BISKIT
Ilang taon na din ang nakakalipas ng magsimula ang epidemya na kumalat sa buong mundo, walang pinipili ang virus na ito. Mahirap, Mayaman, At kahit Makapangyarihan pa man, pero may bukod tangi at nag iisang tao ang kailanman hindi tinatablan ng sakit na ito. Tawagin na lamang natin siyang paramon.
"Ughhh! Nagugutom ako ang sakit na ng tiyan ko sa gutom!" Naglalakad ang binata habang ang kanyang kanang kamay ay nakahimas sa kanyang tiyan. Bahagyang madilim at malamig ang hangin sa mga oras na iyon, bahagyang pumapatak patak ang ulan, at kasabay nito ang malalakas na kulog at malamig na simo'y ng hangin.
"Nagbabanta yung ulan kailangan makahanap na kaagad ako ng masisilungan", naghanap ang binatang si paramon ng isang bahay na kanyang masisilungan, dahil sa paparating na malakas na pag ulan. Makalipas lang ang ilang minuto, biglang bagsak ng ulan na galing sa madilim na kalangitan, malalakas na kulog at hangin ang kanyang naranasan sa loob ng kalahating oras, ng kanyang pananatili sa loob ng bahay.
Habang nag aantay siya na tumila ang ulan, sinuri niya muna ang loob ng bahay na kanyang pinagsilungan. " May makakain kaya dito? Nagugutom na ko", nagpunta siya ng kusina para kalkalin ang mga cabinet, umaasa na may makitang pagkain. Hindi naman siya malas sa mga sandali iyon, nakakita siya ng isang pack ng biscuit at dalawang de lata ng meat loaf.
"Salamat naman may pagkain dito, gutom na talaga ko" umupo siya sa lamesa habang kinakain ang biscuit na nakuha sa cabinet, "ughhh salamat po Kataas taasan binigyan niyo po ako ng pagkain", ilang minuto matapos siyang kumain, umalis siya sa kusina at inikot ang buong bahay. " gumagana naman siguro kuryente dito",sumindi ang ilaw, pinasok niya ang bawat kwarto, binuksan niya ang mga cabinet umaasa na may makitang gamit na pwedeng mapakinabangan.
20 minutes, na siyang nasa loob lang ng bahay inaantay na tumila ang ulan, "Hanggang kailan ako mag iisa". Hindi na ata maalala ni paramon na may nakilala na siya noon, ngunit sa papaanong paraan naglaho ang mga iyon. Bakit muli siyang nag isa, nabuhay ng magisa, " Hindi ko kasalanan na nawala sila sakin lahat, wala kong kasalanan naging mahina lang ako".
"Pasensiya na talaga lucy kung hindi kita nailigtas" kitang kita sa mga mata niya ang kalungkutan at mga panghihinayang, maya maya lang tumayo na siya dahil sa tumila na ang ulan. "Tumila na ang ulan kailangan ko ng magpatuloy", Lumabas na siya ng bahay na kanyang pinagsilungan upang magpatuloy at humanap ulit ng mga makakasama. Umaasa siya at nagbabakasali na baka may buhay gaya ng mga nauna.
Patuloy na naglalakad si paramon, hindi na alintana sa kanyang paglalakad ang paglubog ng araw sa kinalalakaran..habang siya'y naglalakad, isang aso ang kanyang nakita, " Teka! Aso yun ha!, bakit parang hindi ata umaalis sa kinauupuan niya?!". Nagtaka na lamang siya dahil sa ang aso ay hindi umaalis sa kaniyang puwesto, dahan dahan namang lumapit si paramon upang tignan ang aso. " Doggy! Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka tumatayo diyan!?", kitang kita sa mga mata ng aso ang labis na kalungkutan, tila parang nagmamakaawa na siya ay iligtas, ngunit papaanong ang aso ito ay hindi nakakatahol. Wala kang maririnig na tinig galing sa kanyang bibig, kung di isang mahinang ungol lamang.
"Teka! Doggy double check lang kita ha!" sinuri ni paramon ang aso, kaya naman pala hindi makaalis sa kina uupuan ang aso dahil sa naipit pala ang kanyang kadena sa isang malaking bato, " sandali lang ha ! Kaya naman pala hindi ka makaalis naipit pala tong kadena mo sa bato". Ng matanggal ni paramon ang kadena sa bato, agad namang tumakbo ang aso at tumahol ng tumahol. " huh? Tumatahol naman pala yung aso na yun e", ilang minuto lang bumalik ang aso, at para bang may gusto siyang ipakita kay paramon.
