Sa umpisa

104 3 0
                                    

Mainit at tirik ang araw na kahit ano pang gawin kong iwas ay hindi naman ako makakatago sa nagsisigaang hari ng langit. P*ta! Init pa pre! Umiiyak na ang singit ko sa pawis sa buong maghapon kong pagtratrabaho... Baba, sakay, konting abang, sakay na naman. Pag tyinempuhan pa, puno at siksikan sa loob ng bus na kulang nalang ay magpalitan ng singhot ang mga tao. Wala naman akong choice. Mas gugustuhin ko pa na dito magtrabaho kaysa ang maghapong naghahalikan ang pwet ko at ang bangko sa opisina.

Nagtataka siguro kayo kung ano bang ginagawa ko sa buhay? Inspektor ako ng isang bus line na bumabyahe mula sa city hanggang sa karapit na probinsiya. Hindi ko nalang sasabihin kung saang lupalop ng Pilipinas at baka naman hanapin niyo pa ang angking kong kaswabehan. Hindi joke yun, pramis!

Pagkababa galing sa isang bus na halos laspagin na ng panahon, tumambay na muna ako terminal. Ito yung sentro na terminal, nasa gitna mismo ng ruta. Dahil sa hang over nung huling gabi, napapikit ako saka sinandal ang ulo sa likod ng benches. Ano bang tagalog nun? Basta yun na yun. Saka ako lumanghap ng malalim. Shet lang! Napaubo ako. Nakalimutan ko na nakaupo ako sa kung saan marami ang nagyoyosi. Mabait akong bata. Hindi ako naninigarilyo. Nomo siguro, oo. Sobra...

Lumipat ako ng mauupuan kung saan wala nang masyadong tumatambay. Maya-maya lang, dumating na ang susunod na bus pabalik naman sa kabihasnan. Unang bumaba si Bogs, konduktor siya diyan at pinakamalapit na kaibigan sa'kin sa trabaho.

Dali-dali niyang sinindihan ang yosi at naupo sa isang upuan na may pagitan sa'kin dahil alam niya na ayoko ng usok.

"Tang*na p're, sakit ng ulo ko. Grabe. Nakailang shot ba tau kagabi?" Tanong niya sakin.

Tumawa ako ng marahan sabay kamot ng ulo. "Wag mokong tanungin, hindi ko din alam."

Nakabuga siya ng usok sabay tingin sa loob ng bus. Ang dami na namang pasahero nagsisipasukan. Standing na naman at sisikan na naman to. "Grabe! Madami bang papuntang jsjsjdjd (ung city) ngayon? Kanina pa yan sila ah." TAnong ko.

"Oo eh. Pasukan na kaya bukas kaya maraming nag eenroll."

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya pero alam kong malungkot yan. Pangarap kaya niyang makatungtong sa college. Yan lagi iniiyak niyang pag lasing na kami.

"Di ka nalang muna mag enroll? Kaya mo na rin naman ah," sabi ko nalang bigla.

"Kung kaya ko nga lang talaga, ginawa ko na." tahimik lang kami ng ilang saglit... "Ikaw nga eh, nakatapos ka naman ah, hndi mo gamitin."

"Tsk... Mas gusto ko to eh. Maraming chicks araw araw."

Napatawa siya. "G*go!"

Tinapos na niya ang yosi saka tinapon sa gilid ang upos. Hinanda na niya ang mga tiket at puncher. Binigay na din niya sakin ang listahan para sa mga inspektor saka ko binilang at chineck kung ilan ang sumakay bago nakarating ang bus dito.

Pagtingin ko loob ng bus, napakamot na naman ako ng ulo. Tsk. Pahirapan na naman nito mag head count. Ilang saglit lang ay umandar na kami patungo sa siyudad. Kahit siksikan, kahit nahihirapan talaga akong makadaan para lang bilangin kung ilan ang pasahero, sanayan lang din naman. Ginusto ko to eh. Hindi man halata pero mechanical engineer ako. Licensed na din pero ito ang pinili kong trabaho. Maliit nga ang sahod, oo pero kung msaya ka naman diba? Kaya lang naman tinapos ko ang kurso ay dahil sa hiling ng magulang.

Mga 2 terminal na ang nadaanan namin at unti unti nang humupa ang siksikan. Lahat na ng pasahero ay nakaupo. Dahil economy lang na bus, sobrang init kaya pinili kong tumayo at magpahangin sa pinto. Nakadungaw ako sa harapan dahil inaasahan ko na ang sasalubong na bus na kabilang sa busline kung saan ako nagtratrabaho.

Hindi ko alam pero may nahagip ang mata ko sa bandang kaliwa ng bus. Nakaupo siya sa aisle. Nakakaasar lang dahil init na init ka na, siya, nagawa pang mag hoodie. Nakaupo siya nang pagkatamad tamad saka nakapasok ang 2 kamay sa bulsa ng hoodie. Lalaki ang tikas ng kanyang upo kaya laking gulat ko nang napalingon siya sa akin. Hindi pala sa akin. Sa banda ko lang.

Hindi ko alam kung totoo pero nag slow motion ang lahat. Ibang klaseng imagination na parang totoo. Pero parang reyalidad nga. Black na black ang mata niya, hindi katangusan ang ilong, itim na buhok na nakatilintas at may bangs pagilid ng mukha. At higit sa lahat, yung labi niya. Pinkish, tamang tama ang sukat at napaka-kissable. Grabe, hindi ko maintindihan. Pinagpapawisan ako habang iniisip na hinahalikan ko yun. Shit! Ano ba ito?

Bigla naman siyang napatingin sakin. Sandali lang yun at pakiramdam ko tumagos sa kaluluwa ko ang titig na yun. Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko na alam ang nangyayari sakin. Saka naman niya binalik ang atensyon sa harap at umayos nang upo.

Nakatingin lang ako sa kanyang likuran. Tulala na nga siguro ako at hndi ko na napansin kung gaano ako katagal nakatingin. Nagulat nalang ako nang makarinig ng malakas na busina mula sa bus na sinasakyan ko.

"Lon! Kanina pa naghihintay yung kabila oh!" Sigaw ng driver namin.

Saka naman ako bumalik sa reyalidad. Binalik ko kay Bogs ang listahan. Napatingin siya sa aking nagtataka.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya.

Umiling nalang ako saka bumaba ng bus. Pero bago ko kunin ang huling hakbang pababa, lumingon pa din ako sa kanya. Medyo nanghihinayang na hndi ko maintindihan. Ewan. Siguro umaasa ako na lilingon uli siya para sa akin. Pero hindi. Nanatili siyang nakatalikod. Huminga nalang ako nang malalim saka umalis.

BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon