STREET RACING
Nagmamaneho ako ngayun gamit ang black sporst car para sa isang street racing .And i know it is illegal, Pero hindi na man siguro kami mahuhuli . Alas nuebe na ng gabi ngayun ,medyo late na ako dahil marami pa akong inasikaso .Nakasuot ako ngayun ng black ripped jeans ,puting sando na may naka patong na black leather jacket.
Nang dumating ako dito sa isang liblib na lugar ay nangibabaw agad ang mainggay na tunog ng musika at inggay ng mga tao.At mukang ako nalang yata ang hinihintay ng lahat .
Pagkababa ko ng kotse ay agad na naghiyawan ang mga tao.
"wiw" ani nga mga tao
"yow ellie ,!! akala namin dika na dadating " ani ni alex isa sa mga nangongolekta ng mga pustahan
"Oh,magsisimula na .Handa nyo na mga pusta nyo "ani ng isang lalaki.Masyadong maiingay ang mga tao ,At ang ilan sakanila ay parang may tama na .Nagpatuloy sila sa pagsasaya ng may bumusina sa likod ko kaya't napalingon ako dito
"Magpadaan naman kayo!" bulyaw ng isang lalaki na animong
nagmamadali ."Sarado, umikot ka" kalmado kong sinabi . Kaya't wala na syang nagawa at lumihis ng dadaanan.
Kaya tinuon ko nalang ang attention ko sa mga tao."Sino kalaban ?" tanong ko kay alex.Sinenyasan nya lang ako na maghintay.Umalis sya at sinundo ang isang lalaki
"Ahm. Ellie i want you to meet Kian Salvador your opponent" naglahad ng kamay ang lalaki at agad naman akong nakipagkamay . Gwapo , mukang maganda ang katawan at matangkad ng kunti kesa sa akin ang lalaki.
"Ready to lose?"nakangisi kung tanong. Ngunit tinawanan nya lang ako !.
Naghanda na kami , Puwesto na agad ako sa aking sasakyan at pinaandar ang makina . Nagtama ang paningin namin ni kian at agad akong ngumisi . Umiling na lamang sya bilang tugon.
"Ready"tanong ng babae sa harapan na syang mag sesenyas saamin.tumango naman ako bilang tugon .
Ng ibaba ng babae an panyo na syang hudyat ay agad kung pinaandar ang sasakyan.kasalukuyang nangunguna ang kalaban ,Kaya't mas lalo kong binilisan ang pagpapaandar . Ng magkapantay kami ay nagkatinginan kami sa bintana may sinabi sya ngunit hindi ko ito naintindihan .
Bumilis ang pagpapa andar nya kaya't nanguna nanaman sya .hinabol ko sya ngunit sadyang bumabagal ako ,Ng matanaw ko ang finish line ay agad kung ginawa ang lahat ng aking makakaya ,Para na nga akong tinatangay ng hangin dahil sa bilis, Ng malapit na sya sa finish line ay mabiliis kong pinalipad ang aking sasakyan kaya't sa huli ay ako ang nanalo.
Lumabas sya ng sasakyan dahilan kong bakit lumabas narin ako ,Lumapit sya saakin at nakipagkamay
"Bawi ako next time"nakangiting sabi nya
"Practice kapa"pangaasar ko,May sasabihin pa sana sya ng narinig namin ang sirena ng pulis.Aish!
Mabilis kaming sumakay sa kanya kanya naming mga sasakyan at mabilis itong pinaandar , Halos magkapantay kami ng bilis .At laking tuwa ko ng napaka layo na ng mga pulis saamin,Ngunit agad din itong naudlot ng may humarang na pulisya saamin .Naabutan narin kami ng isa pang sasakyan na humahabol saamin kanina .Pinalibutan nila kami .At may kumatok saakin na isang police kaya't wala na akong nagawa kundi ang lumabas .
"Licensya?"tanong saakin ng isang panot na pulis. ipinakita ko ang aking licensya ngunit makukulong parin kami dahil illegal ito.
bumuntong hininga nalang ako ,
Okay here we go again , nasa presinto nanaman ako .
"Oh,Ellie ikaw nanaman kaka detained mo lang nung isang linggo ah"ani ng isang babaeng nasa loob ng selda
"Tch. Sabi ko naman kasi sainyo babalik ako eh"natatawang ani ko
Tinawag kami ng pulis para pumirma At picturan.
"Yeah"pag pose ko sa picture habang naka rock n roll sign.Biniro ko pa nga ang isang pulis na kung pwede wag nalang dahil marami naman na akong picture dito at iisa lang naman ang nagiging kaso ko.
Kasalukuyan kamingnarito ngayun ni kian sa selda hinihintay na may mag piyansa saamin .Ngunit ayaw ko namang tawagan si Anna dahil baka kung ano ano nanamang sasabihin nya .Hindi narin ako nag alalang ma grounded dahil hindi naman na nila ito malalaman .
"May piya-piyansa sayo?"tanong ko sa katabi ko .
Nag bikit balita na lamang sya na parang bang may hinihintay .
Ngunit isang malaking palaisipan nalang sakin kung pano ito nalaman ng mga pulis gayung sobrang layo at dilim ng lugar nayun.At nakakasiguro rin akong malayo yung sa mga bahay-bahay.
"Psst."panawag ko sa isang pulis na nasa gilid.
"Oh,problema mo at nag iingay ka?" Tanong nito
"Pano nyo pala nalaman ang lugar naiyon ?"
"Basta. concern citizen daw"
"Sabihin mo na , to naman Oh,parang di tayo magkaibigan !"
"Yung ano,yung lalaking dumaan daw dun ayaw nyo daw magpadaan " aniya sabay balik sa puwesto
Gago yun ah, hindi naka daan kaya nag sumbong! Aish umiling na lamang ako
"Kaibigan mo pala yung pulis nayun ?" Sabi ni kian
"Hindi!, friendly lang talaga ako, atsaka sa linggo linggo ko dito memorize kona pangalan nilang lahat pati nga yang mga naka kulong eh"natatawang ani ko
"Gagi "komento nya
"Ikaw ba?, Sa bilis mo kanina hindi ako naniniwala na hindi ka laging sumasama sa mga karrera?"
"Ahm.meron kaming grupo eh"
"Ilang beses ka ng nag pa balik balik sa kulungan ?"
"Ngayun lang "aniya
"Ngayun lang!?hindi kayo nahuhuli ?"mangha kong saad.Umiling sya bilang tugon. "Ikaw?" Tanong nya
"Halos linggo linggo eh"tumatawa kong sabi.umiling ulit sya habang natatawa.
Ilang oras na ang lumipas at malapit ng mag madaling araw .Naalala ko na may pasok bukas kaya't kailangan ko ng makalabas dito.
"May mag piya-piyansa sayo?"tanong ko
"Oo ,nasa daan na "
Wala na akong magawa kaya't nakihiram na ako ng telepono para matawagn si kate ang isa kong kaibigan .
Agad naman nitong sinagot .
"Hi kate, bat gising kapa ?"malambing kong sabi
"Hinihintay namin tawag mo" kalmado nitong saad
"Huh?" Nalilitong tanong ko
"Nandito ako ngayun sa condo ni Anna sleepover. Nag pustahan kami na tatawag ka at mag papa piyansa kaya eto ako ngayun talo ng 1k " humahagikgik nyang saad
"Ano pupunta naba kami jan ?" tanong nya
"O-oo"nag aanlinlangan ko tugon.
Ibinaba ko na ang telepono at sakto namang may dumating na isang lalaki .
Matangkad, katamtaman lamang ang kulay,Gwapo?, at nasisiguro ko na meroong tinatagong kinang sa loob ng kanyang damit .
Sinundan ko sya ng tingin at lumapit sya sa kulungan kung nasaan ako ngayun .
"Brad?"nangaasar na tanong nya kay kian, At sigurado din ako na eto ang maglalabas sakanya dito.
"Anyare ?" tanong nito at hindi ko na narinig ang ibang pang pinag usapan nila dahil busy na ako dito sa cellphone ko .
"Ah,oo nga pala si ellie" narinig ko ang pangalan ko kaya't agad akong lumingon .
"Hi,I'm Sam"pag papakilala nya sabay lahad ng kamay saakin.
"Ellie"ani ko,Ngunit diko tinanggap ang kamay nya sapagkat tinanguhan ko na lamang sya bilang tugon.
Nagpaalam sila saakin na aalis na daw sila. At kinalaunan ay dumating narin ang akin mga kaibigan .
Ng maka uwi ako ay pinuno ako ng panenermon ni Anna .

YOU ARE READING
BRAT
Storie d'amoreThe names, characters, locations and incidents in this story are just fictional. --------------------- Isang lalaking tila ba'y pasan ang buong daigdig sa pagka seryoso . Ang pusong puno ng paghihiganti dahi sa naturang insidente. Magagawa pa ba...