02

16.2K 446 30
                                    

Ilang linggo ang pinalipas kong hindi tinitigilan si Luhennce. I was planning to visit him today, but—


"Amanda!" nilingon ko si Meast ng tawagin niya ako. "What is it?"


"Spy him..." may inabot ito sa akin na larawan na agad kong tinanggap ng hindi manlang iyon tinitingnan.


"What do you want to know?"


"His connection to Mia Vida."


"And who's Mia Vida?"


"Name of organization, one of our targets." tumango ako at nagpaalam na rin. Tiningnan ko saglit ang picture, saka mabilis na umalis.


I contacted August to track his location, siya lang kasi ang maaasahan kong mabilis na magawa 'yon, na hindi naman ako nabigo. Hindi ko tinantanan ang lalaking nakilala ko, si Gregor Estamilla.


Kahit saan ito pumunta ay naroroon ako, buong araw ay iyon ang trinabaho ko at naiinis ako dahil hindi ko mapuntahan si Luhennce. Alas sais nang pumasok ito sa isang bar kaya mabilis kong dinampot ang damit ko na nasa back seat at sinuot, inayusan ko rin ang sarili bago naglakad papasok.


I can attract guys while walking confidently, but I am not here to flirt with them. Kahit na wala akong pakay dito, wala akong lalandiin sa kanila dahil isang tao lang ang kaya kong landiin sa kahit anong paraan.


Tinungo ko ang table malapit sa kung saan sila pumunta, I ordered light drinks and pretended that I was just there to have fun. Maya maya ay tumabi ito sa akin.


"Hey, Alone?"


"Uhuh, and you? Are you alone?"


"Well, just to have fun with my colleagues."


"I see," ngumisi ako palihim ng muli nanamang lumapit ang mukha niya sa tenga ko.


"I'm Greg," shit! Ayoko ng may lalaking ganito kalapit sa akin.


"Oh, I'm Gab."


"Feisty, do you have a boyfriend?" tumawa ako sa sinabi niya.


"Yet to come, darling!" I answered before drinking again.


"Want to go out?" doon na ako napalingon sa kaniya at nakita ko sa mukha niya ang kagustuhan sa isang bagay na hindi ko magagawang gawin."


I need to leave. I still have to attend to my own party." I winked at him before storming out of that place. I've got enough information, confirmed, connected siya sa Mia Vida. 'Yong mga kasamahan niya ay miyembro ng Mia Vida at kahit hindi man siya parte ng organisasyon, ang katotohanan na konektado siya sa kanila ay sapat na. Nagmadali akong umalis, umuwi muna ako at nagpalit ng damit. Nagpasundo ako kay Clover na agad naman nitong ginawa. Pagkarating doon ay medyo kompleto na ang red society. I almost forgot that it's my birthday today. Kung hindi pinaalala ni Mavis kanina.

Owning My Ex (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon