Chapter 51

252 3 0
                                    

Chapter 51

I can't keep on being your second choice.. Not when you're my first.

-Marcus

----

Bianca's P.O.V

Automatic kong kinatok ng kinatok yung pinto..

"MARCUS!!! MARCUS OPEN THE DOOR!!" nagpapanic na sigaw ko.

No answer.

"MARCUS LUTTRELL HINDI KA NAKAKATUWA!!" sigaw ko pa..

Agad na akong tumakbo sa kwarto ni Joshua para kunin yung spare key.. nakita ko siya na hawak yun, siguro alam niya na yung nangyayari. Tumakbo na ako sa kwarto hawak hawak padin ang champurado.

Pagkapasok ko nabitawan ko yung champurado at nabasag yung pinggan.

Nakalubog si Marcus sa bath tub..

I cried and cried habang inaangat siya.

Then dumilat siya. Agad ko siyang sinampal at tumakbo na ako sa sala.

Marcus' P.O.V

Nagulat ako ng sinampal ako ni Biancs.

I looked at Joshua at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.

"Nag alala lang yun sayo.. nagpanic kaya, hindi mo kasi pinagbubuksan ng pinto, akala niya kung ano nang nangyari sayo, tas may palubog lubog tubig ka pang nalalaman" pag eexplain niya.

Tipid akong ngumiti.

"Tahimik kasi kapag nakalubog ka sa tubig" sabi ko.

Umahon na ako at pinunasan ang sarili ko ng towel at bumaba. Nakita ko si Biancs na umiiyak habang nakadapa sa sofa.

"Biancs.." tawag ko.

Tumingin siya sakin at agad yumakap.

"Gago ka!" sabi niya.

Natawa naman ako. For the first time simula nung nag away kami ni Christalline ngayon lang ulit ako natawa.

Since birth, malambing na si Biancs at isa na siyang linta.

Hinimas ko yung buhok niya.. ganto lang din ang ginagawa ko kay Christalline pag masama yung loob niya sakin.

Huminto ako sa paghimas ng buhok niya at umalis.

Umakyat ako ng kwarto ni Bianca at sinuot ulit yung suot ko kahapon.

"San ka pupunta?" tanong niya.

Hindi ako sumagot.

"Dito ka na muna Marcus.. nasabi ko na yun kay tito at kay Joshua" sabi ni Bianca.

I looked at her.

Bianca's P.O.V

Patay nanaman ang mga mata ni Marcus.. walang ka emo-emosyon.

"Aalis tayo" sabi niya sakin.

"Tayo?"

"Oo, sasamahan mo ko" sabi niya.

"O-osige.. teka lang" sabi ko.

Umakyat ako para magsuot ng flat shoes.

Pagkababa ko wala na siya.

"Andun sa kotse niya" sabi ni Joshua.

Tumango lang ako sakanya at umalis na din.

Marcus' P.O.V

Nakarating kami sa mall ng 2:00 pm. Dun ko kasi siya dinala sa malayong mall.. mahirap na baka makasalubong ko pa si Kristina, mahilig kasi siyang mag mall.. lalo na pag hapon.

More Than Just A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon