Chapter 2: Kiss

3 0 0
                                    

[E Z R A]

"Hey, Ezra. You know Craige or Zeref can replace you in front, right?" Tanong ni Eclipse at tumango lang ako.

"You are also aware that we already get through with that big quick sand, aren't you?" Tanong ulit ni Eclipse.

"I am aware." Sagot ko.

"Eh, bakit andyan ka pa rin sa harap?! Zeref palitan mo na nga si Ezra. Bubugbugin ako ng unggoy kapag napano 'yang kapatid niya." Gigil na saad ni Eclipse kay Zeref at napahinto ako.

"Wait, bakit ka huminto? Lumulubog ka ba ulit?" Tanong ni Craige at akmang hihilahin ako ng bigla akong umiling.

"Hindi?" Tanong ni Craige at umiling ulit ako.

"Eh, ano? Naguguluhan na ko." Saad ni Zeref at marahas na ginulo ang sarili niyang buhok.

"Hindi... Hindi ako kapatid ni Dexter." Sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad. I really am not Dexter's sister. I don't even know what I am for him.

"Teka, ano?"

"Eh, ano mo si--"

"Manahimik na nga lang kayong dalawa. Ezra, ako na mauuna. Nakakahiya naman sa dalawang baklang 'toh." Sambit ni Eclipse at nanguna sa paglalakad.

"Pero kapag ako talaga namatay dito, mumultuhin ko kayong dalawa." Tatawa-tawang sabi ni Eclipse at akmang lalakad ng tumigil siya.

"Oi, Eclipse. Okay ka lang? Bakit ka rin huminto?" Tanong ni Zeref.

"H-hindi niyo ba narinig 'yon?" Tanong ni Eclipse at nagkatinginan kaming tatlo.

"Wala akong naririnig, Clip. Tara na, baka umabot  tayo ng tatlong taon dito." Pang-aasar ni Zeref at napailing. Eclipse tilted her head a bit to the right and shook her head after. Okay?

"Tsk, kulang na ata ako sa tulog talaga." Wika ni Eclipse at bigla napatakip sa bibig.

"Magulo ang pagkakasa-ayos ko ng aking pangungusap! Ako'y malilintikan sa aking kapid!" Sabi niya sa oa na paraan. Sobra, oa.

"Normal 'yan, binibini. May saltik silang dalawa ng kambal niyan." Sabi ni Zeref.

"Ika'y aking narinig ginoo. Bakit?! Masasabi mo bang may saltik ang mga tao na ang tanging nais ay ang maayos na pagkakahanay ng mga salita sa kaniyang sariling wika?!" Wika ulit ni Eclipse at napanganga na lang ako sa tono ng kaniyang pagsasalita. Bakit feeling ko nabalik ako sa balagtasan namin noong high school?

"Wag mo na lang pansinin, Ezra." Sambit ni Craige habang umiiling.

"Binibini, ako'y humihingi ng paumanhin sa aking mga sinambit na tila hindi ko rin nabatid kung saan nanggaling. Ako'y nahihiya sa aking mga salita. Nawa'y ipagkaloob mo sakin ang pagkahabag at aking susubukang ito'y hindi na muling maulit." Sagot ni Zeref at napatawa ako. Ang cute.

"Pinapatawad na kita ginoo, ngayo'y magpatuloy na tayo." Wika ni Eclipse at napabuntong hininga si Zeref.

"Salamat at natapos din." Sabi nito na parang nakalaya sa pagkakakulong.

"Tara na! Dali may nakita kong lumiwanag don!" Sigaw ni Craige at tumakbo ng dire-deretso.

"Hoy, Craige! Wag kang tumakbo! Shit!" Sigaw ni Eclipse at hinabol si Craige. Napatakbo na lang din kami.

"Gago ang abnormal! First time mo bang makapasok sa tulad nito?! Mamatay tayo, hanep!" Sigaw ni Zeref at nahinto lang kami ng makita namin sila Eclipse na nakatigil sa harap ng mga nakasisilaw na diyamante ng matutukan ng flashlight. Masakit sa mata.

The diamonds are embedded on the walls and they are not just small dias they are big. It can fill a hand.

"Woah, ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming diamonds! They're shining!" Wika ni Craige at napangiwi ako.

NO TITLE YETWhere stories live. Discover now