[E Z R A]
"Happy birthday, Dexter!" Bati ko sa lalaking kagigising lang dahil sa pagsigaw ko.
"Anong? Kaaga mong mambulabog na abnormal ka." Wika nito habang nakabusangot. Napanguso ako at binato sa kaniya ang box na hawak ko.
"Ikaw na nga 'tong reregaluhan. Ikaw pa galit!" Sigaw ko at napabangon siya dahil sa gulat sa pagkakabato ko.
"Ezra?! May topak ka ba? Mabigat!" Asik niya at kinuha ang box. Bumaba ang kumot niya and his upper body, which is naked, showed up. Napaiwas ako ng tingin habang umiiling.
"Ano ba 'toh? Bato?!" Sigaw niya at umalis sa kama niya habang dala-dala ang box. Napalingon ako sa kaniya at nakita kong nakaboxer lang siya.
"Kung bato 'yan inihampas ko na sa'yo kanina pa!" Hiyaw ko.
"Bakit na naman?! Birthday ko! Mapanakit ka na! Sino nagturo sa'yo niyan?!"
"Wala! Magdamit ka ngang bano ka!" Sigaw ko ulit. Sumimangot siya at binaba sa kama ang box. Dumampot siya ng t-shirt sa kung saan at sinuot.
"Laki ng galit mo sakin. Naaakit ka ba?" Tatawa-tawang sabi niya at kung makapapatay ang tingin malamang sa pinaglalamayan na siya.
"Kapal ng mukha mo. Buksan mo na nga 'yan." Sigaw ko ulit. Kinuha niya ang box at inilapag sa study table niya.
"Box na box, Ez. Salamat sa effort." he said with sarcasm. Napangisi ako.
"Yep, don't judge a gift from it's cover." Wika ko at kinuha ang cellphone ko.
"Pucha. Ilang tape 'toh?" Tanong niya at natawa ko.
"Dalawa! Pasalamat ka at hindi ko tinatlo. Timer starts now." I announced and he started to take off the tape.
"Hanep, paalala mo nga kung bakit ko nagawa 'toh nang birthday mo." Sambit niya at napakibit-balikat lang ako.
"Dahil tinopak kayo ng jowa mo?" patanong kong sagot at tumawa siya. Lumipas ang sampung minuto at tagaktak na ang pawis niya sa pagtatanggal.
"Ang sakit na sa kamay, Ez. Hayop, kapag ito hindi matino, itatapon ko lahat ng k-pop merch mo." pagbabanta niya pero hindi ako natinag.
"Susumbong kita sa jowa mo. Sa kaniya nanggaling kalahati ng mech ko." Wika ko at tumawa na parang baliw.
"I hate the fact that you two get along well with those kind of stuffs." Sabi niya habang patuloy pa rin sa pagtanggal.
"Bakit kasi ayaw mo ring sumali?"
"Sinubukan ko! Ayaw ni Mira! Baka agawin ko raw si Mina sa kaniya. Hanep." Napanganga ako.
"Sheep, tupang gala. Bakit hindi ko naisip 'yon? Pwede mong maagaw si Nayeon sakin! Ang talino talaga ni Mira." Napatango-tango ako at napahinto siya sa pagtatanggal.
"May hangin ba utak niyo?" Tanong niya at biglang tumawa. Umirap ako at napatingin sa tinatanggal niya.
"One layer na lang!!!" Sigaw ko kaya't mas binilisan niya ang pagtanggal. Napatanga siya ng makita ang isang aklat na nakalagay sa isang sealed container.
"Hindi mo trip?" Tanong ko kasi hindi pa rin siya gumagalaw at napakaweird ng expression niya.
"Oi. Lalaking nakaboxer, kung hindi mo gusto may second gift ako. Naloko ko nung katrabaho mo, sabi niya gugustuhin mo daw 'yung lumang aklat sa auction last week. I went there and spent 30 million dollars for that. It would be a waste if you don't like it but money is worthless if I can't make you happy so I tried." Panghihimutok ko. Aish, that's a lot of money. Good thing I won at the casino and I was able to save my savings from total destruction of not getting appreciated.
"Hayop, Ez. Totoo ba 'toh?" Tanong niya tumango ako at dahil nakatalikod siya sakin mukha akong tanga kasi di niya nakita.
"Mukha bang peke?" Tanong ko at umupo sa kama niya. Napatingin ako sa mga napakapaskil sa dingding ng barn na pinagawa niya. I can't understand it since I'm not into treasure huntings and stuffs but Dex told me he is not a treasure hunter but an explorer. Dora lang ang peg?
"Ezra."
"Alam mo, Dex. Napakakalat mo-" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na lang siyang yumakap sakin.
"Thank you, this is the last piece I need to crack the origin of Armula Lè Tèu." Eh? Ano daw?
"Ano? Lato? Hindi ba seafood 'yon? Bawal ka don!" Sigaw ko at tumawa siya. Gumanti na lang ako ng yakap.
"Happy birthday, Dexter." Sambit ko.
"Thank you, Ezra." I laughed without knowing that this sentence will be the last that I will get from him. The day after his birthday, he disapperared...
"Mira can you sit down and be calm for a sec?!" Wika ni Liam.
"It's been three months since he disappeared! How can I calm down?" Mira cried and I closed my eyes, trying to think. Three months? That long?
"Well, we can't know where he is if we're like this!" Sigaw ni Liam and I stood up. I can't think with this atmosphere.
"Excuse me for a sec." I said and left then went to Dex's barn. I was about to enter when I saw that the door is not locked and heard something from Dex's room upstairs.
"Sheep, nakauwi na ba siya?" I concluded since there are no sign of force used in opening the door.
"Dex!" Sigaw ko at dali-daling nagtungo sa taas, only to find out a girl who adviced me to get the book from the auction looking at Dex's messy wall.
"I'm not Dex, obviously." She said without looking at me.
"And I think I know where he is." She continued, still staring at the wall.
"Where?" I asked and she looked at me.
"He went to find Armula Lé Téu." She said and gave me a dead stare.
A/n:
This is a work of fiction. Anything written in this story is a product of author's imagination. Names, places, and scenarios that resembles a certain situation is just purely coinsidental otherwise stated.
Lakas maka, "Otherwise stated," eh recycled lang naman. Hehe. So ayon, sabay-sabay nating titigan ang prologue kasi feeling ko wala ng susunod. Bwahahaha!
Another story na hindi matatapos! Yey! d^-^b
Sorry sa cover, wala akong pangcover at title pa eh. Hehehe.
Happy birthday, Dexter!!! Kung sino ka man. Lol. Bwahahaha.
Date started: April 28, 2020
Date posted: May 2, 2020Tingnan natin kung matatapos ko 'toh. Wahahaha.
~Extxr
YOU ARE READING
NO TITLE YET
General FictionDexter went missing. I tried to find where he is and now I don't know what I'm doing with these people I encountered after trying.