Chapter 3

20 1 0
                                    

Chapter 3

Pagkakuha ko ng letter mula sa harap ng electric fan agad agad ko na itong tinignan. at ang nakalagay:

"Hi? teka. Sino ka? nakuha mo ba yung letter ko or natatandaan mo ko? Please sana sumagot ka agad"

Halaaaa? Ano isasagot ko? Nako naman. Natatakot ako. Kaya napagpasyahan kong hindi magreply ng sulat.

Hanggang sa sumunod na ang mga umagang puro letters niya ang hawak ko pag pumapasok ako sa school. Di pa rin ako nagrereply.

Di ko parin siya kilala.

Maraming mga sulat ang nagdaan. Kinuwento niya yung buhay niya. 16 years old lang din siya tapos yung pamilya nila may-ari ng isang company. Kinuwento niya rin yung mga past love life niya. Ang dami pala niya naging girlfriend. Nakakatuwa nga nung umamin siya sa letter na parang naiinlove na siya sakin e. Ni hindi niya nga ako nakikita or ni pangalan ko di niya alam. Pero ako sa sarili gumagaan ang pakiramdam ko kasi nagkukuwento siya e. At malalaman mo yung mga importanteng nangyare sa buhay niya. Parang nandun na nga rin ako e.

So ayun nga nagdaan ang ilang buwan, nagsusulatan parin kami. Di parin kami nagkikita at di parin namin alam ang pangalan ng isa't-isa kaya ang tawag ko na sa kanya ay "Mr. Letter".

Nga pala.. Kumakalat sa school namin na liligawan na ni Nick si Natassha.. Ano nararamdaman ko? Malungkot. Medyo. Kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ng mga sulat ni Mr. Letter. Nakakagaan ng loob. Ito pa ang nakakapanibago, parang siya na yung dahilan ng pag ngiti ko dahil sa pagbabasa ng letter niya. Ang sweet pa nga kasi laging nasa una sa letter "Kumain ka na ba?" o hindi kaya "Malungkot ka? Magkukwento nalang ako para madistract ka naman mula sa problema mo. :)" Nakakainlove na...

Ang sweet diba. Nakakatulong to dahil nakakamove on na ako kay Nick. :) Siya nga pala,, Nabasa ko sa mga letters sakin ni Mr. Letter na yung sinusulatan niya dati na anonymous na babae ay dating girlfriend niya na namatay dahil sa cancer. Ang lungkot. Kasi naman minahal niya ng todo yung babae eh.

>>> 2 years later >>>>

Oo. ang bilis noh? 2nd year college na ko and kami na ni Mr. Letter. And yes. Di ko padin alam pangalan niya at di niya padin alam pangalan ko. Hindi naman talaga kami... Sadyang sumumpa lang siya sakin na kapag nagkataong magkita kami alam niya na dapat na ako ang babaeng mamahalin niya. At naalala niyo pa ba yung sulat ko sa kanya na may hello? Yun yung huling sulat ko sa kanya. Nung fourth year pa ako. Siya lang talaga ang nagsusulat ng mga letter sakin. Pero nagkakaroon na ako ng feelings sa kanya.

.

.

.

.

.

.

.

Tapos, isang araw nakareceive ako ng letter galing kay Mr. Letter:

Dear Ms. Hello (Soon to be Mrs. Hello Letter :))

Alam kong halos 3 taon na ako sumusulat sayo at ikaw naman hello lang ang huli kong nakuha ko sayo 2 years ago pa yun. Magreply ka naman oh ang saya kaya magkwento sayo. Nga pala, may balita ako sayo.. May sakit ako at kailangang magpagamot sa States. Alam kong hindi mo na marereceive yung mga sulat ko sayo. Mahal na yata kita e. Basta promise ko sayo pag nagkita tayo magaling na ako at handa na kitang pakasalan kahit ano pang itsura mo. Basta malaman kong ikaw lang ang nagsulat sakin ng "Hello"

Bukas na alis ko. Pangako ko sayo magkikita rin tayo. Last letterko na to.

With Love, Mr. Letter.

[A/N] Sorry sa mabagal na update. ^_______^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Airplane Love Letters [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon