O1

84 1 0
                                    

Shooting Star

Chapter One || Allyn

- March 2010-

Flash

Flash

“Allyn! Let’s take a picture together!”

Click

Click

“Iha, mag smile ka naman.”

“Opo.”

Eto naman ako, si uto uto nag smile din. Hay, nakakapagod mag smile. Hindi naman kasi ako mahilig mag pa picture eh. Pwede ba tama ng pag pi-picture? Artista ba ako?

Click.

Binaba na ng daddy ni Ches ang camera at nag lakad papalayo papunta sa kotse nila. Nag smile ulit ako, nakaka hiya naman. Baka sabihin napaka poker face ko.

“Thanks, Allyn. I’m gonna miss you.” Sabi ni Cheska sabay hug.

“Anu ka ba, Ches... para naman hindi na tayo magkikita?” I said as I laugh. Pero the truth is, nasasakal na talaga ako. She let go of me, then she buried her palms on her face. I heard her sob. “Ches... are you alright?” Yumuko ako ng onti para tignan siya, pero iyak pa rin siya ng iyak. I started to rub her back. Out of nowhere lumapit ang barkada.

“Allyn! Ano ka ba? Natural lang na umiyak no! Graduation na kaya! Siyempre, hindi na tayo madalas mag kakasama, kayo ni Ches sa La Salle na mag sa-study. Best friends forever pa din!

Ayeee.... We are sisters, we are friends~”

“Allyn, ang yabang mo!” sabay kanchaw sakin ni Gino. Ang barkada naming sobrang kulet, pero sobrang talino naman at sobrang gwapo... sabi niya.

“Shut up Gino, parang ikaw hindi... mas sosyal ka pa nga eh. Ateneo. Yabang! Hmp!” hinampas ko ung toga ko sa balikat niya. Nagtawanan kami pero lalong lumakas ang hikbi ni Cheska. “Uy Ches... Anu ba? Tama na. Kahit naman hindi tayo maging classmates, magiging schoolmates pa din naman tayo diba?”

“Allyn... I’m sorry... pero...”

“Pero? Ano?”

“Mag mi-migrate na daw kami sabi ni mommy.”

“Huh?!!!” siguro kung nakita ko lang ang mukha ko nung sinabi ko yon, sobrang panget ko siguro. Ang laki ng mata, laki ng butas ng ilong at naka nganga. “ulit nga. Ulit.” Umiling ako.

“Sabi ko, mag mi-migrate na kami sa Canada.”

Pumikit ako at huminga ng malalim. Sabay dilat ng mata, “ang DAYA mo naman Ches eh!” irita pero malungkot kong sinabi. “Sabi mo, hindi mo ko iiwan, sabi mo don ka mag aaral, kaya... kaya dun din ako. Ang daya mo naman! Ang daya talaga! Sana sinabi mo nang ma aga, para binagsak ko na lang ung exam at para hindi ko na din pina asa si mommy. Alam mo naman na ayaw ko dun eh. Kaya lang ako dun mag aaral dahil sabi mo gusto mo dun tayo. Asar!”

Sabay padyak sa sementong sahig at tumalikod sa kanya. Nakita ko sila Gino at Janine naka tingin lang sa floor. Lahat mukhang malungkot, ako lang ata ang galit. Pero gusto ko na talagang umiyak. Sigurado akong naka kunot ung noo ko ngayon. Nakaka asar talaga! Napaka daya. Asar! Nag lakad ako palayo at sabay hila ng tali sa buhok. Asar. Sobrang tumatakbo ung isip ko. Feeling ko nag pa-pump ung mga brain cells ko.

Natatakot ako na kinakabahan. Nalulungkot na na aasar. Yung Anxiety level ko, to the highest level na. Feeling ko mag be-breakdown na ako any minute. Feeling ko kasi tintraydor ako eh.

Nakaka shock naman din kasi si Ches eh. Gusto ko nang kalbuhin ung sarili ko. Ugh. Kaso wag, sayang naman ang natural na staright na staright hair ko.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon