58

1.7K 119 74
                                    

Cho Alvarado's Voice Messages

VOICE CLIP 1

Uhh... hoy.

Tangina ano bang sasabihin ko? [laughs awkwardly]

Um... hello? [pauses] Takte, sensya na. Di ako mahilig sa mga ganito, e. Sorry naman.

Gusto kong ikwento sa 'yo kaso tinatamad akong mag-type kaya vm na lang. Hindi rin naman kita pwedeng tawagan kasi baka lumabas "Patch Coveda is in another call". Gago, ayoko 'nun [laughs]. O di kaya baka hindi mo sasagutin kasi amazona ka.

Amazonang mapanakit... na galit na galit sa 'kin.

VOICE CLIP 2

[sighs] So ayun. Maririnig mo na naman ang golden voice ko. [pauses] So, musta? Anong masasabi mo? Golden nga? Char.

[dead air]

Uhh... [clears throat] Actually, medyo matagal na kitang medyo kilala. Lagi kitang nadadaanan, e. Kaso... [pauses] ... ayun, baka hindi mo lang talaga ako napapansin.

VOICE CLIP 3

Actually, 'nung June lang kita unang nakilala, e. Napapansin kita dahil nagkakasalubong tayo sa hallway at sabay pa minsan na pumapasok sa gate kapag parehas tayong late.

Laging late, amp [laughs]. Napakatapang! [clicks tongue]

Kaya lagi kitang nakikita kasi lagi din akong late. Ano? Tapang ko din?

[short silence]

Tapos tuwing vacant niyo, pansin kong lagi kayong tumatambay sa gilid ng court para mag-jamming. Napapanuod ko kayo kasi naglalaro kami dun paminsan-minsan kapag hindi nagpa-practice dun 'yung basketball team.

Tamang-tama... tropa ko 'yung kapatid ni Lance kaya medyo close kami. Hiningi ko pangalan mo sa kaniya. Medyo type na kita 'nun dahil nakikita kong palaban ka... tapos nakita kong may keychain ka ng My Chemical Romance sa bag mo kaya na-hype ako kasi fan ka din nila. Idol ko 'yun, e. Favorite band.

At alam mo ba... [chuckles] ... one time kumakanta kayo ng mga kaklase mo. Ang lakas mo pa namang kumanta kaya rinig na rinig ko 'yung boses mo pati pagpiyok mo [laughs hysterically].

VOICE CLIP 4

Pero puta, maganda naman boses mo. Siguro kulang lang sa emosyon. Sabi ko pa nga 'nun "Pakiligin ko kaya 'to para magka-feelings na rin ang pagkanta niya?" Pero siyempre biro lang.

Teka... ano pa ba... [pauses]

Ah, alam ko na. So—

[someone shouts "Cho, alas diyes na! Hugasan mo na ang pinggan! Ano ka ba namang bata ka, kanina pa 'yan diyan!" in the background]

[panics, stutters] Ay pota, wait lang. Gagawin ko muna 'to. Tangina [chuckles]. Mahirap nang masermonan.

Sige, bye muna.

VOICE CLIP 5

[clears throat]

HI VLOG, WELCOME TO MY GUYS! IT'S YOUR ADMIRER CHO ALVARADO, BACK AT IT AGAIN WITH ANOTHER KAGAGUHAN!

APRIL FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon