11

12.4K 312 29
                                    

I was trying to choose a hair style that suits him, ngunit wala akong makuha dahil bagay naman sa kaniya ang style ng buhok niya. Okay, color perhaps. I've tried to search one and end up looking at myself in the mirror. I snapped my fingers before turning my head to look at Kendrick, who was busy roaming his eyes around the salon.



"Ana!"



"Yes, miss Amanda?"



"May naisip na akong hair color for him, silver blond, pa assist please."



"Yes, miss," agad nitong inaya si Kendrick na maupo. Habang ako'y naupo sa couch at pinag-cross ang binti. Halatang kinakabahan pa si Ana, habang inaasikaso si Kendrick at madalas ang pagtitig nito sa lalaking nakapikit lang naman at hindi siya pinapansin.



I bit my lips before letting out a sigh. Mabilis akong tumayo at naglakad papalapit sa kanila. Huminto ako sa likuran ni Kendrick at pinagmasdan itong nakapikit, at hinihintay lang na gawin sa kaniya ang gusto kong new hair color for him.



"Ana, assist mo na lang pala ako. Ako na gagawa."



"Y-yes miss," nagsuot ako ng gloves at bahagyang nagmulat si Kendrick, kaya nagtama ang paningin namin mula sa salamin. Agad akong napaiwas at pinahidan ang parteng maaaring malapatan ng bleach ng petroleum jelly bago nagsimula sa bleaching process. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkailang ng hindi na niya ako tinantanan ng kaniyang tingin mula sa salamin, habang inaasikaso ko ang buhok niya.




I know how to dye hair; mahilig kasi ako mag DYI. Lalo na 'pag tinatamad akong pumunta sa salon. Like my hair, ako lang ang gumawa nito, pati na rin sa pag gupit.



"Ang gwapo no'ng kasama ni Miss Amanda."



"Akala ko nga artista eh."



"Pamilyar ang mukha niya eh, hindi ba si Kendrick Fuentabella 'yan?"



"Paano mo naman nakilala?"



"Why not?! Ang yaman kaya nila nag-model na rin siya dati." nagulat ako sa narinig, mayaman? Si Kendrick? Pero bakit nag w-work siya sa isang shop?



"Kaya naman pala artistahin eh."



"Bagay sila."



"Mukha namang walang gusto si Miss kay Kendrick." nilingon ko ang mga nag-uusap at sinamaan ang mga ito ng tingin kaya agad silang napabalik sa ginagawa. Kung hindi lang 'to salon ni Sab, pinasara ko na 'to.



Matapos ng nakakangalay na bleaching and dying process, pinatuyo ko na rin ang buhok niya at mabilis na lumayo. I pretend that I'm cleaning my hands. He never fails to stare at me while dying his hair. What's wrong with that loser?



Dumeretso na rin ako sa cashier para bayaran ang mga nagamit, pati na rin ang service fee kahit ako nagawa. Pagkabayad ko'y naabutan ko na si Kendrick na nakatayo at hinihintay ako. Hindi ko na siya tiningnan pa.

Owning My Ex (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon