati ng skills kaya after 3 years eh in-absorb ako as a staff. Simula nun eh dinala na nya ako kung saan man sya mapadpad. However, when she was moved to a different section eh iniwan nya na ako dito sa section na ito. I was comfortable here anyway kaya okay lang. Tsaka it's time that I get out of her shadow anyway.

Lumabas ako para sundan si Ma'am Luchie pero nakita ko na hila na naman siya ni Sir SG kaya hindi na ako sumunod pa. Pumunta nalang ako sa banyo and when I got back eh nagkakagulo sila.

There's a new engineer!

I repeat, THERE IS A NEW ENGINEER!!!!

Hindi ko alam kung kaninong kapalit ito but I already have a good hunch. Looks like Ma'am Luchie will be pushing through her resignation earlier than expected ah. Gets ko naman kasi sya, sobrang pressure yung tasks nya tapos hindi pa sya nabibigyan ng tamang acknowledgement. Siguro nga mas mag go-grow sya out of here pero ma-mi miss ko sya. She's like a younger sister to me kahit na mas matured sya mag-isip kesa sa akin.

Our supervisor called everyone for a quick meeting at para ipakilala yung bagong engineer sa aming lahat. Tumayo kami at nagtatawanan nung bigla syang nagsalita, "Hello, everyone. Ako po si Dwight Torrente, this is my third job and I was a graduate of ECE. I am 30 years old at single po ako in case any of you is wondering," sabi nya na naging dahilan ng pagtili ng ilang inspectors namin.

Puro kasi babae yung mga inspectors namin and although may iba ding lalaking engineer sa section namin eh bagong mukha kasi kaya nagkakagulo sila. I remembered one time nung dumating yung isa naming bagong engineer eh nagkagulo talaga, sumayaw ba naman nung talent portion na ng pagpapakilala. Pati yung buntis eh napatili eh hahahahah!

Itinuro nung manager namin yung magpapakilala and when it's my turn eh sinabi ko yung mga linyang lagi ko namang sinasabi sa lahat ng bago dito, "Rica Locsin," sabi ko tapos ngumiti ako, "In charge sa Data Management team. Basta anything related sa data pwede mo akong kausapin."

Ngumiti sya but quickly took notes of my name....

Actually, he's writing everything on his notebook. Sana maging katulad din sya ni Maam Luchie na mabilis matuto pero sana hindi naman sya katulad ni Ma'am Luchie na parang nakakahiyang lapitan.

Hindi naman sa takot ako sa kanya pero parang ganun na nga. Parang nakakabobo kasi pag lumapit ka sa kanya kasi yung mga tanong mo regarding sa inspection eh binabalik nya sa iyo in a subtle way tapos masasagot mo na yung sarili mong tanong.

Sobrang magugulat ka na alam mo na pala yung sagot sa sarili mong tanong, hindi mo lang pansin. Ganon sya kagaling. Anyway, bakit kaya hindi pa bumabalik yun?

Nung tapos na yung introduction portion eh umupo na ako sa upuan ko and continued what I was doing. Nagde-data crunch ako para sa monthly report namin na ang deadline ko eh next week. Nasa 70% naman na ako kaya okay lang na mag-accomodate ako ng iba pang gawain.

I was looking at my cellphone nung biglang umilaw yun. Unfortunately hindi si Rey yung nag-text kaya hinayaan ko nalang.

He's ignoring me for exactly 24 hours na. Hindi na nakakatuwa pero anong magagawa ko? Ako naman yung may kailangan sa kanya. I need him more than he needed me. Kaya kahit gusto kong ako yung susuyuin eh hindi mangyayari yun kasi dapat ako yung susuyo sa aming dalawa. Dapat ako yung magbababa ng bandila.

Uwian na pero hindi ko pa rin nakita si Ma'am Luchie, malamang stuck na naman yun sa meeting. Sinabihan ko na si yung iba naming Group Leaders na dadalhin ko na yung gamit nya sa locker nya kasi alam ko naman yung lock combination nya.

Sumakay ako ng shuttle at nag-cellphone nalang. Scroll lang ako ng scroll sa facebook at sa instagram kasi wala naman akong ibang alam na social networking site. Ni wala pa nga akong post na picture sa instagram na photo eh, puro like lang meron dun. Nakikibalita lang ako sa mga buhay nila.

Magpa-patay na sana ako ng phone nung biglang may nag-notif sa akin. Rey posted a photo of cans of beer sa myday nya. Naka-tag sa akin kaya nag-notify. Ang caption nya lang eh, "miss na kita, ricabebe."

Nung nakababa ako ng shuttle eh agad akong tumawag sa kanya. Nagmamadali akong makauwi at pumasok sa loob ng kwarto ko para makausap ko sya at buti nalang eh sinagot nya ako nung naka-settle down na ako sa kama ko.

"Hi babe," masiglang bati ko sa kanya  nung sinagot nya na yung tawag ko, "Nag-iinuman kayo ng friends mo?"

"Oo eh," sabi nya tapos sinabihan nya na tumahimik yung mga kasama nya, "Hindi naman talaga dapat kami lalabas pero nagkayayaan kaya sumama nalang din ako. Okay lang naman diba?"

Ngumiti ako at tumango kahit hindi nya nakikita, "Oo naman, babe. Walang problema," high pitched na sabi ko, "Basta wag kang masyadong iinom ng madami okay? Dapat yung tama lang para maka-uwi ka pa din in one piece."

"Rica, tapusin na natin ito" sabi nya na naging dahilan ng pag-blangko ng isipan ko.

Rica...

Hindi babe...

He used to call me babe infinitely. Sa totoo lang ayoko ng babe na endearment kasi feeling ko mga kabit lang yung gumagamit ng babe sa mga palabas sa TV na napapanuod ko but I have grown to love how he calls me babe. Dati babe lang ang tawag nya sa akin pero hindi ko napansin how he turned from calling me babe into just calling me Rica.

Pareho lang din naman na 4 lettered word yun, mas madali pa ngang bigkasin yung babe kasi isang bagsak lang tapos na unlike Rica na dalawang beses pa.

"Babe, ano ulit?" sabi ko habang nag-iisip ako ng dahilan, "Babe? Hindi kita narinig, pakiulit naman."

"Wala, uhm babe..." nag-aalangang sabi nya, "Ibaba ko na ito. Tawagan nalang kita bukas."

"Teka lang, babe!" sabi ko pero wala na.

Na-cut na yung linya at wala na naman akong nagawa.

Bakit ba ganun? Feeling ko nalang lagi na wala akong nagagawa pag dating sa relationship naming dalawa?

9:00 pm palang pero hindi ako mapalagay kasi feeling ko may mangyayaring masama. Hindi pa ako kumakain at hindi pa rin nya ako tini-text para sabihin kung nakauwi na ba sya or hindi pa. Tatawagan ko na sana sya kung nasaan na sya pero nag-text na sya.

 Tatawagan ko na sana sya kung nasaan na sya pero nag-text na sya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naiyak ako dun sa sagot nya sa I love you ko. Hindi ko kailangan yung Ingat ka. Ang kailangan ko eh yung sabihin nya pabalik yung I love you too.

Sana kahit nagsinungaling nalang sya. Sana sinabi nya nalang muna na mahal nya ako kasi alam naman nyang hindi ako nakakatulog pag hindi nya sinasabi yun pabalik sa akin. Sobrang nasanay na ako na sinasabi nya na yun sakin lagi na parang may kulang kung hindi nya yun banggitin pabalik.


Lie To MeWhere stories live. Discover now