O3

34 0 0
                                    

Shooting Star Chapter Three || Allyn

After few weeks, umalis na nga sila Cheska. Hinintay lang nila kunin ung grades at yearbook. Hay... Nakaka lungkot sobra, tatahakin ko ang bangis ng Taft Avenue mag isa.

“Lyn... kelan ka punta ng school?” Malambing na sigaw ni mommy. She was busy watching the TV sa sala. Si daddy nag babasa ng news paper sa dining room; ako, busy mag laro ng the Sims. Kailangan ko mag cheat, kalaingan ko ng mansion dito.

“Allyn...”

“I’m busy!”

I’m busy playing the Sims. Control shift plus C... ayun! Lumabas din! Sa wakas! Kanina ko pa kinakapa to eh. Asar.

“Allyn...” “Allyn!” “Allyn! Ano ba?! Kanina pa kita tinatawag ah?! Nag tetengang kawali ka na naman!”

“I’m busy po!”

“Busy on what?! Nag fa-facebook ka lang naman jan!”

“Hindi po no!”

“Eh anong ginagawa mo jan?”

“Nag lalaro.”

“Hay naku! Matanda ka na, para maglaro! Asikasuihin mo na ung mga papers mo.”

“Ikaw na. Sabi mo ikaw na bahala dun.” I sigh silently. Jusko naman, give me some space. I need some time on my own. Ayoko munang mag isip ng school, school. School sucks!

“Nasaan ba ung mga papers?”

“Nasa kwarto ko po.” Ayan! Mayaman na ko! Ha-ha! Woo-hoo! Okay... anung bibilhin ko? Gusto ko ng swimming pool!“Ate She! Pakikuha sa kwarto ko ung envelope ng green! Tapos bigay mo kay mommy.”

From my peripheral vision, nakita ko si Ate She na binitawan ung basahan at tumakbo pa akyat. Ang tagal tagal pa naman ng pasukan bakit ba excited si mommy na ayusin ung papers ko? Hindi naman tatakbo ang La Salle no.

---

Tug. Tug. Tug.

I looked up. Ang bigat naman ng paa ni Ate She at ang bilis niya ah, “Ate, eto na po.” Inabot niya kay mommy. Lumapit si Daddy at tumabi sa kanya. Tinignan niya ung prospectus.

“Allyn, ano ba gusto mong course?”

“Ha?”

“Kahit ano po! Kahit wag niyo na kong pag aralin, okay lang!”

“Anong sabi mo?!” I swallowed hard. Pina pantig ko na naman ung tenga ni mommy. Slowly, tumingin ako sa kanya, pinandidilitan niya ako. Patay. “Wala! Joke lang po! Kayo na bahala pumili, tutal kayo naman ang may gusto na dun ako mag aral eh.”

“Good. Kala ko mag rereklamo ka na naman eh.” Tumingin siya kay daddy. “Dad, ano ba gusto mong kunin ni Allyn?”

“Accountancy na lang.”

“Okay, maganda naman yon eh.” Sabi ni mommy. Napangiti ako. Yes! Buti na lang, hindi Biochemistry na pinag tatalunan nila nung isang gabi! Ayoko ng science. “Nicole, yon ang kukunin mo!”

“Opo. Sige po ah, mag lalaro muna ako.”

“Ay, wait!”

“Ano na naman?” Sabi ko sabay kamot sa ulo. Ang KULET!!! “Yung college friend ko, may anak siya...”

“Oh, tapos?”

“Uuwi dito ung anak niya, galing sa Japan. Kaso sa Benilde nga lang siya mag aaral.” “Anong gagawin ko?”

“Sabi niya kasi, kung gusto mo daw, maki share house ka dun sa daughter niya, while you’re studying at La Salle. Tsaka, para may kaibigan siya, kaka uwi lang nun dito eh.”

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon