Kabanata 1

63 1 0
                                    

Kabanata 1

"Ano na plano?" Iritado kong tanong.

Ni isa walang sumagot sa tanong ko. Nilapitan ako ni Dominic at nagsimula na naman mangulit. Ewan ko ba dito parang aso sunod ng sunod kung nasaan ako nandoon din sya.

"Ang sama mo makatingin ha." Maangas kong saad sa kanya.

"Wala ang ganda mo." Kahit kelan bolero ang siraulo 'tong hindi na nagbago.

Napalingon kami kay Francis dahil bigla itong sumigaw, lumipad kung saan ang selpon nya at tumama kung saan, nakakasiguro akong basag yon dahil sa tunog ng pagtama. Mangiyak ngiyak sya sa pwesto nya kaya agad lumapit si Dom sa kanya.

"Tangina wala na pre..." hindi ko narinig ang ibang sinabi ni Francis dahil biglang humina yung boses nya.

Pupulutin ko sana yung selpon nya ngunit naunahan ako ni Dominic agad nya itong binulsa na parang ayaw talagang ipakita sa akin.

"Ano nangyare?" Usisa ko sa dalawang kumag. Tinignan lang ako ni Dominic at nag aya na sila bigla sumakay ng kotse.

"San tayo?" Tanong ko kase baka kung san ako dalhin ng mga to mahirap na charot. Binuksan ni Dom ang pinto ng passenger seat at pinilit nya kong paupuin doon, nairita ako bigla doon kase di man lang nya sinagot yung tanong ko. Ngumisi pa sya habang kinakabit nya yung seatbelt ko, sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

Bumyahe kami pero hindi ganon kalayo. Huminto kami sa isang bar sa Malate hindi masyado madaming tao dahil martes palang. Dirediretsong pumasok doon si Francis at inaya naman ako ni Dominic. Wala na kong nagawa kung hindi sumama sa dalawang siraulo na 'to.

Kita kong may dalawang bucket agad sa table na napili ni Francis. Broken na broken beh?

"Ang drama nyo naman." Pang aasar ko sa kanilang dalawa bago ako umupo sa tabi ni Dominic.

Inilibot ko ang mata ko, talagang hindi masyadong madaming tao, hindi din naman masyadong konti. May mga nagsasayawan sa dancefloor at yung iba halos magsex na sa mga pwesto nila. Gulat ako nung bigla akong hapitin ni Dominic palapit sa kanya. Tinulak ko sya pero binalik nya ko sa dibdib nya na halos hindi ako makagalaw.

"Sino ba kase nagsabi sayo na magshort ka?" Iritado nyang tanong pero alam kong sinusubukan nyang kumalma. Inilibot ko ulit ang mata ko sa lugar at doon ko lamang napansin na may iilang mga mata ang nakatingin sa amin.

"So what?" Maarte kong tugon. Hindi ko din naman gustong magshort sa ganitong klase ng lugar dahil ang alam ko kakain lang kami kaya nagpambahay lang ako.

"So what? Ayoko kong makasapak ngayong gabi Celine." Matigas nyang sabi kaya naman inirapan ko sya.

Naubos na namin yung unang batch at umorder ulit sila ng dalawa pang bucket. Lasing na lasing na si Francis dahil nagsisimula na itong magkwento.

"Hindi ko naman alam na nandon sya e ang gusto ko lang makita mga anak ko..." sabi nya.

"Bakit ano ba ginawa mo?" Tanong ko.

"May mga pangangailangan din kaming mga lalaki na hindi nya mabigay sakin." Madrama nyang sabi, nilingon ko naman si Dominic dahil hindi ko nagets.

"Sex." Simpleng sagot nya at saka muling uminom.

"Hindi ko alam nadala na lang ako nung hinila na ko sa kwarto..." kwento pa nya.

Bigla naman nag init yung ulo ko sa kwento nya dahil nagets ko na kung ano nangyare. He is my cousin's boyfriend and he's speaking to his ex girlfriend. Wala na sila ngayon pero naanakan ni Francis yung babae. Oo nung una hindi ako boto sa kanya kase pamilyado sya at nag aaral ang pinsan ko.

Hundred Waves of Promises (BS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon