Chapter 4

6 1 0
                                    

Chapter 4 - "Desperation takes you to places."


For a day, either kasama ko si Dwight or nag-iinterview sya or observed sa mga inspectors namin. Madali nilang nakagaanan ng loob si Dwight to the point na inaaya na nila agad ng inuman mamayang gabi.

I didn't know the reason pero he declined politely.

Tinawag kami nung bisor ko at pinaakyat muna sa taas since wala si Ma'am Luchie eh ako muna yung tumatayong spokesperson nya kasi alam ko din kahit papaano yung requirements ng section namin at kilala ko na din yung mga kausap. Pinasama sa akin si Dwight kaya 15 minutes before the meeting eh nag-aya na ako at dadalhin ko sya sa iba-ibang route para alam nya yung saan sya lulusot.

Nakasunod sya sa akin, "Ang aga naman natin pumunta sa corporate office?" tanong nya sa akin tapos tumakbo sya at sumabay sa aking maglakad.

"Ituturo ko sa'yo yung mga daanan para sa susunod eh hindi ka maliligaw at kaya mo na ang mag-isa."

"Hindi din. Magpapasuyo pa din akong samahan mo ako kasi hindi naman ako basta-basta matututo agad."

Tiningnan ko sya tapos tumawa kaming dalawa. Yung rason? Hindi ko alam.

Itinuro ko sa kanya kung saan pwedeng lumusot pag galing sya sa in-house supplier papuntang corporate office, or building B papuntang corporate office. Corporate office kasi yung pinaka-core meeting area ng company namin.

Andun yung top management, Japanese expats, local and foreign supports. Basically, it's a large office na may mga closed meeting rooms sa gilid and standing tables sa gitna for 45-minute meeting purposes.

Dun ka makakarinig ng mga sigawan ng managers and engineers.

Dumating kami sa corporate office saktong meeting time na, hinanap ko yung mga ka-meeting ko at naghintay kami ng a few minutes for the meeting to start.

"Papakilala ko lang po si Sir Dwight. Hindi ako sure mga ma'am or sir kung kapalit sya ni Ma'am Luchie pero parang ganun na nga," sabi ko right after attendance roll-call.

"Luchie's resigning?" gulat na tanong ng mga nasa paligid ko, "Kelan ang effectivity?"

"Sa totoo lang, ma'am? Hindi namin alam." sagot ko tapos ngumiti ako sa kanila, "Pero malay natin hindi matuloy? I hope the 2-week rest will do her good."

"Ayun ba yung reason kung bakit wala din si SG?"

"Di ko alam, sir." sabi ko tapos tumawa ako, "Proceed na tayo sa meeting?"

The meeting was discussed after that. May darating na sample and since tight yung schedule eh dapat same day ang input sa production.

Kung andito si Ma'am Luchie, I can already hear her protests pero dahil wala sya eh wala naman kaming magagawa. Siya kasi yung marunong kumontra pagdating sa mga ganitong samples eh. Supposed to be, samples shouldn't be rushed kasi nga sample yan. It will be shipped out to customers for us to have a good shot pero ganyan sila lagi. Laging rush at hindi binabantayan yung mga samples.

Nagsama pa yung dalawang magaling magbantay ng sample kaya ayan, walang magbabantay. Bahala sila dyan. As long as maayos yung sa area namin eh bahala na sila pag nagkaroon man ng quality claim yung sample na yan.

Bago matapos yung meeting eh biglang sumabat si Sugiki-san. God, I hate this Japanese support. Masyadong matalino, masyadong maraming alam pero masyado ding mayabang. He was asking too many questions about this sample that we weren't able to check. Matagal na nga yung meeting pero lalo pang tumagal gawa nung questions nya.

"Rica-san, you're here." sabi nya sa akin in the middle of nowhere, "You're replacing Luchie-san muna?"

"Currently po, I am replacing her but I brought someone who might replace her." sagot ko sa tanong nya kasi ayaw nya na hindi sya sinasagot, "Unless she changes her mind about resigning."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lie To MeWhere stories live. Discover now