Chapter 1

34 1 0
                                    

Chapter 1

(Patricia's POV)

Ang lamig ng simoy ng hangin sa umaga. Nandito nanaman ako sa kalsada. As usual. Hindi dahil pulubi ako or tambay sa kalye o manginginom. Isa lang namang akong normal na estudyante na naglalakad papunta sa school ko. Private school student na walang service dahil yung village namin sa tabi lang ng school. ANGTARAAAAAAY DIBA? 16 years old na nga pala ako.

Anyway habang papalabas ako ng village may nadaanan akong mataas na bahay tapos may lumipad na papel na eroplano sa harap ko mula sa taas. Pag tingin ko wala namang tao. Wag kayong mag-alala hindi to horror story. Binuksan ko yung airplane na papel tapos love letter pala. Handa na akong magfeeling pero hindi naman pala nakaddressed sakin 'to kundi para sa kahit sino mang makakuha. Nakalagay sa letter:

"Kamusta ka na? Naalala mo pa ba ako? Mahal pa kita. Lagi mong tatandaan yan. Alam kong hindi mo to mababasa o iiwasan mo nalang ako pero sana malaman mo hanggang ngayon na namimiss na kita.

P.S. Kung sino mang makakuha nito wag mo nalang pansinin o kaya itapon mo na lang"

Oh well, itatago ko nalang ang ganda e tapos ipapatapon niya?. Kaya pinasok ko na yung sulat sa bag ko at dali-daling pumunta sa school.

Sino kaya yung nagsulat nun? sabi nila daddy talagang hindi daw lumalabas yung mga tao sa bahay na yun kasi daw may sakit yung kaisa-isang anak nung mag-asawang may-ari ng bahay.

Pagkauwi ko sa school napadaan ulit ako sa bahay na yun tapos wala namang batang naglalaro o nakasilip. Parang ngang walang tao eh. Makauwi na nga.

Pagkahiga ko sa kama napaisip akong ang swerte naman ng babaeng tinutukoy nito sa sulat.. Iniwan kaya siya ng babaeng pinakamamahal niya?

Hindi ko pa pala nasabi ang iba pang tungkol sakin.. Mahilig ako sa anime, NBSB, walang pakeelam sa klasrum basta mag-aral, may mga nanligaw naman pero ayoko sa kanila, paborito ko ang magbasa ng mga romantic novels pero tinigil ko na ang pagbabasa ng novel at mga manga nung nagsecond year ako siguro gusto ko namang mahilig sa mga kakaibang bagay.

May dalawa akong kaibigan sina Gail at Natasha. Kahit wala silang masyadong exposure sa misteryoso kong love letter na nakuha gusto ko lang silang imention. Baka nga lumabas sila sa isang chapter.. BAKA! Abangan...

Yun na nga hindi ko alam kung bakit pero parang gumaan yung pakiramdam ko sa letter kasi nakakainspire na nagmamahal siya ng sobra sobra sa alam niyang hindi naman dadating kahit kailan. Sana makilala ko siya..

[A/N]

Sana magustuhan niyo yung story ko ^______^ Pa-fan. Nafafanback po ako. PROMISE YAN.

Abangan niyo pa yung mga susunod na updates. Maganda 'tong story na ito. GARANTISADO. :)

Airplane Love Letters [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon