"Nililigawan ka ba ni Dominic?" Tanong ni Isha sakin.
Nandito ako sa kwarto ni Isha at chumichismis kung ano na nangyari sa kanila ni Francis a week ago, wala naman kami pasok parehas kaya tambay na lang kami dito sa bahay.
"Ha anong ligaw ka dyan tropa kami." Simpleng sagot ko.
Mukhang hindi sya naconvince sa sinabi ko kaya napairap na lang ako. Binato nya ko ng unan na hawak nya saka tumawa na parang baliw. Bakit may nasabi ba kong nakakatawa?
Agad nagvibrate ang phone ko dahilan para mapatingin kaming dalawa doon.
"Tropa pala ha." Pang aasar nya.
Fr: Dominic
Libre ka ba mamaya?Mukha mo libre, charot. Ewan ko ayoko muna sumama ng sumama sa kanya dahil naiirita lang ako sa reaksyon ng pinsan ko.
"Kamusta na pala sila tito?" Tanong nya.
Nagkibit balikat lang ako dahil wala naman akong pake doon, I'm independent woman and I don't think na kelangan ko silang pakielamanan matapos kong maglayas. Lumaki akong halos hindi sila kasama dahil puro trabaho, kaya laki ng inggit ko dito kay Isha dahil namumuhay lang sila ng simple. Hindi ko alam kung suwail ba kung tatawagin ako o ano. Bukod pa doon okay naman ang buhay ko ngayon.
Inaya nya ko lumabas dahil nagtext si Francis sa kanya. Sumama naman ako kesa mamatay sa kaboringan dito sa bahay. Nagcommute lang kami papuntang Tayuman dahil malapit lang iyon sa bahay nila Isha. Bumaba kami sa ministop malapit sa SM dahil nandoon daw si Francis. Pasado alas otso na ng gabi kaya gutom na din ako. Pagbaba namin agad bumungad samin si Francis na may hawak na cake from Goldilocks at malapad ang ngiti.
"Korni ha." Reaksyon ko nung magyakapan sila.
"Inggit ka? You can hug me naman e." Tinapunan ko ng masamang tingin si Dominic na sumulpot na lang bigla sa tabi nung dalawa. So sinama sya Ni Francis? Kung alam ko lang nagmukmok na lang ako sa bahay.
"Grabe gagawin nyo pa kong chaperone" reklamo ko sa dalawa.
"Double date kaya 'to" sabi ni Dominic.
Dumikit pa sya sakin at inakbayan ako, agad kong inalis yung kamay nya sa balikat ko dahil nakakairita.
"Ang sungit naman makakasama yan sa baby natin." Bulong nya kaya siniko ko sya sa tyan na nagpaaray sa kanya.
"Anong baby hoy ha magmove on ka dyan wala yon." Inis kong sabi sa kanya. Kung bakit ba kase naging uhaw ako nung gabing iyon. Di na tuloy matahimik ang isang 'to.
Napagdesisyunan nilang manood na lang ng movie last full show matapos namin kumain at mag window shopping. Yung dalawang bakla bigla kaseng nagreklamo na masakit na daw ang paa nila kakalakad wala naman daw kaming binibili. Tinawanan lang namin sila ni Isha. Kaya nga window shopping e!
"Pwede ba Dom umusog ka." Reklamo ko sa kanya dahil halos sumiksik na sya sa leeg ko.
"No. I want to stay like this." Yakap yakap nya ang bewang ko habang nasubsob ang mukha nya sa leeg ko. Di ko alam kung natatakot ba sya sa palabas o nanantsing lang e.
Hinatid na kami nung dalawa sa sakayan pagtapos namin manood dahil hindi din daw kami maihahatid ni Dominic dahil coding sya. Di na kami gumimik kung saan dahil may pasok pa kami bukas. Ngunit itong isa mukhang walang balak umalis sa sa tabi ko at ginusto ng sumiksik sa leeg ko.
"Umuwi na kayo pashnea." Sabi ko
"Th..." di ko na narinig sinabi nya dahil humina iyon sa biglaan kong pagsasalita.
"Sige na uwi na." Pilit ko sa kanya inaantay na lang siya ni Francis para makaalis na sila. Sinimangutan ako nito bago kumalas sa katawan ko.
"Goodnight." Natulala ako.