" teka! Si doggy ba yun? Bakit parang bumabalik ata!", ng makalapit ang aso kay paramon, kinagat ng aso ang damit nito. Hinahatak siya nito na para bang may gustong ipakita, agad namang sumunod si paramon sa aso, Napaka bilis tumakbo ng aso at ganon din si paramon. "ughhh! Sandali lang doggy napapagod na ko, ang bilis mo tumakbo". Ilang minuto lang makalipas ang pagsunod ni paramon sa aso, ang asong ito ay huminto sa isang bahay.
Tumatahol siya at kay bilis ng pagsayaw na kanyang mga buntot, para bang sabik na sabik siya sa kanyang gustong ipakita kay paramon. " woooh! Dito na ba doggy? Ano bang meron dito ha! Teka lang! Hinihingal ako!". Kinagat at hinatak namang muli ng aso ang damit ni paramon upang papasukin sa loob ng bahay, " gusto mo na pumasok akl dito doggy?" tanong niya sa aso, tumahol naman ito bilang pagsang ayon sa tanong ni paramon.
Pumasok naman si paramon, hindi naaalis sa binata ang pagiging agresibo. "Napaka dilim dito doggy ano bang meron dito?" tumahol naman ang aso, at kaagad na ito ay umkayat sa ikalawang palapag ng bahay. "Okay sige susunod ako sayo", huminto ang aso sa ikatlong pinto na kwarto, lumapit naman si paramon at dahan dahang binuksan ang pinto. " papasok na kl doggy ha! Kung sasama ka sige dalawa na tayo", laking gulat lang nk paramon ng makita niya ang isang bata na naka kadena din, kitang kita sa bakas ng kanyang mukha ang napaka raming dugo at wasak nitong mukha, " haaaa! Teka teka! Doggy lumayo ka muna" tumahol naman ng tumahol ang aso. Para bang gusto ng aso na pakawalan din ni paramon ang bata gaya ng ginagawa nito sa kanya.
"Teka lang doggy hindi na siya tao!" tahol ng tahol ang aso, ng buksan ni paramon ang bintana, dala ng ng liwanag na nanggagaling sa buwan, kitang kita ng asong ito ang kakaibang itsura ng kanyang amo. "doggy hindi na siya tao okay!?" sobrang nalungkot ang asong ito "doggy ahos lang ba sayo na patahimikin na natin siya?", hindi kumikibo ang aso, bumaba ito sa ikaunang palapag ng bahay, at nagtago sa ilalim ng lamesa. " Huh? Teka! Bakit siya bumaba?", tanong ni paramon sa kanyang sarili.Kaagad din naman siyang bumaba at pumunta sa aso, "Doggy gusto mo ba na wag na natin patayin yung bata?" maamo namang ngumisi ang aso at pahiwatig nito ang pagsang ayon nito sa tanong ni paramon, " okay sige haharangan natin yung pintuan para hindi siya mapatay ng iba kung sakali man", mabilis naman na nag sayaw sayaq ang buntot ng aso, kita sa kanyang mga mata ang lubos na kagalakan.
Makalipas lang ang ilang minuto, lumabas naman ng kaagad si paramon, at sa pintuan namang iyon nakaupo ang aso. "Doggy gusto mo bang sumama sakin?", hindi tumatahol ang aso, " Tara na mahaba pa ang lalakbayin natin". Biglang tayo ng aso at agad na lumapit kay paramon, "simula ngayon ikaw na si biskit! Biscuit kasi huli kong kinain" galak na galak naman ang aso, at boto ito sa kanyang bagong pangalan. " so biskit tara na maghahanap pa tayo ng mas marami pang kaibigan".

BINABASA MO ANG
I Lost
HororGaya nating mga tao, may mga kahinaan din tayo nagkakasakit, namamatay. Pero kakaiba ang binatang si Paramon, isa siyang carrier hindi ng sakit kundi ng isang anti body Vaccine na kayang labanan ang anumang sakit, kahit na zombie virus pa ito. Enjoy...